Eighteen.Five

427 9 0
                                    

Arg's Side story

Si Argon Lanter o mas kilala bilang Arg ay naninirahan sa isang city malapit sa pinaka kaharian ng Fairy Land.

Dalawangpung taong gulang lang si Arg at nalagay sa panandaliang kapayapaan ang Fairy Land. Isa sya sa mga martial na personal na ineensayo ng mga mas nakatatanda sa kanila. Pagkatapos kasi nila mag-ensayo ay titignan ng head martial kung sino ang magiging tagabantay ng mga maharlika.

Naglalakad non si Arg pauwi ng bahay nila nung may isang babae ang biglang nadapa sa gitna ng kalsada. Sakto namang nakita ito ni Arg at nakita nya din na matatamaan sya ng kalesa kung hindi sya aalis sa daan. Napatayo ang babar pero hindi sya makaalis sa pwesto nya dahil naipit ang kanyang damit sa isang punongkahoy. Agad syang tumakbo papunta sa babaeng iyon para tulungan ito.

"Kyaa!" sigaw nung babae habang pinoprotektahan naman ni Arg ang ulo nya.

"Binibini. Ayos ka lang ba?" tanong ni Arg.

"A-ayos lang ako. Pasensya na pagiging sagabal sa ginagawa mo." sabi nung babae.

"Ayos lang." sabi ni Arg at nakita nyang puro galos ang katawan ng dalaga. "Ayos ka lang ba talaga? Bakit ang dami mong sugat sa katawan?"

"Ah. Eto ba? Nagsasanay kasi akong mabuti sa pagrestore ng mga bagay na nasira ko."

"Sa loob ng gubat?"

"PRINCESS!!" sigaw ng isang lalaki mula sa malayong distansya.

"Princess?" tanong ni Arg sa sarili nya at tumayo na silang dalawa mula sa pagkakaupo.

Bigla na lang hinablot nung lalaki ang kwelyo ni Arg. Nakahanda naman si Arg na lumaban kung sakaling mauunang maghanap ng laban yung lalaki.

"Ang lakas ng loob mong saktan ang prinsesa ng Fairy Land."

"Cycle. Hindi sya ang gumawa nito. Isa pa, umalis ako sa palasyo dahil gusto kong walang sumunod sa akin." sabi nung babae.

"Pero..."

"Ahaha. Naiisip mo na naman na ikaw ang may kasalanan nito? Haha. Para sa isang imigranteng katulad mo dapat hindi ka masyadong nag-aalala sa akin." sabi nung babae.

Tinanggal ni Cycle ang kamay nya kay Arg.

"Ah. Maaari ko bang malaman kung sino ang binibining kaharap ko ngayon?" tanong ni Arg habang inaayos nya ang damit nya.

"Ah. Paumanhin. Sya si Prinsesa Fright Quiane, ang pangalawang prinsesa ng Hilaga. Ako naman si Cycle Agwi. Isang immigrant. Tagapagsilbi ako ng prinsesa."

"Ikinagagalak kong makilala kayo. Ako si Argon Lanter. Isang martial. Dalawangpung taong gulang. Naparito ako para alagaan ang prinsesang pipili sa akin."

"Ahaha. Mas matanda pala ako sa iyo ng dakawang taon pero pwede na." sabi ni Fright.

Bigla namang namula si Arg.

"Ikinagagalak ka naming makilala. Prinsesa Fright. Kailangan na nating umalis." sabi ni Cycle.

Yumuko si Fright sa harap ni Arg bilang paggalang sa kanilang pag-alis. Ganon din naman si Cycle.

Yumuko din si Arg kahit na hindi na nakatingin sa kanya si Fright.

* * *

Tok! Tok! Tok!

Agad binuksan ni Arg ang pinto. Bumungad sa kanya si Geo at nakangiti.

"Yo." bati ni Geo sabay pasok ng kwarto ni Arg.

"Bakit ka naparito? May nangyari ba sa Silangan?"

"Ah. Yun ba? Wala naman. Pinapunta kaming lahat dito para masaksihan ang kaarawan ng mahal na prinsesa. At isa pa, ngayon hihirangin ang bagong mga makakasama ng prinsesa."

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon