"Hah! Sa kasamaang palad, ako ang kaharap nyo ngayon." sabi nung lalaki na nasa likod ng makapal na hamog.
"Sino ka?" tanong ni Risk.
Kasama nya si Bloom at Helium. Napadpad sila sa isang islang hindi nila kilala.
"Isang karangalan ang makilala ko ang mga kaibigan ni Data." sabi nung lalaki at lumakad paharap at nakita nilang lahat ang lalaking iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Helium ng muli nyang makita ang lalaking iyon. Ang lalaking pumatay sa mama nya. Isinara nya ang palad nya at handa nang suntukin ang lalaking nasa harap. Ang taong yon ay kapatid ni Data. Si Leonis. Isa sa mga Fairy Rings. Kakayanin kaya nilang lumaban kahit wala si Airy?
"Leonis." tawag sa kanya ni Helium.
"Hm? Isa kang imigrante? Isa ka sa mga angkan ni Data. Hindi ko inaasahang makakakita pa ako ng ganon ngayon, sa sobrang liit ng populasyon nyo noon."
"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi ba isa ka sa kanila." sabi naman ni Bloom.
"Aba. Tignan mo nga naman. May dalawa ka pa palang kasama. Hindi ko alam na sumama kayo sa laban. At ikinalulungkot ko pero hindi ako tunay na kapatid ni Data."
"H'wag mo silang gagalawin. Ako ang labanan mo." sabi ni Helium at humarang sa harapan nila Risk.
"Helium, anong ginagawa mo? Hindi ka pwedeng mamatay." sabi naman ni Bloom. "Nangako ako kay Data na poprotektahan mo si Fade." sabi nya pa.
"Hindi ko planong mamatay. Balak ko syang talunin. Pinatay nya din Data kaya di ako papayag na may madamay pang iba."
"Heh. Bakit di natin 'to gawing laro?" sabi ni Leonis. "Dahil gusto mo silang maging ligtas..." sabi nya.
*snap*
Bigla na lang napunta si Bloom at Risk sa isang bolang itim. Nagulat naman si Helium at sinubukan nya pang alisin iyon pero wala syang magawa.
"Anong ginawa mo sa kanila?" tanong ni Helium.
"Hm? Hindi nakakatuwa ang laban kung walang ganon diba? Para mailabas sila sa bola ng kadilimang iyan. Kailangan mo akong talunin." sabi ni Leonis. Nakita naman nya kay Helium na nagdadalawang-isip sya. Ngumisi sya. "Kapag hindi mo ako natalo sa loob lamang ng isang ikot ng araw, mamamatay sila."
"Matatalo kita."
"Paano mo naman nasisigurado? Isa akong Fairy Ring at isa ka lang hamak na imigrante."
"Dahil sa hamak lang akong imigrante, kaya alam kong matatalo kita. Hindi lang ako nag-iisa. Kasama ko sila." sabi ni Helium at bigla na lang syang nilabasan at pinuluputan ng iba't ibang magos.
"*Ano ito? Ngayon lang ako nakakita ng ganito.*" hindi makapaniwalang tanong ni Leonis sa isip nya.
Inatake ni Helium si Leonis gamit ang magos ni Drown sa illusionist. Pinalibutan nya ng liwanag si Leonis. Agad nasilaw si Leonis kahit sarili nya ding magos iyon. Tumakbo si Helium papunta sa likod ni Leonis.
"Ikaw ang pumatay sa nanay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit naghinagpis ng matagal na panahon si Data."
"Si Data? Tch. Sya ang may dahilan kung bakit ako ganito." sabi ni Leonis at nagpakawala sya ng itim na magos at hinawi ang illusion na ginawa ni Helium.
Natamaan si Helium sa braso nya. Tumingin sya kina Bloom at Risk at nakita nyang hindi makahinga ang dalawa. Nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya.
"Anong ginawa mo sa kanila?" sabi nya at agad syang nagpakawala ng mga lumilipad na gamit. Ang magos ni Bloom.
Nadaplisan si Leonis sa pisngi ng ibinatong pana ni Helium. Nakaiwas naman sya sa iba.
"Hindi patas kung manalo ka na wala kang magiging sakripisyo di ba?" sabi ni Leonis at tumakbo sya papunta kay Helium. "Hindi kita gustong makalaban. Ilabas mo si Data ngayon din, magtutuos kami." sabi nya pa at naglabas sya ng espadang gawa sa liwanag.
Nakatayo lang naman si Helium sa pwesto nya. "Hindi mo ba alam? Namatay na si Data sa isang laban sa isang Fairy Ring bago pa man ako sumama sa kanila."
Napatigil naman si Leonis sa pagtakbo. Ikinagulat nya ang narinig nya. "Tch. Naunahan nila ako sa pagpatay sa kanya." galit nyang sinabi.
Agad namang ginamit ni Helium ang magos ni Fade at Risk at tumakbo sya papunta kay Leonis. "Talaga bang gusto mo sya patayin o ikinagulat mong tuluyan nang namatay ang Kuya mo?" tanong ni Helium at sinaksak nya ng weapon nya si Leonis sa likod.
"Gah! Anong sinasabi mo? Hindi ko sya Kuya. Wala akong kapatid na mahina." sabi ni Leonis.
"Kaya mo pinatay ang mga natitirang imigrante dahil hinahanap mo ang Kuya mo hindi ba? Kaya mo pinatay ang mama ko dahil ayaw mong maulit ang kasaysayan kung saan makakalaban mong muli ang sarili mong angkan. Natatakot ka."
Hiniwa ni Helium ang binti ni Leonis pero hindi sapat para bumigay ang paa nya. Lumingon sya kina Bloom at umuubo na sila ng pilit na hangin.
"Tumigil ka! Kaya ko ginawa iyo ay para nawala na lahat ng hadlang sa plano ko." sigaw ni Leonis at nagpakawala sya ng mga ligaw na liwanag.
Natamaan si Helium sa tagiliran nya. Nadaplisan sya ng isa pa sa mukha. Ginamit ni Helium ang magos ni Airy na locator at hinanap nya ang kahinaan ni Leonis. Ang puso. Ang puso ni Leonis ang kahinaan nya.
"*Data. Bigyan mo ako ng lakas mo para talunin si Leonis.*" tawag ni Helium kay Data.
"*Hindi. Hindi maaari. Kaya ako nabubuhay para patayin si Data. Hindi. Bakit ko ba ginagawa ito? Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ako nahihirapan?*" tanong ni Leonis sa sarili nya habang nakaluhod na sa lupa.
Napalingon si Leonis sa harapan nya. Isang pamilyar na asul na liwanag ang nakita nya. Isang imahe ang namuo sa harapan ni Helium.
"Leonis." tawag sa kanya ng liwanag na iyon.
"Ku-kuya." tawag nya rito.
Bumigay naman ang ginawa nyang kulungan kina Bloom at Risk at panay ang ubo ng dalawa.
"Leonis. Kailangan mong bumitaw sa galit na iyan. Hindi iyan ang tunay mong nararamdaman."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May kumokontrol sa nararamdaman mo. Mula noon hanggang ngayon. Pakawalan mo na iyan. Dito na nagtatapos ang laban mo." sabi ng imahe ni Data. "Sumama ka na sa akin." sabi nya pa.
"Kuya. Sobrang tagal kitang hinanap. Pasensya ka na kung nahuli na ako ng dating." umiiyak na sinabi ni Leonis.
"Leonis. Halika na. Magsimula tayong muli." pag-aaya ni Data.
Tumango naman si Leonis at doon na sya sinaksak ni Helium.
"Dito na natatapos ang misyon mo." sabi ni Helium habang nakahawak sa kanya si Leonis.
"Hm. Pero hindi pa nagtatapos dito ang misyon nyo." sabi ni Leonis at nawala na sya kasama ng asul na liwanag na nakapalibot kay Helium.
Napaluhod si Helium at tumakbo na sila Bloom sa kanya. Hindi pa sila tuluyang nakalalapit nung biglang may tumama kay Helium na pana.
"Gahk!" sigaw ni Helium at natumba na lang sya sa lupa.
"Helium!" sigaw ni Risk habang lumilinga-linga naman si Bloom.
Natapos nga ang laban nila kay Leonis pero sino ang gumawa nito kay Helium? Kanino galing ang panang iyon? Iiwan nya ba si Fade kagaya ni Data?