“Heh. Matagal nyo akong pinaghintay.” sabi ng isang pamilyar na babae.
“Sand.” sabi ng lahat.
“Oooh. Ikinagagalak ko kayong makita lahat pero mukhang nawala na si Data ah. At may bago kayong kasama. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Helium di ba?” sabi ni Sand sabay lapit kay Helium. “Ang tapat kong tagapaglingkod.” sabi pa ni Sand sabay hawak sa baba ni Helium.
Nanginginig naman sa takot si Helium dahil hindi nya maipaliwanag ang magos na taglay ni Sand.
“H'wag mong gagalawin si Helium.” sabi ni Fade at humarang sya sa harap ni Helium.
“Hindi ko alam na nilabas mo ang tunay mong anyo.” sabi ni Sand at dumistansya kay Fade.
“Airy. Ayos ka lang ba?” tanong ni Drown habang hawak nya ang magkabilang balikat ni Airy.
“Haha. Nandito na pala ang lahat. Maligayang pagbabalik, Book. May hinala na ako pero hindi ko inaakalang totoo nga ang mga ito.” sabi ni Sand at lumayo pa ng konti kina Airy.
“Anong sinasabi mo? Si Drown ay si Drown.” sabi ni Airy na pilit tumatayo sa sarili nyang mga paa.
Nagulat naman si Fade sa sinabi ni Airy at nagsimula na sya sa pag-iyak.
“Eh? Ibig mong bang sabihin. Si Airy ay si Airy? Si Sand ay si Sand? Ikaw ay ikaw at ako ay ako? Hmm? Mukhang mali ang pananaw mo.” sabi pa ni Sand.
* crack *
Maya-maya pa ay bigla na lang nahulog ang sanga kung saan nakatayo ang lahat.
“Haha. Oras na para magpasikat ako.” sabi ni Sand at inilabas nya ang hourglass nya at naglabas ito ng napakaraming bestia. Bumaba din sya mula sa pagkakalutang sa ere.
“Sige Sand. Ulitin natin ang nakaraan.” matapang na sinabi ni Airy habang nakatitig sa itim na mata ni Sand.
Agad namang itinigil ni Sand ang pag-atake at gumawa sya ng isang malaking alon ng buhangin. Agad din namang naghawak kamay ang lahat at nanatiling matatag mula sa nanlalamon na buhangin.
“Tama ako hindi ba?” tanong ni Airy habang nakatingin pa din sa mata ni Sand. “Itinigil mo ang atakeng yon dahil ayaw mong maulit ang nakaraan. Ayaw mong maulit ang pagkatalo mo.”
“Manahimik ka!!” sigaw ni Sand mula sa matinding pagkagalit.
Pinatamaan ni Sand si Airy ng mas malakas na alon ng buhangin at nabitawan sya ni Season at Drown. Tumilapon si Airy papunta sa mga puno. Bumagsak sya pero agad din syang tumayo
“Mas malakas ako sa iyo Airy.” mayabang na sinabi ni Sand pero unti-unti na syang nilalamon ng takot nya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Sand. Sabihin mo nga ulit yon. Kung sinong mas malakas sa ating dalawa?” tanong naman ni Airy habang umiiyak.
Tama. Umiiyak si Airy habang nanlilisik ang mga mata nya sa galit. Hindi nya maintindihan ang dapat nyang maramdaman pero isa lang ang gusto nyang gawin. Ang matapos ang misyon na ito at mamuhay ng payapang muli.
“A-Airy. Anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Drown.
Luminga-linga si Sand at naghanap ng maaaring ipanlaban kay Airy. Nakita nya na lahat sila ay nakatuon ang atensyon kay Airy. Naglabas sya ng isang mahabang latigong buhangin at kukunin na dapat nya si Drown nung tamaan ng palaso ni Airy ang latigo nya at naputol ito.
“Sand. Hindi ba ako ang kalaban mo? Hindi ba ako ang gusto mong gantihan? Nee, Sand. Sabihin mo nga sa akin. Anong ginagawa mo sa loob ko?” sabi ni Airy at tumabi ang lahat sa dinadaanan ni Airy.
“Airy. A-anong nagyayari sa iyo?” tanong ni Risk kay Airy habang naglalakad papunta kay Sand.
* * *
“Oy Airy.” tawag ni Kill Airy habang buhay nya sa balikat si Fade.
Ito ay matapos nilang kalabanin si Quari at makikipagkita na sila sa iba pa.
“Hm? May problema ba, Kill?”
“Airy. Nagmamakaawa ako. H'wag mo nang pahirapan si Risk.” sabi ni Kill habang nakayuko.
“Anong ibig mong sabihin Kill?”
“Hindi nya nakikita ang hinaharap at nahihirapan sya dahil natatakot sya na kung ano man ang nakita nya noon ay mangyari na naman ngayon.” sabi pa nya.
“Ang nangyari noon ay hindi na mangyayari ngayon. Kill, hindi mo na kailangan pang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para hindi na kayo mag-alala pa. Kung kinakailangan, gagawin ko ang lahat para lang matakot si Sand at mawala sa tamang postura sa paglaban.” nakangiting sinabi ni Airy.
Itinaas naman ni Kill ang ulo nya at muntikan pang umiyak dahil alam nya sa sarili nya na iniasa nya ang lahat kay Airy.
* * *
“Risk. H'wag kang mag-alala. Ginagawa ni Airy ito para sa hinaharap ng lahat.” sabi ni Kill habang nanginginig sa takot.
“Nee. Sand. Sabihin mo sa akin.” sabi ni Airy habang lumalakad papunta kay Sand at umaatras naman si Sand.
“A-anong klaseng magos ito?” tanong ni Sand habang patuloy sa pag-atras.
“Sinabi ni Caper na pagkatapos ng isang taon ng pagsasanay, haharapin namin kayo at ganon din kayo sa amin. Sinabi nya na magsasanay din kayo. Pero parang lalo kang humina? Natatakot ka ba? Hehe. Lumapit ka dito sa akin.” sabi ni Airy at tuluyan nang natakot si Sand sa kanya.
Bigla na lang may naalala si Sand sa imaheng nakikita nya sa harap nya. Napaupo sya sa lapag ng maalala nya ang panahong iyon.
“Hindi maaari. Bakit ngayon ko lang napansin ito? Hindi maaaring ikaw ang halimaw na iyon.” sabi ni Sand habang tinatago nya ang mukha nya mula sa mga titig ni Airy.
“H-halimaw?” tanong ni Season.
“Ang halimaw na walang ibang iniisip kundi ang pumatay lang. Ang halimaw na kinatatakutan ng lahat. Imposibleng ikaw yon.” sabi ni Sand.
“Eh?? Sand. May alam ka ba na hindi mo sinasabi sa akin?” tanong ni Airy at sa wakas ay hinawakan nya ng mahigpit ang buhok ni Sand.
“Airy. Tama na yan.” sabi ni Pipe pero hindi nya magawang umalis sa pwesto nya dahil sa takot na mawala sa katinuan si Airy at pati sila madamay.
“Sand. Sabihin mo sa akin lahat. Sabihin mo sa akin kung bakit ba ako nakikipaglaban. Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari. Kailangan kong malaman lahat.” sabi ni Airy.
Maya-maya pa ay may mga luha na tumulo sa pisngi ni Sand at nakita nyang umiiyak si Airy.
“Hinding-hindi ko sasabihin sa iyo ang mga nalalaman ko.” sabi ni Sand habang nagmamatigas pero sa loob nya ay nanginginig na sya sa takot.
“Sige, pero kapalit non ay ang buhay mo. Kailangan kitang tapusin.” sabi ni Airy.
Agad-agad pumasok sa isip ni Sand ang mga sinabi ni Airy at naisip kaagad nya ang halimaw sa nakaraan. Lumingon sya kay Airy at pinagmasdan ito ng mabuti.
“Airy…” ang huling sinabi ni Sand.
Nagulat ang lahat ng bigla na lang may tumamang palaso sa dibdib ni Sand. Hinanap nila kung saan nanggaling ang palasong iyon. Nagulat sila nung nakita nilang kay Season ito nanggaling.
“Season, bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Drown at kinuwelyuhan nya si Season.
Binitawan naman ni Season ang hawak nyang pamana at unti-unti nang bumabalik si Sand sa pagiging weapon.
“Airy. Ikaw si Ether.” sabi nung nasa harapan ng lahat.