Forty-Six

361 4 0
                                    

“SEASOOOOOOON!!!” malakas na sigaw ni Airy habang umiiyak.

Hinanap nya si Season pero hindi nya ito makita.

“Airy!” tawag sa kanya ng mga kaibigan nya. Natauhan naman sya nung napagtanto nyang nasa kasalukuyan na sya ulit.

Hinanap nya si Drown agad at nakita nyang nakahiga sya sa mga binti ni Fade. Agad syang tumakbo dahil sa pangambang baka may masamang nangyari sa kanya.

“Hue.” tawag ni Airy.

“Haha. Ako pa din ito Airy, si Drown. Ito na ang bagong tayo. Si Ether at si Hue ay ang nakaraan na natin.” sabi ni Drown at tumayo.

Nanghihina na sya. Nararamdaman nya ang magos nya na napakalakas na bumabalik sa kanyang muli.

“Drown. Ano bang nangyayari sa iyo?” tanong ni Fade.

“Ayos lang ako. Mukhang nanunumbalik na ang lakas ko.” sabi ni Drown.

“Huh? Anong nangyayari?” tanong naman ni Pipe.

Napansin naman sya nila Airy at agad silang pinuntahan.

“Anong nangyayari Pipe?” tanong ni Fade.

“Di ko din alam pero pagkatapos tayong isama ni Wood sa pagdiskobre sa tunay na pagkatao nila Drown at Airy ay bigla na lang nawala ang mga magos ko.” paliwanag ni Pipe.

“Huh? Pa-pati ang akin.” sabi ni Helium.

At lahat na sila ay napagtantong para maibalik kina Drown ang dati nilang magos ay kailangan nila ng mga magos ng mga taong nakapaligid sa kanila.

“Nasaan si Season?” tanong naman ni Airy nung mapansin nyang muli na wala si Season.

“Bago pa matapos ang lahat ng nakita natin ay bigla na lang naglaho si Season pero nararamdaman kong nandito lang sya sa paligid.” sabi ni Risk.

“Wala na tayong magagawa. Kailangan ko nang gawin ito.” sabi ni Airy.

“May iba pa tayong maiisip na paraan.” sabi ni Drown.

“Hindi ko na kayang maghintay pa ng mahabang panahon para matapos ito. Tatapusin ko na sya ngayon.” sabi ni Airy.

Naglabas naman sya ng manipis na tela na kagaya ng kanyang nilalabas dati at itinakip sa mga kaibigan nya. Dumikit naman ang telang iyon sa mga balat nila at nawala bigla.

“Poprotektahan kayo nyan sa mga magos na gustong manakit sa inyo.” sabi ni Airy.

Lumapit naman sya kay Drown. Tinitigan nya si Drown.

“Drown, ipangako mo sa aking hindi ka makikipaglaban kay Season at poprotektahan mo silang lahat. Kaya mo ba yon?” tanong ni Airy.

“Kaya kong gawin yon pero hindi naman ako papayag na mapahamak ka.” sabi ni Drown sabay hawak sa pisngi ni Airy.

“Ehem. Nandito pa kami? Baka gusto nyong gawin yan kapag dalawa na lang kayo?” sabi ni Bloom.

Tumingin naman sila kay Bloom at napagtanto nila ang ginawa nilang nakakahiya.

“Oo nga pala. Hindi ba nagkaroon kayo ng anak?” sabi naman ni Helium.

Binatukan naman sya ni Fade. “Sira ka talaga. Namatay ang anak nilang dalawa di ba?” sabi naman ni Fade.

“Eh? Nagsinungaling kasi si Airy at hindi nya sinabi kay Drown.” sabi naman ni Kill.

“Kasi ayaw nyang masaktan si Drown.” sabay naman ni Risk.

“At nagkaroon pa si Airy ng asawa't anak diba?” sabi ni Pipe.

“Pero hindi ba iniwan sya nung asawa't anak nya kasi nakatutok sya sa pagkukumpleto sa iniwang libro ni Drown?” sagot naman ni Bloom.

“Ang tanong ngayon, ang nararamdaman ba nilang dalawa ay katulad ng mga nararamdaman nila sa nakaraan?” tanong ni Helium at ang lahat ay nakatitig kina Airy at Drown.

Namumula naman ang dalawa at hindi makasagot. Ang lahat ay halos sabay-sabay na ngumiti nung napagtanto nilang katulad na katulad ng nakaraan ang nararamdaman nila ngayon.

“Maglakbay na tayo at hanapin si Season.” nakangiting sinabi ni Bloom at naglakad na sila at iniwan sa likod sila Airy.

“Gagawin mo ba talaga yan Airy?” tanong ni Drown.

“Gagawin ko 'to dahil gusto kong talunin si Season.”

“Sasamahan kita.”

“H'wag. Ang gusto ko ay ang maging ligtas ka. Ayokong makita kang mamatay ulit sa harap ko. Hindi ko tatanggapin yon.”

“Haha. Kung yan ang gusto mo pero kailangan mo din mag-ingat dahil ayokong ding mawala ka.” sabi ni Drown.

Tumigil sila Pipe sa paglalakad nung nakita nila sila Airy na nakapikit at inaalalayan ni Drown.

“Gagawin nya ba talaga yan?” tanong ni Fade dahil kinakabahan sya.

“Yan lang ang tanging paraan.” sabi ni Pipe.

“Kung may magagawa lang tayo para sa kanila.” sabi ni Risk.

“Wala na tayong magagawa kundi ang manood lang.” sabi ni Helium.

Napatungo lang naman ang lahat sa sinabi ni Helium. Tama sya, wala na silang magagawa kundi ang manood lang. Panoorin kung paano gawin ni Airy ang huling pagkakataon nila.

Pumikit si Airy at inalala ang lahat ng pagsasanay nila ni Season. Lahat ng pagkakataon na magkasama silang lumaban at ang pagtataksil nya sa kanila. Naalala din ni Airy kung paano nya natalo si Season. Hanggang sa nakita nya si Season na tahimik na nakaupo sa isang mataas na puno. Tila ba hinihintay syang dumating.

Minulat ni Airy ang mga mata nya at unti-unting nilamon ang kanyang paningin sa kaliwang mata. Nilabas nya si Feather at binigyan ni Airy ang mga kasama nya ng mga pakpak.

“Pupuntahan natin si Season ngayon din.” sabi ni Airy at lumipad na.

* * *

“Season!!!” sigaw ni Airy nung makita nya si Season.

Lumingon naman sa kanya si Season. “Dumating ka din, Airy.” sabi ni Season at bumaba sya ng puno.

“Tatapusin ko ang dapat ko ng tinapos noon.” sabi ni Airy at inilabas na nya ang dalawa nyang espada.

“Hindi mo ako tinapos dahil hindi mo kaya di ba?” sabi ni Season.

“Oo. Pero ngayon, wala nang mahalaga sa akin kundi ang kaligtasan nilang lahat.” sabi ni Airy.

Lumingon naman si Season kina Drown. Itinaas nya ang kanang kamay nya at itinutok kina Drown. Nagpakawala sya ng maliit na espada at pinatama ito sa kanang braso ni Risk. Napaatras naman si Risk pero hindi naman sya nasaktan. Bumanda lang naman kasi ang espadang iyon at bumaon sa puno.

“Ah. Handa ka na pala sa laban na ito. Nilagyan mo na pala sila ng tela na ginamit mo din noon.” sabi ni Season at nag-iba ang kulay ng mata nya. Mula sa matingkad na kulay ng kahel ay naging maitim na pula ito.

Hindi na nagsalita pa si Airy at sinugod na nya si Season. Pinanood lang naman sya ni Season habang unti-unting ibinabaon ni Airy ang espada nya sa braso ni Season. Agad lumayo si Airy at tumapak sa puno sabay sipa patalikod at pinuntirya nya ang mga alakalakan ni Season. Agad naman tumalon si Season at sinalag ang espada ni Airy.

“Akala mo ba, hahayaan kong manalo ka  kaagad dito sa laban natin?” nakangiti nyang tanong. “Hinintay ko ito ng apat na siglo.” sabi ni Season habang sinasalag ang mga tira ni Airy.

“Ikaw. Ikaw ang mismong nagsabi sa akin na dapat mawala ang lahat ng Fairy Rings. Nakinig ako sa iyo. Hindi ko naisarang mabuti ang librong iyon kaya niloko mo ako. Dahil sa simula pa lamang ay alam mo na ang buong katotohanan sa librong iyon.” sabi ni Airy.

Nagsimula nang umatake si Season. Nailagan naman ni Airy ang unang atake ni Season. Agad nyang sinipa pataas si Season sa tyan at agad din syang lumipad. Sinundan nya ng atake sa likod si Season pero hindi nya ito nagawa dahil sinipa sya sa mukha ni Season. Tumalsik si Airy at tumagos sa halos sampung puno.

“AIRY!!”

A/N :

Next chapter is the last one. Who will win the battle of the centuries?

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon