Lumabas ang isang babae sa gitna ng itim na apoy. Si Grain.
"Fairies?" tanong ni Risk.
Bumaba naman mula sa taas ng puno si Season.
"Season? Bakit nandito ka? Oho. Meron pala tayong reunion dito. Nandito pala si Ether at Book. How touching." sabi pa ni Grain.
Nagtaka naman ang lahat at napakunot naman ang noo ni Risk. Naguguluhan na sya. Hindi nya na alam ang laman ng isip ng mga Fairy Rings.
Sino si Book at Ether? Sino si Season? Bakit ganon na lang ang pagtrato ng mga Fairy Rings sa kanila? Gusto nyang pumunta sa nakaraan at makita ang totoong nangyari. Gusto nya mismong makita ang mga yon.
"Sumuko ka na lang ng maayos." sabi pa ni Season.
"Sumuko? Paano? Madali ba yon? Heh. Season. Nagbago ka bigla ah." sabi pa ni Grain.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Season.
Maya-maya pa ay ngumiti si Grain dahil pinuluputan ang mga paa nila Airy ng mga ugat ng mga puno. Kasama ang itim na apoy na pumapalibot sa mga ugat. Agad namang naramdaman ito ni Season kaya naiwasan nya ito at nawala sa ere.
"Magaling pa din ang senses mo pagdating sa panganib. Hindi ko tuloy makita kung talaga bang tumutulong ka sa kanila o ayaw mo lang na malaman nilang nagpapanggap ka." bulong ni Grain sa sarili nya na tanging si Pipe lang ang nakarinig.
"Pagpapanggap?" tanong ni Pipe sa isip nya habang nakagapos.
"Ano nang gagawin nyo?" tanong ni Grain habang humikikab.
Sinusubukan ng iba na gumamit ng magos. Pinuputol nila ang mga ugat na nakapulupot sa kanila. Ang iba naman ay patuloy ang pagkalas pero masyado na silang mahina para makawala. Lalo lang din silang nasasaktan.
Sa kabilang banda, ginamit ni Risk ang magos nya. Nagulat sya ng makaalis sya sa mga ugat ni Grain. Nakita naman ito ni Airy at gumawa sya ng paraan para lalong hindi makuha ni Risk ang atensyon ni Grain.
"Hoy Grain! Hindi ka lumalaban ng patas." sigaw ni Airy habang pahigpit ng pahigpit ang ugat sa mga kamay at paa nila.
Nilagyan naman ni Drown ng illusion nya ang pwesto ni Risk.
"Hehe. Patas? Sino bang nagsabing lumalaban ako ng patas?"
Tumatakbo ng tahimik si Risk papunta sa likuran ni Grain. Pinagdadasal na h'wag syang makita. Hinahanap nya kasi kung saan nakatago ang weapon nito. Imbis na mahanap nya ang weapon ay nahanap nya ang ugat na kumukonekta sa nga kaibigan nya.
"Bahala na." sabi ni Risk sa sarili nya.
Pinutol nya ang isang pares ng ugat. Sa harapan nya ay bigla na lang nahulog si Airy.
"Paano?!" sabi ni Grain at lumingon sya sa likod at nakita nya si Risk na nagpuputol ng mga ugat.
Naigapos nya ulit Risk pero ginamit nya lang ang magos nya para makawala. Maya-maya pa ay tumayo si Airy at nagpakawala ng spear sa likuran ni Grain. Tumama ito sa batok nya at nadistract sya lalo kaya naman nawala ang pagkakagapos ng lahat.
"Heh. Your strength is your weakness ika nga ni Fright." sabi ni Airy at mabilis na tumakbo papunta sa weapon nya.
Nainis naman si Grain at pilit nyang hinahabol si Airy gamit ang malaapoy na latigo nya.
"I-ito na yon. Ang weapon nya." sabi ni Airy.
Agad na pumalibot ang lahat kay Grain.
"Humanda kayo. Hindi ordinaryo ang latigo nya." sabi ni Airy pero huli na sya.
Nahagip ng latigo sina Fade, Kill, Pipe at Drown.
"Walang makakatalo sa apoy ko." sabi ni Grain at patuloy lang sya sa paglatigo.
Wala ba? Tanong ni Airy sa isip nya. Tubig ang kahinaan mo. Kung kaya ko lang gawing tubig ang weapon ko. Mas madali ko syang matatalo. Ah. Kung natatandaan kong mabuti. Sabi ni Season nakabase sa amin ito. Kaya ko kaya itong gawing armas na gawa sa tubig? Sabi nya pa sa isip nya habang umaatake kay Grain.
"Drown! Okay lang ba kayo?" tanong ni Airy habang nakikita nyang bumabangon sila Drown.
"Okay lang kami."
"Pipe." tawag ni Airy kay Pipe at tumango.
Gumagamit sila ngayon ng telepathy.
"Alam ko na kung paano talunin si Grain." sabi ni Airy.
"Paano?" tanong ni Kill habang nagpapakawala ng pana na nasusunog sa apoy na latigo ni Grain.
"Tubig."
"Huh?" tanong ng lahat at napatigil silang lahat.
"Giek. Bakit kayo tumigil? Magkakaroon sya ng pagkakataon na umatake." sabi ni Airy.
"Pero paano natin gagawin yon?" tanong naman ni Risk.
"Simple lang. Palabasin lang natin ito sa weapon natin. Kaya nyo yon." sabi ni Airy at ginawa nyang espada ang weapon nya na gawa sa tubig.
Nagulat naman ang lahat pero hindi si Grain.
"Akala mo ba matatalo ako nyan?" tanong ni Grain.
"Sa tingin ko nga matatalo ka nito."
"Tch."
Maya-maya pa ay nagawa ng lahat na mailabas ang malatubig nilang armas. Pumalibot sila kay Grain. Humanda sa paglaban. Pumikit naman si Airy at hinanap ang dapat nyang patamaan kay Grain.
Agad nya itong nakita. Ang pulang hiyas na nagpapagana sa kanya ay nasa kanyang ilong. Idinuyan ni Airy ang kanyang malatubig na armas habang ang lahat ay nakapalibot at parang isang malaking tubig na rehas. Pilit na gustong kumawala ni Grain sa rehas na ginawa nila pero hindi nya kaya. Mahina ang kanyang katawan sa tubig.
"Season!" sigaw nya. "Ito ba ang gusto mo? Ang patayin ang kakampi mo?! Isa kang hangal!"
Fwok!
Kasabay ng pagpana ni Airy kay Grain ay kasabay din nito ang pagtapat ng latigo nya sa mukha dahilan para matalo sya.
"Se-season. Isa ka talagang traydor." sabi ni Grain.
Bago pa man sya mawala ng tuluyan ay nakita ni Airy ang mukha ni Grain na nagulat.
"Heh. Ako pala ang hangal." sabi nya at nawala na sya ng tuluyan.
Pagkatapos non ay pinulot ni Airy ang Fairy Ring na si Grain. Bigla namang lumabas si Season.
"Buti na lang, galos lang ang inabot nyo." sabi ni Season.
Napaluhod naman si Airy. Nakaramdam sya ng sakit ng ulo.
"Airy." tawag ni Drown.
Lumapit sya agad at inalalayan si Airy.
"Pagpapanggap? Anong ibig sabihin non Season?" tanong ni Pipe.
"Kasama ka nila dati laban kina Book. Sino ka ba?" tanong ni Fade.
Nagulat si Season pero sinagot nya pa din ito.
"Gaya ni Airy. May mga alaala akong hindi ko matandaan. Kung sinasabi nyong kalaban ako, ngayon pa pang ay patayin nyo na ako pero habang napapakinabangan nyo pa ako. Hinihiling ko na hayaan nyo lang muna ako na samahan kayo." sagot ni Season.
"O-oy. Airy. Anong nangyayari sa 'yo?"
Napalingon ang lahat sa direksyon nila Airy.