Six

610 21 0
                                    

“Totoo lang? Simple lang ang lahat dati.” sabi ni Data.

Tumayo sya at lumapit pa sa bintana. Ngayon, nasa likuran nya si Kill.

“Si Queen Quaine at Titania ay nagtulong para mas mapalakas ang depensa ng buong Fairy Land.”

“Queen Quaine?” tanong ni Kill at lumapit na ang iba sa kanila at nakinig.

“Hindi ko naman alam ang mga first name nila. Halata naman na nakuha ni Pipe ang lahi nila. Si Queen Quaine ang pumili ng panlabas na posisyon habang ni Titania naman ang pumili ng posisyon base sa lakas ng magos na meron sila. Royal Family. Fairy Warrior. Martial. Fairy Ring. Royal Palace Maid. Peasant at ang posisyon ko. Imigrante. Lahat ng yan ay nakabase sa kung ano ang dapat mauna base sa nakikita nya.”

“Pero ano naman ang kay Titania.”

“Ang nanguna sa listahan nya ay si Ethereal o mas kilala bilang Ether. Isa syang Fairy Warrior. Sumunod naman si Caper na isang Fairy Ring. Si Queen Quaine naman ang sumunod. Si Art, ang matalik kong kaibigan ay isang martial na sumunod sa bilang. Si Ally naman ay isang Maid. Mahinhin pero inaasahan ng lahat ng kanyang successor. Si Eave, ang babaeng kahit na peasant ay mas matapang pa sa liyon kung makipaglaban. At…”

Tumalikod si Data mula sa bintana. Nandyan na pala ang lahat maliban kay Airy na sinabi ni Fade na pinagpahinga nya muna.

“…at ako. Kami ang napili nilang dalawa para mamuno sa mga sarili naming successor. Pero bukod doon ay may isa pang lalaki na mamumuno sa aming lahat. Sya ay si Hue.”

“Hue? Ngayon ko lang narinig yan ah. Natatandaan mo pa ba ang mga itsura nila?” tanong ni Kill.

“Masyado nang malabo ang alaala ko patungkol sa kasaysayan ng apat na siglong nakaraan.” sabi ni Data at napahawak naman sya sa ulo nya.

“Tama na yan. Matulog na tayo.” sabi naman at nagsialis na ang lahat.

Nakita naman ni Fade ang nangyari kay Data matapos ang kwento nya. Bigla na lamang umusok ang ulo nito sa sobrang pag-iisip. Lumapit si Fade kay Data at kinamusta ito.

“Okay ka lang?” tanong ni Fade habang nilagyan nya ng maliit na basang twalya ang ulo ni Data.

Tumingin naman si Data kay Fade sabay hawak sa twalya sa ulo nya. May ibang parte sa katawan ni Data ay nananatiling bakal—sa makatuwid, isa syang cyborg—kabilang ang kalahati ng kanyang utak.

“Ayos lang ako.” sabi naman Data.

“Mukhang nasobrahan ka na naman sa pag-iisip ah.” sabi ni Fade at umupo sya sa tabi ni Data.

“Fade. Salamat. Lagi kang nandyan para tulungan ako. Hindi mo ako iniwan.”

“Ipinangako ko sa iyo na hindi kita iiwan di ba? Kung mangyari man ang nangyari dati, hahanapin kita.” sabi ni Fade habang nakangiti.

“Fade. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Kahit pa nabuhay na ako ng mas matagal sa iyo.” diretsong sinabi ni Data sabay hawak sa kamay ni Fade.

Nagulat naman si Fade sa sinabi ni Data. Bigla syang namula at tumalikod.

“Fade. Anong nangyari? Ayaw mo ba sa 'kin?” tanong ni Data. Nag-aalala dahil bigla syang tinalikuran ni Fade.

Humarap naman si Fade kay Data. “Hindi mahalaga sa akin kung mas matanda ka ng apat na siglo sa akin. Ibig sabihin lang non ay nakatadhana na tayo ang magkita.” sabi ni Fade habang umiiyak.

“Teka. Bakit ka umiiyak?” tanong ni Data.

“Maraming salamat. Kasi kung hindi mo kami niligtas ni Drown noon. Wala sana ako ngayon dito na nagmamahal sa 'yo.”

Hindi naman nakapagsalita agad si Data at niyakap na lang si Fade.

“Ipinapangako ko. Hindi na mauulit ang nangyari dati. Poprotektahan kita hangga't humihinga ako.” sabi ni Data at hinigpitan nya pa ng konti ang pagkayakap nya kay Fade.

“Gagawin ko din yon.” sabi naman ni Fade.

* * *

♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪

Nagmulat ang mga mata ni Airy ng marinig nya ang isang tugtog na galing sa isang plauta. Bumangon sya at nakita si Season sa tabi nya na nakatulog. Sinubukan ng kamay nya na abutin ang balikat ni Season at gisingin ito pero pinigilan nya ito at pumikit na lang.

Hindi sya makapagpokus sa paghahanap nung tugtog na narinig nya dahil alam nyang may katabi sya. Ginising nya si Season at nung nagising si Season ay nagkatitigan sila.

Isang pamilyar na mata ang nakita ni Airy sa mga mata ni Season. Agad syang kumalas sa tingin ni Season at umupo ng maayos. Lalo naman syang nag-isip.

“Nag-aalala sila sa 'yo.” sabi ni Season.

“Ha?”

“Limang araw ka nang natutulog. Ipinaliwanag ko sa kanila na sobra mong ginamit ang magos mo.” sabi pa nya.

“Ganito din ba ang nangyari kay Kill?” tanong ni Airy.

Tumango naman si Season. “Pero tatlong araw lang sya.”

♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪

Nagulat si Airy nung marinig nyang muli ang tugtog ng plauta.

“Narinig mo yun?”

“Ang alin?” tanong ni Season.

“Yung tunog ng plauta. Hindi ko matukoy kung malayo ba ito o hindi.” sabi ni Airy at sinubukan nyang pakinggan muli ang tugtog.

♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪

Tok! Tok! Tok!

“Season. Okay na ba si Airy?” tanong ng tao sa labas. Si Drown.

Umiling naman si Airy dahil sinusubukan nya pang magpokus sa hinahanap nya.

“Pasensya na Drown. Hindi pa sya okay. Pero sa tingin ko magigising na rin sya maya-maya.”

“Ganon ba? Kung gusto mong kumain, lumabas ka lang dito.”

“Salamat.” sabi ni Season.

Sinubukan nilang dalawa na pakinggan ang tunog nung plauta. Lalo na si Season na halos makalimutan na nya ang tunog nung plauta. Tumingin si Airy kay Season. Nakapikit naman si Season nung magtanong si Airy.

“Season. Bakit parang nararamdaman ko na parang mawawala ka?” tanong ni Airy.

Minulat ni Season ang mga mata nya. “Airy. Hindi ko alam ang tinutukoy mo pero hindi ako mawawala. Hanggang dulo, nandito lang ako sa tabi mo. Pangako.”

“Talaga?”

“Teka. Ano 'to? May gusto ka sa akin?” pagbibiro ni Season.

“Huh? Hindi sa ganoong pakiramdam yon.” mahinang sigaw ni Airy. “Tsaka. Nababaliw ka na ba? Hmp. Si Hue lang ang mahal ko noh. At hahanapin ko sya.”

“Heh. Paano si Drown? Nilinaw mo na ba sa kanya ang nararamdaman mo? O kaya kay Pipe?” sabi ni Season.

Hindi naman kaagad nakasagot si Airy at pinag-isipan and sasabihin nya.

“Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon.”

“Ganon ba? Haha. Ang swerte naman ni Hue.” pabulong na sinabi ni Season. Sa kabilang banda, nag-isip ng malalim si Season.

♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪

Tumugtog na naman ang plauta pero sa pagkakataong ito. Lahat sila ay narinig iyon. Nagpokus si Airy at hinanap ang tugtog na iyon. Isang mensahe naman ang nakalakip sa tugtog na iyon. Habang papalapit si Airy sa kung saan nya naririnig ang tugtog ay palakas ito ng palakas. Tipong mabibingi na sya sa sobrang lakas ng tugtog.

“Nabalitaan ko ang ginawa nyong pagpaslang sa magkapatid na Fisc pero h'wag nyo akong itulad sa kanila. Alam nyo na siguro kung nasaan ako. Nakahanda na ako sa inyong pagdating. Hinihintayin ko kayo.” sabi nung tugtog kay Airy.

Minulat ni Airy ang mga mata nya.

“Si Minorum. Hinihintay nya tayo sa *Singan City.” sabi ni Airy.

*Singan(pronounce as sin-gan)

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon