“Airy. Ikaw si Ether.”
“Wood!” sigaw ng lahat habang nakatutulala lang si Airy.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Airy.
“Sinabi mo sa akin na ang takdang panahon para sabihin sa iyo ang lahat ay kapag natalo na ang lahat ng Fairy Rings at ako na lang ang natira.”
Nagkaroon ng katahimikan sa paligid pero muling nagsalita si Wood.
“Airy. Ikaw ay si Ether. Si Drown ay Book o mas kilala ng lahat sa tawag na—” hindi na naituloy ni Wood ang sasabihin nya dahil nakita muli si Season.
“Season. Naaalala mo pa ba ako?” tanong ni Wood sa kanya.
“Ikaw si Wood. Isa sa Fairy Rings.” sabi naman ni Season.
Lalapit na sana si Wood kay Season nung maalala nyang wala na palang alaala si Season.
“Tama. Kasabay nila ay ang pagkawala din ng alaala mo.”
“Tumahimik ka!” sigaw ni Airy at tinutukan nya si Wood ng palaso. “Parehas ka lang nila, mga sinungaling.”
“Pwes. Tatanggapin mo ba lahat ng sasabihin ko sa iyo kung mananalo ako?” tanong ni Wood at inilabas na din nya ang bow-and-arrow nya.
“Airy. Hindi rin ako naniniwala pero kailangan natin syang pakinggan.” sabi naman ni Drown.
“Si Fade. Alam nya ang tungkol dito. Alam nya ang tungkol kay Book at kay Drown pero mas pinili nyang manahimik at hintayin ang tamang panahon.” sabi pa ni Wood.
“Sige. Pumapayag na akong makinig sa iyo kapag natalo mo ako. Pero hindi ko hahayaang linlangin mo kami.” sabi ni Airy at una syang tumira.
Nakailag naman si Wood at inilabas nya ang pakpak nya at lumipad. Ganon din naman ang ginawa ni Airy.
“*Tch. Kailangan ko bang gawin talaga ito?*” tanong ni Wood sa sarili nya. “*Alam kong sinabi mo sa akin na kalabanin ka kahit anong mangyari pero tama ba ang ginagawa ko? Tama bang kalabanin ko ang Master ko?*”
“*May tiwala ako sa iyo, Wood.*” naalala nyang sinabi ni Ether yon sa kanya ng isang beses.
* fwok *
Nadaplisan si Wood sa pisngi ng palaso ni Airy.
“Hindi tamang ma-distract ka sa laban natin.” sabi ni Airy habang hinahabol si Wood.
“*Kailangan kong ulitin ang pagsasanay namin ni Ether. Ang una kong panalo sa kanya. Kailangan kong umisip ng paraan.*” sabi ni Wood sa isip nya at pumunta sila sa kalaliman ng gubat.
“Wood!! Bakit ka tumatakbo? Hindi ba gusto mong manalo para makinig ako sa 'yo?” sigaw ni Airy.
Nagtago naman si Wood sa taas ng puno at nakikita nya sa baba si Airy.
“*Kailangan kitang asintahin sa pakpak.*” sabi ni Wood sa isip nya pero bago pa man sya magpakawala ay nasa harapan na nya si Airy.
“Nakita din kita.” sabi ni Airy habang nakangiti.
“*Hindi ko alam na ang nakakatakot ang nga ngiting ito.*” sabi ni Wood at agad syang lumipad.
“Heh? Tatakbo ka pa din ba Wood?” tanong ni Airy.
“Konti pa. Konti pang panahon at matatalo din kita.” sabi ni Wood at bigla na lang nyang naalala ang scenariong nakita ni Ether dati. “*Ayokong gawin ito pero ito lang ang paraan.*” sabi ni Wood.
Bumalik sya sa lugar kung nasaan ang lahat. Umikot sya para nakaharap sya kay Airy paglumabas sya sa gubat.
“Wood. Anong ginagawa mo?” tanong ni Airy nung makita nyang may nakatutok na palaso sa kanya.
“Airy. Talo ka na. Kahit saan ka man pumunta, ang palasong ito ay susunod sa kanya para patayin ka.”
“Wood. Akala ko ba kukumbinsihin mo ako? Bakit parang gusto mo akong mamatay?” tanong ni Airy.
