“Fisc.” tawag ni Ether sa kambal.
Isang taon na ang lumipas noong nailigtas ni Ether ang kambal mula sa kamatayan. Si Ether ay dalawangpung taong gulang na. Tapos na din silang mag-aral sa Fairy Academy pero si Wood ay nanatili lang para sa karagdagang pagsasanay. Ang kambal naman na Fisc ay nagsimula na ding mag-aral sa Fairy Academy.
“Sino po ang tinatawag nyo? Si Ate Synne po ba?” tanong ng lalaking Fisc.
“O si Kuya Shaune?” tanong ng babaeng Fisc.
“Ah. Parehas ko kayong tinatawag.” sabi ni Ether at nilapitan nya ang dalawa. “Kamusta ang pag-aaral nyo?” tanong ni Ether. Sya na din kasi ang tumatayong ate ng kambal.
“Ayos naman po. Maayos ang pakikitungo nila sa amin.” sabi ni Synne.
“At marami na din po kaming mga taong galing sa Fairy Ring.” sabi naman ni Shaune.
“Lahat po sila ay pinapangalanan ni Book.”
“Book?” tanong ni Ether.
“Ether, sasama ka ba sa bayan?” tanong ni Hue sa likod.
“Ah!” sabi ng kambal sabay turo kay Hue.
“Shhh.” sabi naman ni Hue habang nakapatong ang hintuturo nya sa labi nya.
“A-ah. Mauna na ako sa inyo ha. Mag-aaral kayong mabuti ha.” sabi ni Ether at sumunod na sya kay Hue.
“Opo Ether.” sagot ng kambal.
Magkasama naglalakad sila Ether non papunta sa bayan.
“Kailan mo pa naging pangalan ang Book?” tanong ni Ether.
“Yun ba? Nakikita daw kasi ako ng ibang estudyante na may hawak na libro kaya akala nila yun ang pangalan ko.” sabi ni Hue at inilagay nya ang dalawang kamay nya sa kanyang batok.
“Ikaw daw ang nagpapangalan sa mga dumarating na Fairy Ring?” tanong pa ni Ether.
“Sa iba lang na walang nagpapangalan sa kanila.” sabi ni Hue.
Sa kabilang dako…
“Kuya. Sino sya?” tanong ng isang bata sa kanyang nakatatandang kapatid.
“Sya si Cinderella. Labing-anim na taong gulang. Naiintindihan nya ang mga damdamin ng mga hayop at isa syang katulong sa mismong kaharian nya.” bulong ng nakatatanda sa kapatid nya.
“Eh? Mas matanda pala sya sayo Kuya.” sabi ng nakababata at nginitian lang sya ng nakatatanda. Naglakad naman na sila ulit.
* * *
“Ano bang gagawin natin dito?” tanong ni Ether.
“Napag-utusan tayong magmasid sa bayan ng mga tao na maaaring sumabak sa digmaan.” sabi ni Hue nung makarating sila sa bayan.
“Magmasid? Sa dami ng tao sa bayan?” sabi ni Ether.
“Haha. Para lamang tayong namamasyal. Sinabi din ni Queen Quaine na ito na ang oras para sa…” sabi ni Hue at hindi nya itinuloy ang sasabihin nya. Nahiya kasi syang sabihin kay Ether na ito na ang oras para aminin ni Hue ang nararamdaman nya kay Ether.
“Oras para saan?” tanong ni Ether kay Hue.
“Wala, wal—” hindi naituloy ni Hue ang sasabihin nya dahil nakabunggo sila ng bata.
“Leonis!” sigaw ng isang lalaki sa kanya g kapatid na nabunggo ni Hue.
“Ah. Pasensya na.” sabi naman ni Hue.
“Ayos lang ba kayo?” sabi ni Ether at itinayo nya ang nabunggong bata. Naramdaman ni Ether ang magos ng isang Fairy Ring.
“Ayos lang po kami. Maraming salamat po sa tulong.” sabi ng binata kay Ether.
“Ah?! Isa kang imigrante?” tanong ni Ether sa nakatalikod na binata. “Anong pangalan mo?” tanong nya pa.
Humarap naman sa kanila ulit ang binata. “Ako po si Data. Data Velocity.” sabi ni Data na noo'y nasa kanya ika-labing limang taong gulang.
“Maaari ka bang magkwento tungkol sa inyo magkapatid?” hula ni Ether.
Tumango lang naman si Data.
* * *
“Kilala mo na kami, hindi ba?” tanong ni Ether kay Data.
Tumango naman si Data. Lumabas na kasi ang magos nya na Informant kaya alam nya na kung sino ang mga nakakasalamuha nya. Nandito sila ngayon sa bahay ni Data. Si Leonis ay nasa labas ng bahay at kalaro ni Hue habang si Ether ang kumakausap kay Data.
“Paano mo sya nakilala? Ang batang iyon.” sabi ni Ether.
“A-alam nyo po na hindi ko sya kapatid?” tanong ni Data.
“Oo. Nararamdaman kong isa syang Fairy Ring.”
“Fairy Ring?”
“Mga taong galing sa Fairy Ring at mga taong walang pangalan.” paliwanag ni Ether.
Nakayuko lang naman si Data. “Namatay ang kapatid ko na si Leonis noong syam na taong gulang sya. Nahulog sya sa punong madalas nyang akyatan kapag naglalaro kami. Kasunod nyang namatay ang mga magulang namin dahil sa kalungkutan. Magmula din non, hindi na ako lumalabas ng bahay. Pero isang araw, habang nangangaso ako sa gubat. Nakakita na lamang ako ng liwanag sa iisang parte nito. Agad akong tumakbo para makita kung anong meron doon at nakita ko sya na nakaupo sa patay na Fairy Ring. Kamukha nya ang kapatid kong si Leonis kaya ang ipinangalan ko na ito sa kanya.” buong salaysay ni Data sa kanyang kwento.
Nagkaroon naman ng katahimikan sa buong bahay. Nakatitig lang naman si Ether sa labas at pinagmamasdan ang paglalaro ni Hue at Leonis.
“Sabihin nyo sa akin, ilalayo nyo po ba sya?” tanong ni Data.
Nagulat naman si Ether sa tanong ni Data kaya napalingon ito sa kanya. Nagtagpo naman ang mga tingin nila ni Data.
“Hindi ko gagawin iyon. Kapatid mo sya. Bakit ko sya kukunin sa iyo? Wala akong dahilan para kunin sya sa iyo.” sabi ni Ether at tuluyan naman nang umiyak si Data.
“Mahal ko po si Leonis kahit hindi sya ang tunay kong kapatid. Marami na kaming pinagsamahan. Hindi ko kakayanin kapag kinuha sya sa akin.”
Tumayo naman si Ether at hinawakan si Data sa balikat.
“May isang paaralan sa Hilaga. Fairy Academy, alam mo ba yon?” tanong ni Ether.
“O-opo.” sagot ni Data.
“Pagtungtong nya ng labing-lima. Ipasok mo sya doon. Pag-aralin mo sya doon at mahahasa pa ang naitatago nyang magos. Magiging ligtas sya doon at sinisigurado kong makakasama sya sa mga matagumpay na digmaan.”
Wala namang naisagot si Data.
“Malakas ang loob mo Data. Sa tingin ko yan ang iyong itinatagong lakas. Haharap ka sa madaming pagsubok pero lahat iyon ay malalagpasan mo.” sabi ni Ether at nagpunta a sa pintuan. “Hanggang sa muli nating pagkikita.” sabi ni Ether.
Tinawag na ni Ether si Hue at pumunta naman si Leonis kay Data.
“Magkita na lang tayong muli sa loob ng tatlong taon.” sabi ni Ether kay Leonis.
Naglakad na sila Ether palayo kina Data nung nagtanong si Hue.
“Bakit ka nakangiti? May maganda bang nangyari?” tanong ni Hue.
“Hm? Wala naman.” sabi ni Ether.
“Kung ganon, bakit ka nga nakangiti?” tanong ni Hue.
“Kung papayagan lang akong pumili ng mamumuno sa mga imigrante, gugustuhin kong si Data ang mamuno sa kanila.” sabi ni Ether at nauna na sya kay Hue.
Naiwan namang nakatigil si Hue sa kanyang kinatatayuan.