Thirty-Seven

305 8 0
                                    

“Aalis na ako Hue.” paalam ni Season kina Hue, Ether at Wood.

“Kailan ka babalik?” tanong ni Ether habang pinili naman ni Wood na tumahimik na lang.

Tumingin naman si Season kay Wood habang sinasagot ang tanong ni Ether. “Hindi ko alam kung kailan ako babalik pero sinisigurado kong malakas na ako pag balik ko.” sabi ni Season.

“Mag-ingat ka.” paalala ni Ether.

“Wood, wala ka bang sasabihin kay Season?” tanong naman ni Hue.

“W-wala akong sasabihin.” sabi ni Wood at napalingon sya sa nakangiting si Season.

“Kung ganon, magpapaalam na ako kay Queen Quaine at aalis na.” sabi ni Season at tumalikod na.

“Hanggang sa muling pagkikita natin, Season.” sabi ni Hue.

“Hanggang sa muling pagkikita.”

Apat na taon ang lumipas bago ang pagpapaalam ni Season ngayon. Silang apat ay labing-syam na taong gulang na. Nag-aaral si Ether, Hue, at Wood sa Fairy Academy. Pinili naman ni Season na maglakbay at magpalakas dahil nararamdaman nyang nasa huli na sya ng lahat.

“Hindi ka na ba mapipigilan?” tanong ni Queen Quaine sa kanya.

“Haha. Pasensya na po Mahal na Reyna. Kailangan ko pong magpalakas pa.”

“Kailangan ka din ng kaharian.”

“Paumanhin po.”

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.

“Naintindihan ko. Nawa maging ligtas ang iyong panglalakbay.”

“Maraming salamat, Mahal na Reyna.”

Lumabas si Season sa palasyo at nakita nya si Wood na hinihintay sya sa gate ng palasyo.

“Season.” tawag ni Wood nang makalapit si Season sa kanya.

“Hindi ka pwedeng sumama sa akin, may misyon ka dito.”

“Pero gusto kitang samahan.”

“Mas kailangan ka ni Ether.” sabi ni Season.

“Kailangan din kita.” sabi ni Wood pero bigla syang napaatras at namula.

“Haha. Wood, gusto mo ba ako?” tanong ni Season.

“Huh? Bakit mo tinatanong iyan sa akin? Syempre oo.” agad na sinabi ni Wood.

Lumapit si Season kay Wood at hinawakan ang kamay nya. “Panghahawakan ko yan sa aking paglalakbay. Babalik ako ulit, Wood. Babalikan kita. Sa ngayon, kailangan mo ding magsanay at mag-aaral kung paano mo makokontrol ang magos mo.”

“Ipangako mo sa akin.”

“Pangako.” sabi ni Season at hinalikan nya sa noo si Wood at umalis na.

* * *

Naglalakad non si Ether pauwi sa kanyang bahay nung may nakita syang nagliwanag sa loob ng gubat na hindi pwedeng pasukan. Agad syang nagmadali. Unti-unti ng nawawala ang liwanag at lalo nya pang bilisan. Nang makaabot sya sa lugar na iyon ay may nakita syang kambal na nakaupo at napalilibutan ng Fairy Ring. Ang kalahati ng Fairy Ring ay buhay pa na nasa gilid nung lalaki at ang kalahati naman ay patay na na nasa gilid nung babae.

“Sino kayo?” agad at sabay na tanong nung kambal. Sila ay parang nasa edad na labing-apat.

“Ako si Ether.” sabi ni Ether.

Malalim ang iniisip ni Ether. Ipinagbabawal kasi ang kambal sa Fairy Land at ang isa sa kambal ay papatayin. Inisip ni Ether na kailangan nyang itago ang dalawang iyon kaya naman ay kinuha nya ang kambal at itinago ito sa bahay nya.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon