Sinuntok ni Season ang pader ng kwarto nya nag-iwan ng nakabaon na marka ng kamao nya.
“Season, kausapin mo ako.” sabi ni Wood sa labas ng kwarto.
“Bakit kita kailangan kausapin? Gusto mo bang makuha ang loob ko at magustuhan kita?” tanong naman si Season.
Nairita naman si Wood sa sinabi nya.
“Bibilang ako ng tatlo. Pag hindi mo binuksan ang kwarto mo, sisirain ko ang pintuan mo.” sabi ni Wood.
Umupo si Season sa gilid ng kama nya at hinintay nya si Wood na magbilang.
“Isa…” sabi ni Wood at umatras sya para sa kayang bwelo.
Nagpagpag lang si Season ng dumi sa balikat nya.
“Dalawa…” sabi ni Wood at pumwesto na.
Ipinikit naman ni Season ang mga mata nya.
“Tatlo…” sabi ni Wood at naghintay sya kung bubuksan ba ni Season ang pinto o hindi.
Nung napagtanto nya na wala dalagang balak si Season na pagbuksan sya ay agad nyang sinipa ang pintuan. Dali-dali syang pumunta kay Season.
* pak *
Nagulat si Season sa sampal na iyon.
“Nandito ako para sabihin sa 'yo na hinay-hinay ka sa kakaiba mong magos dahil baka masaktan mo si Ether dahil dyan. Alam kong kailanman, hindi ka magkakagusto sa taong nahanap mo lang sa gubat. Pero h'wag mo sana akong maliitin at sabihan ng ganon. May damdamin din ako, Season, nasasaktan din.” sabi ni Wood.
Bago sya tumalikod ay nilagyan nya ng malamig na panyo ang mukha ni Season na namaga at saka sya umalis.
* * *
Isang taon na naman ang lumipas. Normal ang lahat maliban sa pagitan ni Wood at Season. Isang taon na nung huling nagkausap sila. Kahit na tanungin ni Season si Wood ng mga bagay-bagay ay sasagot lamang si Wood ng simple at saka aalis.
“Hue, napansin mo ba yun?” tanong ni Ether.
“Oo naman. Masyadong halata na dahil isang taon na ang lumipas.” sabi ni Hue.
“Oy. Kayong dalawa dyan. Baka naman gusto nyong h'wag na kaming pansinin?” naiinis na paalala ni Season.
“Sabi ko nga eh.” sabi ni Hue.
“Ah. Oo nga pala. Hue, kamusta ang pagpili mo ng labing-dalawang Fairy Rings na may mga potensyal sa paglaban?”
“Aha. Oo nga pala. Ayos lang naman, lahat sila nagpupursigi para sa posisyon na iyon.”
“Magaling, magaling. Tara na doon.” sabi ni Ether at umalis na sila.
Si Season naman ay tumingin sa direksyon ni Wood. Nakaramdam sya ng hindi nya pa nararamdaman kahit kanino. Kahit na kay Ether.
* * *
“Wood! Bakit ba hindi mo ako pinapansin?” tanong ni Season nung sa wakas ay naabutan nyang nagpapahinga si Wood mula sa pagsasanay.
Hindi naman sumagot si Wood at nagpunas lang pawis nya.
“Wood?”
Nainis naman si Wood at sinagot si Season. “Tinatanong mo kung bakit? Inisip mo ba kung bakit?” naiinis nyang tanong.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Tumayo naman si Wood at babalik na sa pagsasanay nung magsalita si Season.
“Patawad.” mahinang sinabi ni Season.