Nagising na si Helium at napatingin sya sa tabi nya at nakita nya si Fade sa tabi nya. Hinawakan nya ang buhok ni Fade na may kasamang pag-aalaga. Maya-maya pa ay bumukas ang mga mata ni Fade.
"Sino ka?" tanong ni Fade.
"Eheh. Alam nya pa din ang kilos ko pero hindi nya ako matandaan. Dahil ba sa buhok ko? Sa mata ko? Siguro." sabi ni Helium sa isip nya.
"Tinatanong kita kung sino ka?" pag-ulit ni Fade.
Humarap naman si Helium kay Fade at imbis na naiinis na Fade ang makita nya ay nakita nya ang nag-aalalang Fade. Agad na umupo si Helium at sinubukan nyang hawakan ang mukha ni Fade pero di nya kaya kaya naman sa braso nya na lang ito hinawakan.
"Fade. Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ni Helium.
"H-h" banggit ni Fade na ikina-excite ni Helium. "H-hindi. Itatanong ko ba kung alam ko?" tanong ni Fade at hinawi nya yung nakapatong na kamay ni Helium sa balikat nya.
"Fade. Ako 'to. Si Helium. Hindi mo ba natatandaan?" tanong ni Helium.
"Helium? Ang kilala kong Helium ay may malaberdeng buhok hindi dilaw."
"Ahaha. Tungkol dyan, mahabang kwento." sabi ni Helium.
Maya-maya pa ay tumahimik ang buong kwarto. Nakikiramdam si Fade kung nagsasabi ba ng totoo si Helium o hindi.
"Fade. Patawad kung wala ako sa tabi mo lagi kahit na sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan kita magmula nung nakilala kita." sabi ni Helium habang nakarating ang noo nya sa lalad nya.
Naramdaman ni Fade na si Helium nga ang kaharap nya. Hindi nya lang alam kung paanong nangyari yon. Tinanggal ni Fade ang kamay ni Helium sa noo nya. Napatingala naman si Helium at nagulat nung niyakap sya ni Fade.
"Natutuwa akong buhay ka Helium." sabi ni Fade habang umiiyak.
"Ahaha. Kabilaktaran ito ng gustong iparating sa akin ni Data." sabi ni Helium.
Binanggit nya si Data kahit na alam nyang sa sarili nyang ayaw nya iyon. Pero mas ayaw nyang umiiyak sa kalungkutan si Fade.
"Si Data? Ka-kailan kayo nag-usap?" tanong ni Fade at humarap sya kay Helium.
Itinaas ni Helium ang kamay nya na may liwanag na sobrang hina. (Kaya ito mahina dahil magkalapit lang ang dalawang nakatali.) Tinignan nya naman si Fade sa mata.
"Binigay nya sa akin 'to para hanapin ka. Sabi nya kailangan mo daw ako at yun daw ay kung gusto mo daw akong makita. Sinabi nya pang alagaan kita at protektahan." sabi ni Helium at inalis nya ang mga mata nya sa pagkakatitig kay Fade. "Sinabi nya pa sa akin na... mahal na mahal ka nya habang umiiyak." sabi ni Helium.
Lalo namang umiyak si Fade at niyakap si Helium.
"Fa-Fade. H'wag kang umiyak ng malakas. Baka akalain nilang pinaiyak ki-" sabi ni Helium habang hinahaplos ang ulo ni Fade.
"FADE!" sigaw ng lahat pagkatapos nilang sirain ang pintuan(literally) ng kwarto na tinutulugan ni Helium.
"Ah! Anong ginawa mo sa kambal ko?" tanong ni Drown at hinatak nya si Fade na ayaw tumigil sa kaiiyak.
Tinutukan naman sya ng lahat ng mga armas nila.
"Teka. Mali kayo ng iniisip. Sandali lang." sabi ni Helium.
"Data! Uwaa! Sa lahat ng tao bakit ito pa ang ipinadala mo." pag ngawa ni Fade.
"Eh?! Fade teka. Aalis na lang ako kung ayaw mo sa akin." sabi ni Helium at tumayo na sya sa higaan nya.
Bigla na lang syang gumewang-gewang pero nakahawak sya sa katabi nyang lamesa.
"Ahaha. Dito muna ako hanggang sa gumaling na ako. Pagkatapos non ay aalis na ako." sabi ni Helium at umupo syang muli sa higaan nya.
"Oy. Oy. Sinong nagsabi sa iyo na pwede kang umalis? Pagkatapos mong gawin yung bagay na yon kay Fade." galit na sinabi naman ni Airy.
Lumingon naman si Helium kay Fade na parang ngayon nya lang naalala ang nangyari ay humawak sya sa labi nya. Namula naman si Helium at naramdaman ang kahihiyan sa buong katawan.
"Fade. Pasensya ka na talaga. Puro gulo na lang ang naidulot ko sa iyo." sabi ni Helium at wala na syang lakas para tumayo pa.
"Pagbayaran mo ang ginawa mo kay Fade. Protektahan mo sya." sabi naman ni Drown.
"Eh?" tanong nya at tumingin sya sa direksyon ni Drown at nakitang nakangiti ito.
"Helium. Dati kang kalaban pero welcome ka sa grupo namin." sabi ni Airy.
Opisyal na ngang kasama si Helium sa paglalakbay.
HELIUM AGWI
- 21 years old
- The Healer
- Bare hands/Hammer
- Immigrant"Paano nyo nalaman ang pangalan ko?"
"Nakasalubong namin si Isko. Sinundan ka nya hanggang dito. Haha. Mukhang nag-aalala sa iyo." sabi ni Pipe.
"Huh? Nag-aalala? Baka naman kasi gusto nya pa din akong ibenta." sabi ni Helium sa isip nya habang tumatawa.
"Magpahinga ka na muna. Dito muna tayo mananatili sa mga susunod na araw." sabi naman ni Bloom.
"Helium. May tanong ako." sabi ni Risk.
"Hm?"
"Paano ka nagkaroon ng dalawang magos? Isang nagbibigay ng impormasyon at ang isa naman ay ang panggagamot."
"Ah. Ang magos ko talaga ngayon ay panggagamot. Kaya ko lang kayang makilala ang mga nakakasalubong ko ay dahil noong martial pa ako ay pinakabisado sa akin ni Arg ang lahat ng pangalan, edad, uri ng pamumuhay, mga nakakasalamuha nila sa buhay, estado nila, posisyon nila sa buong lupain at ang klase ng magos nila. Ahaha." tawa ni Helium.
Tumahimik bigla ang lahat. Tumayo namang muli si Helium at humawak sa pader para sa alalay. Pumunta sya sa harap ni Fade.
"Teka. Anong ginagawa mo?" tanong ni Drown habang nakaharang sa harap ni Fade.
Inalok naman ni Helium ang kamay nya kay Fade at hindi nya pinansin si Drown.
"Fade. Kung naaalala ko, pinagaling ko ang mga sugat mo." sabi ni Helium.
"O-oo. Bago mahimatay non." sabi ni Fade at gumilid na si Drown.
"Hindi lang kita pinagaling." sabi ni Helium at bumulong sya sandali kay Fade at humawak si Fade sa mga sugat ni Drown.
Nagulat ang lahat nung makita nilang mawala ang sugat ni Drown.
"Ang mga magos nyo ay nag-iiba din ng anyo. Maaari itong maipasa sa ibang may magos din."
"Paano mo naman yon nalaman?" tanong ni Airy na nagpahawak naman kay Drown. Wala naman epekto iyon.
"Sabihin na nating ipinasa ni Data ang natitira nyang kapangyarihan kay Kill." sabi ni Helium.
"Oy oy. Paano mo nalaman na may ibinigay sa akin? Natatakot na ako sa iyo ah." tanong ni Kill habang naka-de-quatro na upo.
"Ramdam ko lang ang malakas na magos ni Data sa iyo. At hindi porket panggagaya ang magos mo ay nakopya mo ang magos ni Data. Sadyang ibinigay nya ito sa iyo dahil sa pag-aakalang walang nakakatulong sa inyo."
"Teka. Kung pwedeng ipasa ang magos ng iba sa isa't isa... bakit hindi ako gumaling nung nagpahawak ako kay Drown?" tanong ni Airy.
"Yun ay dahil sinabi ko lang kay Fade na pagalingin si Drown at mukhang tanging ang may-ari lang ng magos ang pwedeng magpasa nito sa iba. Isa pa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ng magos na ipapasa sa iba." sabi ni Helium sabay upo sa kama.
"Meron na tayong isa pang panlaban sa mga Fairy Rings." sabi ni Pipe.