Sinubukan ni Drown na itayo ang mga kasama nila pero hindi nya ito magawa nang katulad kay Airy.
“Anong nangyayari dito?” tanong ni Scale pero hindi nawawala ang kanyang konsentrasyon.
“Huh? Bakit tayo lang?” tanong ni Drown.
“*cough* *cough* Drown. Hindi ito ang oras para mag-isip. Isa lang ang paraan para makawala sila. Yun ay ang talunin si Scale.” sabi ni Airy sabay punas sa bibig nyang may dugo. “Ayoko nang may mga buhay pang masakripisyo dahil sa misyong ito.”
“Drown. Tama si Airy. Magpokus ka sa kalaban. H'wag mo kaming alalahanin. Ang importante ay matalo si Scale.” sabi naman ni Geo.
“Tch. Sa tingin nyo, ganon lang ako kadali matalo? Minamaliit nyo ata ako.” sabi ni Scale at galit na galit na nagtapon ng mga bagay-bagay gamit ang gravitation nya.
Hinampas ni Scale sila Airy at Drown sa magkabilang dingding. Nasira naman ang dingding nung pinagbagsakan nila Airy at Drown. Bumagsak naman si Airy dahil doon.
“*cough* cough*” ubo ni Airy habang nakabaluktot dahil sa sakit ng tyan nya.
“Airy. Tumayo ka ngayon din.” utos ni Pen sa kanya. “Hindi ka nagsanay para matalo lang.” pahabol nya pa.
Unti-unti namang bumangon si Airy habang si Drown ay umaatake kay Scale.
“Alam ko.” sabi nya at tuluyan na syang nakatayo.
“Airy.” tawag sa kanya ni Drown at sumenyas sya na pumunta si Airy sa likod ni Scale.
Tumango naman si Airy at tumakbo papunta sa likod ni Scale. Pumikit sya at nakita nya ang bahagi kung saan dapat nya patatamaan si Scale. Pero hindi madali iyon. Hinawi sya ni Scale at tumama na naman syang muli sa pader. Paulit-ulit nyang ginagawa iyon hanggang sa pabagal na ng pabagal ang pagpunta nya kay Scale.
“Hahaha. Isa kang mahina, Airy. Hindi mo na kayang lumaban pa.”
“Airy. Kaya mo 'to. Kailangan mong tapusin ito.” sabi ni Drown habang nakikipag-espada kay Scale.
Muling pumikit si Airy para harapin ang armas ni Scale at nagulat sya nang makita nya ito sa loob ni Drown. Naisip nya na ito ang dahilan kung bakit hindi sya tinatablan ng mga atake ni Scale.
“Drown. Bakit nasa iyo yan?” tanong ni Airy.
Nakita ni Airy ang saber sa loob ni Drown.
“Wala nang oras. Gawin mo na Airy.” sabi ni Drown at hinawakan nya ng mahigpit si Scale.
“Ilabas mo yan. Hindi kita hahayaang mamatay.”
“Airy. Magiging maayos ang lahat.”
“Teka. Anong nangyayari?” tanong ni Fade habang nakasalampak pa din sa sahig.
“Gawin mo na Airy. May tiwala akong matatapos natin itong misyon. Gusto mo pang makita si Hue di ba?” sabi pa ni Drown.
Gusto nang umiyak ni Airy pero hindi nya magawa dahil kailangan nyang maging matapang at harapin ang parusa sa gagawin nya.
“Airy. H'wag mo akong alalahanin. Nandito lang ako para sa iyo. Pinapangako ko din na hindi ako mamamatay.” sabi ni Drown habang pumipiglas si Scale.
“Pangako yan ah.” sabi ni Airy pero alam nyang hindi matutupad iyon.
Inilabas na ni Airy ang weapon nya. Ginawa nya itong espada. Niyakap naman ni Drown si Scale nang mahigpit.
“Drown. Anong ginagawa mo?” tanong ni Fade.
Humihina na ang gravitation ni Scale sa kanila. Sobrang higpit naman ng yakap ni Drown kay Scale. Umiiyak naman na si Airy.
“Airy. H'wag kang umiyak—” sabi ni Drown at ibinaon na ni Airy ang espada nya kay Scale.
“Hindi. Ano ito? Bakit hindi ako makawala sa inyo? Parang nakakulong ako.” sabi ni Scale.
Lalong ibinaon ni Airy ang espada nya at tumagos na ito papunta kay Drown.
“Airy! Tumigil ka! Mamamatay si Drown.” sigaw ni Fade habang nakatayo sya sa pwesto nya habang inaalalayan ni Helium.
“Airy. Anak. Kailangan mo syang tapusin para maligtas kayong lahat.” sabi ni Geo sa kanya.
“Pa.”
“Itaas mo ang mukha mo at harapin mo ito.” sabi naman ni Pen sa kanya.
“Ma.” sabi nya sabay tango.
Unti-unti namang naglaho si Scale sa harapan ni Airy at Drown. Matapos non ay napaluhod si Drown habang hawak ang espada ni Airy. Tumakbo naman si Airy papunta sa kanya.
“Drown.” tawag nya.
Hindi naman nagsalita si Drown at hinawakan nya si Airy sa mukha. Tumakbo naman sila Fade papunta kay Airy. Unti-unti namang tinatangay ng hangin si Drown.
Umiiyak na si Airy nung naglaho si Drown. Pinulot naman nya agad ang Fairy Ring na si Scale.
“Drown. Bakit? Bakit hindi mo ko hinayaang sabihin sa 'yo ang mga bagay na gusto kong sabihin sa 'yo?” umiiyak nyang sinabi.
“Anong gusto mong sabihin?”
“Gusto kong sabihin sa 'yo na ako dapat ang mag-aalaga sa iyo. Nangako ako kay Fade na aalagaan kita. Pero ako ang dahilan kung bakit ka namatay.”
“Airy.” malungkot na tinawag sya ni Fade.
“Airy. H'wag ka nang umiyak.” sabi nya kay Airy sabay yakap sa kanya.
“Pero… kailangan kong sabihin sa kanya na h'wag na syang magselos kay Hue.”
“Huh? Ba-bakit naman?”
“Kasi… kasi… sa kanya lang naman ako nakatingin.” sabi ni Airy at mahigpit na niyakap ang nasa harap nya.
“Ah… Airy. Nakalimutan ko atang sabihin sa iyo na illusion lang yon.” sabi nung nasa harap nya.
Nagulat naman si Airy at tumigil na syang umiyak.
“Eh?” sabi ni Airy at agad syang umalis sa pagkakayakap sa taong nasa harap nya. “D-Drown?” tanong nya.
“Totoo ba yung sinabi mo? Ako lang ang tinitignan mo?” namumulang tinanong ni Drown.
“Bakit hindi nyo sinabi sa akin na illusion lang yon. Pa. Ma. Alam nyo ba ito?” tanong ni Airy.
“Well, damang-dama mo ang pag-iyak mo kaya hindi namin masabi sa iyo.”
“Airy. Maraming salamat kasi tinutupad mo ang pangako mo sa akin na alagaan si Drown.” sabi naman ni Fade.
“Hindi naman na kailangan yon.” sabi ni Drown at iniiwasan nya ang tingin ng lahat.
“Teka. Kailan mo naman ginawa na illusion lang yon?” tanong ni Airy kay Drown.
“Huh? Simula nung itinayo kita. Gusto kong tumulong pero wala akong maisip. Nakita ko ang saber ni Scale na nakatago sa void. Kinuha ko yon pero hindi sya pwedeng hawakan ng tao. May mga nakapalibot sa kanya na gravity. Naisip kong baka gumana yon kapag illusion ang ginamit ko. Ang ipinagtataka ko nga lang eh, bakit ikaw lang ang naitayo at hindi ko sila kayang itayo?”
“Hindi ba dahil illusion lang ang ginamit mo?” tanong ni Pipe.
“Imposible yon.” singit ni Helium. “Kung dahil yon sa illusion lang, dapat nakuha ni Airy ang magos ni Drown na illusionist. Pero imbis ay nakuha nya ang antigravity.”
“Kung ganon. Ano ito? Bakit kami lang ang nakagamit?” tanong ni Drown.
“Dahil kayo lang ang pwedeng gumamit non.” sabi ni Season na lumabas kung saan.
“Season.” tawag ni Pen.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong naman ni Geo.
“Si Airy at Drown ay hindi katulad nyo. May natatago silang lakas na lagpas pa sa inaakala natin. Sila ay kagaya ko.”