Sixteen

411 9 0
                                    

“I-isa ka bang mage*?” tanong sa kanya ng maliit na tao.

Huminto sa Helium sa paglalakad at hinarap ang taong yon. Ang taong kaharap ni Helium ay kalahati lang ng kabuuan nya.

“Zou. Sixteen years old nakatira sa Gnome city. Classified as the oldest guard of the palace garden. Garden gnomes.” napabulalas ni Helium.

“Tulungan mo kami.” sabi ni Zou.

Si Zou ay kalahati lang ng katawan ni Helium. May malalaki syang tenga at mata, malalaking braso binti at malaki din ang kanyang ilong. Punit-punit din ang kanyang damit.

“Huh? Anong klaseng tulong ang gusto mo? Tutulong ako sa kahit anong paraang alam ko.” sabi ni Helium.

“Nandito si Caper.” pabulong na sinabi ni Zou.

Nagulat naman si Helium kaya agad nyang itinago ang magos nya. Nakikinig syang mabuti sa bawat salitang babanggitin ni Zou.

“Sinakop nya ang buong bayan namin. Isang magandang tanghalan daw ito para sa laban nila ni Airy.” sabi ni Zou.

“Hindi naman ito ang bayan nyo hindi ba?” tanong ni Helium.

Tumango lang naman si Zou at pinipigilan nyang h'wag umiyak sa harap ni Helium.

“Kung ganon. Bakit ka nandito?”

“Sa dulo nitong lagusan ay makikita mo ang lugar kung saan namin dinadala ang mga gnomes na kritikal ang lagay dahil sa paglaban kay Caper.” paliwanag nya pa habang nakaturo sa maliit na butas na tanging gnomes lang ang makakapasok.

“Paglaban kay Caper? Pero bakit?”

Hindi agad nakapagsalita si Zou at nagpunas ng kumawalang luha sa mga mata nya habang nakayuko.

“Gusto nyang mag-ensayo gamit kami. Gusto nyang lumakas pa para makalaban sila Airy. Hindi na kami dumadami. Nauubos na kami. Inuubos nya kami.” sabi ni Zou at hinahawakan nya ng mahigpit ang punit-punit nyang damit at kinagat nya ang labi nya.

Sinarado naman ni Helium ang palad nya ng mahigpit na para bang ang kahit ano man ang hawakan nya ay mapipisa.

“Dalhin mo ko sa mga gnomes. Gagawin ko ang dapat na gagawin ko.” sabi ni Helium.

Inangat naman ni Zou ang ulo nya, nagpunas ng luha at tumango.

Naglalakad sila sa subterranean. Ito ay may kapangyarihan din. Nakabase ang butas na iyon sa laki ng taong naglalakad. Kaya naman nakakapaglakad ng maayos si Helium imbis na gumagapang lang sa sobrang liit ng butas.

“Ligtas ang lugar na ito para sa may mga magos na katulad mo. Matapos ang pananakop ni Sand—na syang dahilan kung bakit wala sa sarili si Queen Fright—ay nanatili lang ito na may magos din. Alam din namin na magiging ligtas kami dito sa mga ganitong oras.” sabi ni Zou at sa haba ng paglalakad nila ay nakarating sila sa puso ng subterranean.

Malaki ang kweba na iyon. Lahat magulo at hindi magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa mga malalang sugatan. May ilang gnomes ang napatingin sa kanila pero agad din silang nagpatuloy sa kanilang ginagawa.

“Dito ang mga sobrang lala ng natamo kay Caper.” sabay turo sa ibabang bahagi ng kweba.

Hindi naman alam ni Helium ang dapat nyang ilabas na emosyon kaya nanatili lang syang natural.

“At doon naman ang mga sugatan.” sabi ni Zou at tinuro ang itaas na bahagi ng kweba.

“Polio! Kumapit ka lang! H'wag kang bibitaw!” sigaw ng isang gnome sa likuran nila.

Malapit nang bawian ng buhay si Polio. Lumingon naman agad si Helium habang tumatakbo papunta roon si Zou.

“…Ikaw lang ang tanging mahihingan ko ng tulong. Ikaw ang tagapagmana ko. Ikaw din ang lakas ko.” naalala nyang sinabi sa kanya ni Data.

Agad syang tumakbo papunta doon at hinawi si Zou pati ang kasama nya. Nagdasal sya sandali para siguardong lalabas ang magos nyang heal. Itinapat nya ang dalawang kamay nya sa puso ni Polio. Maya-maya pa ay may lumabas na asul na ilaw sa dalawang kamay ni Helium. Inilapat nya ito sa dibdib ni Polio. Tinagalan nya ito para siguradong tatalab ang ginagawa nya. Unti-unting naghihilom ang sugat ni Polio.

“Lahat kayo gagamutin ko. H'wag kayong mag-uunahan. Alam kong gusto nyong gumaling agad pero kailangan nyo pang magtiis ng konti pa.” sabi ni Helium.

Naiyak naman si Zou sa nakita nya. Tunay ngang may tinatawag na himala. Kundi nya nakutuban na isang mage si Helium ay baka patay na si Polio.

“Salamat.” sabi ni Zou habang umiiyak.

“H'wag ka munang magpasalamat. Marami pa sa kasama mo ang nasa bayan nyo pa. Lumalaban kay Caper. Tawagin mo si Pipe. Humingi ka ng tulong.”

“Pa-paano ko gagawin yon? Wala akong magos para tumawag.”

“Maririnig ka nya kahit anong mangyari.” sabi ni Helium at natapos na nya ang panggagamot nya. “Hayaan nyo muna syang matulog. Pagod sya.” sabi ni Helium. “Kailangan kong magtiwala na maririnig ka nila. Kailangan ko ang tulong nila.” sabi nya pa sa isip nya.

Agad syang nanghina pero hindi nya ipinakita iyon sa iba. Kailangan nya nang lakas para gamutin lahat ng gnomes.

“Gawin mo na.” sabi ni Helium kay Zou at pumunta sya sa isa pang gnomes.

* * *

“O-oy. Airy. Anong nangyayari sa 'yo?” sabi ni Drown habang hawak ang mga braso ni Airy.

Napalingon ang lahat sa direksyon nila Airy. Tumakbo naman sila Bloom.

“AIRY!” sigaw nila.

Agad tumayo si Airy.

“Ahaha. Natakot ko ba kayo? Sorry sorry.” sabi ni Airt

“Baliw ka talaga. Ano bang nangyari?” tanong ni Risk.

*Krrrrrr*

“Ah he he. Nagugutom lang siguro ako. Wala ba kayong pagkain dyan?

Maya-maya pa ay nagsitawanan silang lahat.

“Tara na. May alam akong inn sa dadaanan natin.” sabi ni Kill at hawak nya ang kamay ni Risk.

Binuhat naman ni Drown si Airy sa likod nya. Nakahawak naman si Bloom sa braso ni Fade. Tumabi naman si Pipe kay Bloom.

“Bloom. Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa katawan mo?” tanong ni Pipe habang gamit ang telepathy. Nakatingin naman sya sa malayo.

Nagulat naman ng konti si Bloom pero sumagot sya.

“Konti pero ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala.” sabi ni Bloom.

Lumingon si Pipe kay Bloom na sakto din pa lang nakatingin sa kanya. Namula sya kaagad pero agad nyang nginitian si Bloom.

“Airy. Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ni Drown.

Ngumiti naman si Airy. Masarap kasi sa pakiramdam kapag alam mong may mga taong nag-aalala para sa 'yo.

“Hmm. Ayos lang talaga ako. Maraming salamat.” sabi ni Airy at hinalikan ang likurang ulo ni Drown.

Patuloy lang nalalakad si Drown at hindi nya mapigilan na mamula sa sobrang tuwa.

“Prince Pipe.” tawag sa kanya ng isang boses

Napatigil naman si Pipe sa paglalakad at napatigil na din yung iba.

“Prince Pipe. Tulungan mo kami.”

* * *

*mage - taong gumagamit ng magic

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon