Eleven

440 8 0
                                    

Nagpapahinga sila Fade sa isang inn sa gitna ng kagubatan. Naglalakbay pa rin sila papunta sa mga manggagamot. Ilang araw na din ang nakalilipas mula nung laban nila sa magkasunod na Fairy Ring na sina Minorum at Cancri. Wala pa ring malay si Airy at binabantayan sya nila Pipe.

Lumabas si Fade ng kwarto nila ni Bloom at Risk. Nasa loob kasi si Kill at sinusubukan pakalmahin at patulugin si Risk. Si Bloom naman ay lumabas din. Naabutan nyang nakatayo sa harapan ng kwarto si Drown. Nagulat naman si Fade don.

"Drown? Paano mo nalaman na lalabas ako ng kwarto?" tanong ni Fade at lumapit sa kanya si Drown.

"Para saan pa at naging magkapatid tayo? Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Drown.

"Ah. Sige." sagot ni Fade at lumabas sila ng inn.

Naglalakad-lakad sila sa may hardin ng inn. Unang nagsalita si Drown.

"Fade. Hindi mo kasalanan yon. Wala kang kasalanan." sabi ni Drown.

"Heh. Dapat ko din atang sabihin sa iyo yan." sabi ni Fade habang nakangisi.

"Ahaha. Mukhang ngayon na lang tayo nag-usap ng ganito." sabi ni Drown at umupo sya sa may gutter.

"Hm." sabi ni Fade at nanatili lang syang nakatayo.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Dapat kong sisihin ang sarili ko." pagbasag ni Fade sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

"Bakit mo naman yan nasabi?" tanong ni Drown habang nakatingala kay Fade.

"Dahil lahat ng galit na nakatago sa ilalim ng puso ko ay hindi ko napigilan at ibinaling ko lahat ng yon kay Airy. Parte ng sarili ko na kailangan kong pagbayaran ang ginawa ko sa kanya."

Humawak naman si Drown sa ulo nya at pinipilit na h'wag isipin ang mga nangyari. Nakita naman ito ni Fade.

"Drown. Ayos ka lang?" tanong ni Fade at umupo sya sa tabi ng kapatid.

"Ang kagustuhan kong patayin si Kill. Hindi lubos na matanggap na ginawa ko yon sa kanya." sabi ni Drown at tumulo na ang luha nya sa sobrang pag-iisip. "Lubos ko syang nirerespeto. Ayoko syang patayin."

Niyakap ni Fade si Drown.

"Tahan na Drown. Hindi na natin mababago ang nangyari na. Mas magandang itama na lang natin ito sa pagbawi sa nagawa natin. Hmm?" sabi ni Fade habang nakangiti at pinupunasan nya ang luha ni Drown.

* * *

Tok. Tok. Tok.

Binuksan ni Pipe ang pintuan ng kwarto nila ni Drown at Kill.

"Bloom." tawag nya sa pangalan ni Bloom.

"Pwede ba kitang kausapin?" tanong ni Bloom.

"Ah. Uhm. Pwede bang sa may balkonahe na lang tayo mag-usap? Nakakailang kasi kung sa loob tayo mag-uusap." sabi ni Pipe habang nagsusuot ng damit panlabas. Tumango lang naman si Bloom at sinundan si Pipe sa balkonahe.

Umupo si Bloom sa upuan na nasa balkonahe. Nakatayo at nakaharap si Pipe kay Bloom habang nakasandal sa pader.

"Pipe. Sorry." agad na sinabi ni Bloom.

"Bloom. Bakit ka nagsosorry sa akin?" tanong ni Pipe.

"Kasi gusto kong saktan si Airy sa mababaw na dahilan."

Lumapit si Pipe kay Bloom at lumuhod sa harap nya.

"Bloom. Bakit ka nga nagsosorry sa akin?" pag-ulit ni Pipe sa tanong nya.

"Eh? Ah. Kasi hindi pa gising si Airy at alam kong mahalaga sya sa iyo." paliwanag ni Bloom at napatingin sya sa mga mata ni Pipe.

Nagtataka naman si Pipe sa sinabi ni Bloom.

