“Sino ka at anong kailangan mo sa palasyo ko?” tanong ng isang dalagang babae na nasa edad labing-walo kay Hue.
Sya ay may kulay kayumangging buhok na umaabot sa kanyang tyan. May damit syang sobrang gara na para lamang talaga sa isang maharlika.
“Huh? Akala ko isang matandang babae ang makikita kong nakaupo sa tronong iyan.” malakas na sinabi ni Hue na ikinainis naman ng reyna.
Nagpipigil naman ng tawa ang mga katulong at tagabantay na katabi ni Queen Quaine.
“Ako si Maple Quaine. Queen Quaine ang tawag ng lahat sa akin at isang kabastusan na tawagin mong matanda ang isang tulad ko na maganda at batang katulad ko?”
“Ah. Queen Quaine. Pasensya na po. Ako nga pala si Hue Colors. Ipinadala ako ni Titania bilang tagapaglingkod nyo. Hahaha.” masaya nyang sinabi.
“Titania? Ikaw ang Fairy na may kakaibang kakayahan?” napatayong tanong ni Queen Quaine at para bang gusto na nyang puntahan si Hue.
“Ako nga po. Pasensya na po kayo ulit.”
“Ehem. Ah… Ally, samahan mo nga si Hue na libutin ang buong palasyo.” utos ni Queen Quaine kay Ally at may lumabas naman na batang babae.
Sya si Ally Sail. May kulay ube na buhok at hindi nalalayo ang edad nya kay Hue.
“Sumunod ka.” sabi ni Ally sa kanya.
Sumunod naman agad si Hue sa kanya. Lumilinga-linga si Hue sa paligid nya at kinakabisado ang buong palasyo.
“Isa ka bang Fairy?” tanong ni Ally sa kanya na parang hindi naniwala sa sinabi ni Hue kanina lang.
“Ah. Opo. Isa akong Fairy.”
“Ka-kaya mo bang lumipad?” tanong pa ni Ally at tumigil na si Hue sa paglalakad.
“O-opo.” sabi ni Hue at tumigil din sa paglakad si Ally at tumingin kay Hue.
“Talaga? Pwede mo ba akong ilipad din?” tanong ni Ally habang nagniningning ang mga mata nya.
“A-ah. Opo.” sagot ni Hue pero umiwas sya ng tingin kay Ally.
“Ehem. Ally, anong ginagawa mo?” tanong ng isang babaeng may kulay na buhok na kagaya ng kay Ally.
“Ina. Ah. Sorry po. Ah. Ano… nadala lang po ako.” natatarantang sinabi ni Ally at agad yumuko.
Lumapit naman ang babae kay Ally at inayos ang damit nya.
“Dapat kang umayos dahil nakatakda kang mamuno sa buong lahi natin.” sabi nya at tumingin naman sya kay Hue at nagbigay galang.
“Masusunod po, Ina.” sabi nya at umalis na silang dalawa.
“Ally? Anong sinasabi ng Ina mo na ikaw ang nakatakdang mamuno sa lahi nyo?” tanong ni Hue habang naglalakad palibot ng palasyo.
Lumingon sandali si Ally kay Hue pero agad din naman nya itong iniwasan. Tahimik lang ulit silang naglalakad.
“Masyado ka pang bata para malaman ang sinasabi ni Ina.” sabi ni Ally.
“*Ah. Bata ka din di ba?*” wika ni Hue sa kanyang isip.
“Ilang taon mula ngayon, ilalabas ang kauna-unahang mamumuno sa bawat lahi. Inilabas ni Queen Quaine ang mga katawagan sa bawat magos ng mga mamamayan ng Fairy Land noong syam na taong gulang pa lamang sya. Kasama ang tulong ni Titania ay sya rin ang nagtalaga ng pagkasusunod-sunod ng mga magos mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.”
“Pagkasusunod?” tanong ni Hue.
“Locator, Telepath, Mover, Clone, Futurist, Illusionist, at Informant.”
Lumabas naman sila sa palasyo at dumiretso sa mga kulungan ng mga kabayo at nakita nila ang isang batang babae na nagpapakain ng dayami sa mga kabayo.
“Ether?” tawag ni Hue at lumingon naman yung babae.
“Oh, Hue. Nandito ka na pala. Maraming salamat pala kay Season at nakakain sa oras ang mga kabayo.”
“Ah. Oo nga. Hindi ko pa ulit si Season. Saan kaya nagpunta yon?” pagtataka ni Hue pero ang totoo ay natutulog lang si Season sa mga dayami.
“Kamusta ka Ether?” tanong naman ni Ally.
“Haha. Ayos lang. Uhh. Anong ginagawa ninyo?” tanong ni Ether.
“Inililibot ko sya sa buong palasyo.”
“Ah. Haha. Ganon ba? Sana magsaya ka sa paglibot.” sabi ni Ether at bumalik na sya sa pagpapakain ng mga kabayo.
Papasok na sila sa likod ng palasyo nung makarinig sila ng mga sigawan. Agad tumakbo si Ally papunta sa sigawan at sinusundan naman sya ni Hue sa likod.
“Hindi dapat ikaw ang nakaupo sa tronong iyan!! Hindi nararapat ang iyong ginawa sa amin. Isa kang makasariling reyna.” sabi ng taumbayan sa harap ng palasyo.
Nakatindig namang nakatayo si Queen Quaine sa itaas ng hagdan kasama ng mga tagapagbantay nya.
“Anong bang sinasabi ninyo? Kung lahat tayo ay nasa taas, sino ang mananatili sa ibaba? Kung lahat tayo nasa baba, sino ang mamumuno sa taas?” tanong ni Queen Quaine at lahat ay nanahimik. “Kaya ko isinaayos ang lahat ng magos ay para pantay-pantay kayong maprotektahan laban sa mga gustong umapi sa inyo. Hindi ako makasariling reyna. Wala akong ibang paraan na maisip bukod dito. Kayo lamang ang nag-iisip na mas mababa kayo sa kapwa ninyo. Hindi ko hiniling na mag-away kayong lahat sa aking ginawa. Kung gusto akong paslangin, sige. Isasakripisyo ko ang buhay ko. Pero sino sa inyo ang may kakayahan mamahala sa buong lupain?” tanong nya at nanahimik ang lahat.
“Queen. Hindi nyo po kailangang isakripisyo ang sarili nyo.” sabi ng kanyang katulong.
“Queen. Humihingi kami sa inyo ng patawad. Hindi dapat namin kayo hinusgahan kaagad. Sana patawarin mo kami.” sabi ng isang peasant sa ibaba.
Nanahimik ulit ang paligid. Maya-maya pa ay bigla na lang umulan ng malakas.
“Halina kayo sa loob at magpatuyo. Ipaghahanda ko kayo ng makakain.” pag-aaya ni Queen Quaine sa lahat ng tao.
Pumasok naman ang lahat. Nagkaroon ng malaking salo-salo sa loob ng kaharian. Nagkaroon din ng tugtugan. Yon ang unang beses na nagkaroon ng kasiyahan sa loob ng palasyo magmula nung namatay ang mga magulang ni Queen Quaine noong bata pa sya dahil sa isang aksidente. Lahat sila ay nagkakasiyahan. Nahagip naman ng mata ni Hue si Ether na kumakain ng iba't ibang pagkain sa sulok ng palasyo. Pinuntahan nya agad ito at sinamahan.
“Oh, Hue. Gusto mo ba ng karne ng baka? Masarap ito.” sabi ni Ether habang puno ang bibig.
“Haha. Ikaw na lamang ang kumain.” sabi naman ni Hue.
Maya-maya pa ay bumagal ang tugtog ng mga musikero. Lahat ng lalaki at babae ay nagpares-pares para sumayaw sa gitna. Tumingin naman si Hue kay Ether at nakita nya si Ether na para bang gusto nyang sumayaw sa gitna.
“Ether. Hindi ako marunong sumayaw pero gusto mo bang isayaw kita?”
“H-huh?” tanong ni Ether na halos mabulunan na.
“Bakit?”
“Hindi mo ba alam na ang tugtog na ito ay para lamang sa mga magkakasintahan? Ano naman sa palagay mo ang gagawin ng dalawang bata sa gitna ng lahat?” sabi ni Ether at pinuno nya lang ang bibig nya ng pagkain.
“Eh?”
Sa malayo…
“Mukhang magkakaroon tayo ng malakas na magkapares dito ah.” sabi ni Queen Quaine sa kanyang sarili habang nakaupo sa upuan at pinagmamasdan si Hue at Ether.