“Pipe. Kill. Nagsinungaling ako sa inyong lahat…” sabi ng isang babae na may malaapoy na kulay ng buhok. “…nagsinungaling ako tungkol sa amin ni Drown.”
“Teka. Fade?” tanong ni Kill sa babaeng kaharap nila.
“Ako nga Kill. Eto ang totoo kong anyo.” sabi ni Fade.
“Pero paano?” tanong naman ni Pipe.
“Sasabihin ko sa inyo ang kwento sa likod ng lahat ng ito.” sabi ni Fade na may seryosong mukha. “Si Book at Drown ay iisa lang.”
* * *
Ipinanganak si Fade kasabay ng kakambal nyang si Drown. Masayang magkasama ang dalawa hanggang sa isang araw, noong mga panahong nagkakilala na si Drown at Airy. Nangyari ang isang encounter.
“Drown! Anong ginagawa mo?” tanong ni Fade sa kanya.
Nakatayo lamang si Drown at hindi gumagalaw. Lumingon ang lalaking nasa harap nya at nakita nyang iba ang itsura nung lalaking kaharap nya. Meron itong kulay kahel na buhok at ang mata nya ay kulay na nagtatalo sa gitna ng kahel at dilaw.
“Makinig ka Fade. Ako at sya ay iisa lang.” sabi nung lalaki sa katawan ng kapatid nya.
“Hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mong iisa kayo? Ikaw si Drown.” nangingiyak na tanong ni Fade sa lalaking kaharap nya.
Lumapit sa kanya ang lalaking yon at hinawakan ang ulo nya.
“Kailangan ko ang katawang ito para iligtas ang buong lupain.”
“Ba-bakit katawan ni Drown ang gagamitin mo para sa kaligtasan ng lupain?” tanong ni Fade.
“Dahil sa kanya nabibilang ang kaluluwa ko gayon din ang katawan na nabibilang ang kaluluwa nya.” sabi pa nung lalaki.
“Hi-hindi mo pwedeng gawin yon. Hindi pa patay si Drown. Ililigtas ko sya.” sabi ni Fade.
“Fade–”
“Nagmamakaawa ako. H'wag mong kunin si Drown. Ibalik mo ang kapatid ko.” sabi ni Fade.
Nagulat naman ang lalaking nasa harapan nya kung gaano nya kamahal si Drown.
“Fade. Naiintindihan ko. Pero kailangan mong ipangako sa akin, na kahit anong mangyari. Poprotektahan mo ang katawan ito hanggang sa muli kong paggising. At Fade, ang Drown na makikita mo ay isang illusion na lamang. Ito ay isang natutulog na parte ng kaluluwa ko.” sabi nung lalaki.
“Anong pangalan mo?” tanong ni Fade.
“Pangalan ko? Ako si Book.”
“Book?”
“Hm. Paalam na muna.” sabi ni Book at agad nahimatay si Drown sa balikat ni Fade.
“Fa-Fade? Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Drown at nagulat sya sa nakita nya. “Fade. Bakit kulay kahel na ang mata at buhok mo? Anong nangyari?” tanong nya.
“Huh? Anong ibig mong sabihin? Ganito naman talaga ang buhok natin diba?” nagsisinungaling ni Fade.
Magmula kasi sa mga oras na iyon ay hindi na nagbalik ang buhok ni Drown na malaapoy kaya ginaya na lang nya si Drown.
“Ah. Oo nga.”
“Tara na. Baka hinahanap na tayo.” sabi ni Fade at hinawakan nya ang kamay ni Drown.
Ginawa lang ni Fade ang memory ni Drown na kasama nilang dumating sa Hilaga ang mama nila at namatay sa isang digmaan. Pero ang tunay ay bago pa lang sila umalis sa lugar nila ay pinatay na ang mga magulang nila dahil sa pagtataksil sa buong kaharian ng Hilaga.
Napapansin na ni Fade ang pagbabago sa kanyang kapatid. Napansin nyang hindi na sya tinatablan ng mga mabibigat na magos. Lumipas pa ang ilang taon at nangyari na ang pananakop ni Fright. Iniligtas nya si Drown mula sa pagkakabunyag ng tunay na kapangyarihan nya. Ipinadala sya sa Silent city o mas kilala sa tawag na Cursed city ngayon dahil sa lumalakas na kapangyarihan ni Drown.
Nang minsang makatakas si Fade sa kamay ni Fright ay agad syang nagtungo sa Cursed city. Nakita nya ang kapatid nya na malayang natutulog sa isang malaking inverted vase. Bigla na lang sumulpot ang isang lalaki sa harapan nya na agad nyang nakilala.
“B-Book?” tanong nya.
“Fade. Mabuti naman at nandito ka. Anong nangyayari dito?”
“Ba-bakit ka nandito? Hi-hindi mo makukuha ang katawan ng kapatid ko.”
“Pero sinabi ko sa iyo na nasa loob na ako ni Drown mula noong una nating pagkikita.”
“Poprotektahan ko ang kapatid ko kahit na anong mangyari.” sabi ni Fade na ayaw tanggapin ang katotohanan na wala naman talaga syang kakambal.
“Fade, kailangan mong bitawan ang nasa isip mo na magkapatid tayo. Hindi mo na dapat ibaon ang sarili mo sa ilusyong iyon.” sabi ni Book at tumingala sya.
Tila ba ay pinapakinggan nya ang simoy ng hangin na bumubulong sa kanya.
“Nagsimula na pala.” sabi pa nya.
“A-ang alin?” tanong ni Fade.
“Ang digmaan. Fade, sabihin mo sa akin ang nagyayari dito.” sabi ni Book na may bagabag sa kanyang mukha.
Kinuwento ni Fade ang lahat ng nangyari.
“Malapit nang dumating ang magsasalba sa inyong lahat.” sabi nya at lumapit sya kay Fade. “Makinig ka Fade. Kahit anong mangyari, h'wag mong hahayaan na malinlang kayo ng 13th Fairy Ring. Magigising ako sa takdang panahon. H'wag nyong kokolektahin ang labing-dalawang Fairy Rings dahil ito ay magsisimula ng isa pang digmaan. At kapag nangyari yon ay mauulit lang ang kasaysayan namin.”
* * *
“Pero hindi ako nakinig sa kanya. Hindi ko kayo pinigilan. At hindi ko agad sinabi sa inyo ang totoo.” sabi ni Fade.
“Sa ngayon, kailangan nating paniwalaan ang sinasabi mo. Nakolekta na natin ang anim sa kanila. Hindi pa natin sigurado ang anim pa na natitira.”
“Pero pag nagharap tayo, wala tayong magagawa kundi ang lumaban sa kanila.”
“Huli na ang lahat. Hindi na natin sila matatakasan. Ang kasaysayan. Inuulit lang natin ang lahat ng ito.” sabi ni Fade.
“Heh. Buti naman at napansin nyo ang digmaang sinimulan nyo.” sabi ng babae sa likod ni Fade.
Lumingon silang lahat at nakita ang isang babaeng lumulutang sa ibabaw ng tubig.
“Quari!” sigaw ni Pipe.
“Oh. Mahal na Prinsepe Quaine. Ikinagagalak kitang makilala.” pagbati ni Quari na para bang matagal na silang magkakilala ni Pipe. “Hindi mo ba nabalitaan? Nilabanan ni Leonis ang napahalaga mong mga kaibigan. Oh. Papunta na din pala si Tauri para magbabala sa kanila. Heh. Paniguradong hindi sila makakaligtas kay Tauri.”
Nagalit naman si Pipe sa kanyang narinig at inilabas ang espada nya. Agad syang sumugod at nang iwinasiwas ni Pipe ang espada nya ay natamaan si Quari sa kanang balikat pero agad namang naghilom ang sugat nya dahil sa tubig.
Umatake si Quari at tatamaan na sana si Pipe nung humarang si Fade.
“Pipe! Kami na ang dahala dito. Puntahan mo na si Bloom.” sabi ni Fade at humanda sa pag-atake. “((Di ko hahayaang may mamatay pa.))” sabi ni Fade sa isip nya at pinasahan nya si Pipe ng magos nya.
Agad naman umalis si Pipe. Binalot sya ng armas nyang panabla sa tubig. Mabilis nyang binaybay ang tubig kahit hindi nya alam kung saan sya patungo.
Tatawagin nya pa lang ang mga taong posibleng kasama ni Bloom nung bigla na lang narinig nya ang boses ni Risk sa isip nya.
“((Pipe.))” tawag sa kanya ni Risk.
“Nasaan kayo? Sinong kasama mo?” tanong naman ni Pipe.
“((Nandito kami sa Cursed city. S-si Bloom. Iligtas mo si Bloom.))” umiiyak nyang sinabi.
“Papunta na ako. Hinding-hindi ko hahayaang mamatay si Bloom.” sabi ni Pipe at lalo nya pang binilisan sa pagbaybay sa mahabang dagat.