“Eh? Wala naman akong sinabing laban natin ah. Ang sinabi ko, kapag nanalo ako makikinig ka sa akin.” sabi ni Wood.
Sa totoo lang ay nanginginig sya sa takot na baka mabitawan nya iyon at aksidenteng tamaan si Airy sa puso. Lumingon sya sa baba at lahat sa kanila ay nakatingala.
“Anong ginagawa nila sa taas?” tanong ni Drown.
“Sinusubukan ni Wood na kumbinsihin si Airy sa paraang hindi sya makakahindi.” sabi ni Pipe.
“Drown. Sorry. Hindi ko kaagad sinabi sa iyo ang totoo.” sabi ni Fade.
“Fade, sorry din kung kinailangan mong itago iyan sa akin.” sabi naman ni Drown.
Nagulat si Fade at napaluhod sa sobrang pag-aalala na baka hindi na sya kausapin pa ni Drown.
“Nakilala mo si Airy kaya ko nakilala si Book. Ang taong may-ari ng buo mong pagkatao.” umiiyak na sinabi ni Fade.
“Unti-unti ko nang naaalala lahat. Naaalala ko ang una nating pagkikita.” sabi naman ni Drown at nipalitan nya si Fade
“Ka-kailan mo naalala?” tanong ni Fade.
“Nung una akala ko panaginip lang pero nung nakita kong muli ang kulay ng buhok mo ay napagtanto kong hindi pala panaginip yon kundi isang pangyayari na nabaon sa matagal na panahon.” sabi ni Drown.
“Pasensya ka na. Drown, pasensya ka na kasi hindi kita naprotektahan ng maayos. Hindi ko sinunod ang sinabi mo sa akin.” umiiyak nyang sinabi.
“Alam kong mangyayari ito. Ito ang kasaysayang mauulit lang muli. Ang kasaysayan kung saan una akong namatay at si Ether ay nakipaglaban ng mag-isa.” sabi ni Drown na para bang naaalala nya na ang lahat.
“Anong ibig mong sabihin?”
Bago pa man makapagsalita si Drown muli ay biglang bumagsak si Wood sa harapan nila pero agad syang nakatayo at muling lumipad. Espada na ang hawak ni Wood at Airy habang naglalaban sa ere. Sinaksak nila ang isa't isa sa parehas kaliwang braso. Sinipa naman ni Wood ang sarili nya paatras para makawala sa espada ni Airy. Kinuha nya ang espada nya sa balikat ni Airy at tumalon ng nakabaliktad papunta sa likod ni Airy. Inilipat nya ang espada nya sa kabilang kamay nya at isinaksak ito sa kanang balikat ni Airy. Agad nyang hinatak ang espada nya at sinugatan ni Wood ang mga binti ni Airy at pinutol nya na din ang pakpak ni Airy para wala na syang dahilan para lumipad ulit.
Nakaluhod si Airy sa harapan ni Wood. Hawak ang kumikirot na mga balikat nya.
“Hindi ka ba makikinig sa akin?” tanong ni Wood habang may nakatutok na
Agad lumapit si Season at Drown kay Airy.
“Tapos na ba ang pananakit mo kay Airy?” galit na tinanong ni Season.
Nagulat naman si Wood at ibinaba na nya ang espada nya.
“Ether. Pasensya na. Hindi ko sinasadya na maging ganyan ang kalagayan mo. Gusto lang talaga kitang kumbinsihin.” sabi ni Wood habang nakayuko.
“Wood. Lumapit ka dito.” sabi ni Airy.
Sumunod naman si Wood at hinawakan ni Airy ang kamay ni Wood.
“Makikinig na ako.”
Itinaas ni Wood ang dalawang kamay nya. Nakatapat ito sa ulo ni Airy. Pumikit sya sandali at nagsalita.
“Sa ngalan ng pangalan ko. Iaalay ko ang buhay ko para sa aking nag-iisang tagapagmay-ari at kaibigan. Lahat ng iyong makikita ay ang katotohanan. Ako Wood, ang ika-siyam sa mga Fairy Rings.” sabi ni Wood at unti-unti na syang nawawala at napapalitan ng mga alitaptap.
“Wood.” tawag ni Airy sa kanya sa huling pagkakataon.
“Pinili kong samahan ka hanggang dulo kaya ibibigay ko sa 'yo ang kwento kung saan nagsimula ang lahat.”