"Bloom. Hindi ako si Airy. Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang manghingi ng pasensya sa iyo. Ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Ako ang dahilan kung bakit gusto mong saktan si Airy. Bloom. Gusto kong malaman kung may nararamdaman ka pa ba sa akin." sabi ni Pipe kay Bloom.

Nagulat naman si Bloom. Naguluhan sya sa sinabi ni Pipe.

"A-anong ibig mong sabihin don?" tanong nya.

"Ah. Eh. Ano kasi. Uhm. Paano ba ito?" natatarantang tanong ni Pipe habang palinga-linga.

"Uhm. Pipe. Papasok na ako sa loob. Malamig na kasi dito sa labas." sabi ni Bloom at tumalikod na sya kay Pipe.

"Ah. Oo nga." sabi ni Pipe habang hinahaplos ang batok nya. "Ah. Bloom." tawag nya ulit kay Bloom.

Lumingon naman si Bloom. "Hm?" tanong nya.

"Sa totoo lang, nag-alala talaga ako sa 'yo nung nawala ka. Naalala ko kasi kung paano kita iniwan non para hanapin si Airy. At pupuntahan dapat kita sa kaharian nyo kaso pinigilan ako ni Master Pen. Nanghingi ako ng tulong kay Drown na h'wag kang iiwan. Pasensya na kung wala ako sa tabi mo. Yung tanong ko kanina... hindi mo kailangang sagutin yon. Hihingin ko na lang sa 'yo na maging tapat ka sa nararamdaman mo. Ayos lang sa akin kung wala na ako dyan sa puso mo. Uhm... good night." sabi ni Pipe at lumakad sya ng mabilis at naiwang nakatayo si Bloom sa may balkonahe.

* * *

Lumabas na si Kill sa kwarto nila Risk. Nagbuntong-hininga sya dahil sa wakas ay huminahon si Risk at nakatulog na din sya. Pabalik na sana sya sa kwarto ni Airy para magbantay sa may pinto nung nakita nya si Season sa labas at nakaupo sa may puno habang nakatayong ang ulo nya sa dalawang kamay nya at nakatingala sa langit.

Lumabas sya ng inn at pinuntahan si Season.

"Hindi ba dapat binabantayan mo si Airy?" tanong nya pagkarating nya doon.

Tinignan sya ni Season sandali at sumandal naman si Kill sa puno at humarap sa direksyon na salungat kay Season.

"Kill." tawag sa kanya ni Season. "Anong kailangan mo?" tanong nya agad.

"Hm? Ah. Yun ba? Nababahala lang ako." sabi ni Kill.

"Saan?"

"Tungkol sa nga Fairy Rings."

Napaupo ng maayos si Season at nagtanong. "Kagaya ng ano?"

"Natatandaan mo ba nung sinabi ni Data na mismong si Queen Quaine at Titania ang nagtalaga sa posisyon ng bawat angkan dito sa Fairy Land. Sinabi nya din na hinawakan ni Book ang mga Fairy Rings at kasama ka. Nababahala ako sa bagay na nawawala sa gitna ng dalawang kwentong iyon." sabi ni Kill.

*Tug*

Nagulat si Kill sa narinig nya. Tumingala sya sa puno at wala na doon si Season. Lumingon sya sa lupa at nakita nya doon si Season habang naka-crouch at pinipiga nya ang ulo nya.

"Season! Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni Kill at tumakbo sya sa tabi ni Season.

"Hi-hindi ko alam. Wala akong maalala. Tulungan mo ako. Tulungan mo kami ni Airy." paghingi nya ng tulong habang umiiyak at patuloy ang pagpiga nya sa ulo nya.

Sa di kalayuan, pabalik na sila Drown at Fade sa loob ng inn nung makita nila si Kill at Season. Agad silang tumakbo papunta rito. Sa may balkonahe naman ay nakita ni Bloom ito. Agad nyang sinabihan si Pipe na ihanda ang kwarto ni Airy at agad syang bumaba sa lugar kung nasaan sila Season.

"Kill! Anong nangyayari?" tanong ni Bloom.

"Kill. Nagmamakaawa ako." pagpupumilit ni Season hanggang sa tuluyan na syang nawalan ng malay.

"Season."

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon