Thirty-Six

327 8 0
                                    

“Aha!” sigaw ni Ether nung makita nya si Hue na nagtatago sa likod ng isang prairie wagon. “Labing-limang panalo sa akin at labing-apat na panalo naman sa iyo.” sabi nya pa.

Walong taon na ang nakalilipas noong una silang nagkakilala. Ngayon, magkasama silang nagsasanay. Gusto na din kasi malaman ni Ether kung ano ang magos nya.

“Paano mo nalalaman kung nasaan ako?” tanong ni Hue at nagsimula na silang maglakad pabalik ng palasyo.

“Hindi ko ba nasabi sa iyo?” sabi naman ni Ether habang naglalakad sa bakod ng isang bahay.

“Hm? Ang alin?”

“Nakuha ko na ang magos ko at yon ay ang 'Locator'.” sabi nya at bumaba na sya sa bakod.

Napatigil naman si Hue. “ 'Locator' ?” tanong ni Hue.

“Oo. Kaya lang may isang problema.”

“Problema?” tanong ni Hue at naglakad na silang muli.

“Haha. Bakit parang inuulit mo ang mga sinasabi ko?”

“Ah. Hindi naman. Nababahala lang ako sa iyong sinasabi.”

“Haha. Ang problema ko sa aking magos ay may isa itong maliit na kahinaan. Hindi ako maaaring makahanap ng tao gamit ang magos ko.”

“Pero paano naman iyon naging kahinaan ng magos mo?” tanong pa ni Hue.

“Dahil sa sandaling subukan kong humanap ng tao ay mawawala ang aking paningin. Una kong beses na ginamit ito ay noong sinubukan kitang hanapin.”

“Kung ganon, bakit hindi pa nawawala ang iyong paningin ngayon?”

“Dahil pinigilan ko. Naramdaman ko kasing para bang tinutusok ang aking mga mata. Kaya ang aking ginawa ay hanapin ang bagay na meron ka sa iyo at ayun, agad kitang nahanap.” paliwanag ni Ether.

Muling tumigil si Hue at napansin ito ni Ether kaya agad din syang tumigil.

“Hm? Hue, bakit ka tumigil?” tanong ni Ether.

“Ether, h'wag na h'wag mo akong hahanapin. Ayokong mawala ang paningin mo. Ayokong malagay ka sa panganib ng dahil sa akin. Ayokong mapahamak ka.” sabi ni Hue.

Agad namula si Ether kaya naman tumakbo sya ng mabilis at agad lumayo kay Hue para hindi nya mapansin ang pagkapula ng mga pisngi ni Ether.

“Baliw ka! Bakit naman kita hahanapin kung lagi tayong magkasama!” sigaw ni Ether sabay talikod.

Nagulat naman si Hue at namula din sa sinabi ni Ether. Masaya naman nyang sinundan si Ether.

* * *

Sa kabilang dako…

Naglalakad non si Season sa palengke nung makita nya ang isang babaeng kaedad nya nagnakaw ng tinapay at umupo sa isang sanga ng puno para kumain.

“Ito po ang bayad ko para sa tinapay na iyon.” sabi ni Season at naglakad sya papunta doon sa babaeng nakita nya. Nagtaka naman ang matandang nagbebenta ng tinapay.

Nahagip naman nung babae ang tingin nya kaya agad itong umalis. Mabilis ang takbo nung babae na halos hindi na makita ni Season. Pumasok ang babae sa gubat na sinundan naman ni Season. Magkaparehas sila, ang iniisip ni Season. Hinanap ni Season yung babae sa gubat. Malalakas na hangin ang sumasalubong kay Season. Nagpapaikot-ikot ang hangin na para bang nasa loob sya ng isang malaking buhawi. Maya-maya pa, mula sa kanyang likod ay may palaso na dumaplis sa kanyang pisngi. Humarap sya sa direksyon na iyon at hinintay kung may lalabas doon.

“Sino ka?” tanong ng isang babae sa kanyang likod na may nakatutok na palaso sa kanyang likuran.

Hindi naman ito napansin ni Season.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon