Twelve

443 11 0
                                    

* * *

"Magandang umaga sa iyo, ginoong Hue." bati ng isang mamamayan ng Fairy Land kay Hue habang tumatakbo papunta sa palasyo.

"Ma-magandang umaga din po." sigaw ni Hue.

Si Hue ay labing-syam na taong gulang lamang ng panahon ito. Patuloy pa ding tumatakbo si Hue papunta sa kaharian.

"Oh Hue. Bakit mukhang nagmamadali ka?" tanong ng isang binatang lalaking nakasalubong nya.

"Ah. Ipapasa ko kasi ito sa palasyo. Kay Queen Quaine. Isang saliksik tungkol sa mga tawag sa bawat angkan na nakitara dito sa Fairy Land." sabi naman ni Hue habang sinasabayan naman sya nung binatang lalaki na tumakbo.

"Bakit hindi mo gamitin ang mga pakpak mo para mas mabilis kang makarating doon?"

"Ah! Oo nga ano. Ah. Hindi nga pala ako nakahingi ng pixie dust sa amin."

"Ahaha. Kung ganon takbuhin mo na lang yun. Oh sya dito na ako. Mag-ingat ka na walang mabunggo sa pagtakbo mo." sabi nung binata at lumihis na ng daan.

Mas binilisan pa ni Hue ang pagtakbo. Malapit na sya sa kaharian nung may dumaan sa harap nya na babaeng may buhat na maraming dayami.

"Tabi!" sigaw ni Hue doon sa babae. Nabigla sya nung makita nya pa lang si Ether iyon. "Ether. Tabi!"

"Eh?" sabi nya at napalingon kay Hue.

Nagulat naman si Hue sa nakita nya. Napakaganda ngayon ni Ether kumpara sa karaniwan. Napansin nyang mas mahaba ang buhok nya na umaabot sa bewang. Kulay itim ang itaas na kalahati ng buhok nya habang brown naman ang ibaba.

"EEEEEHHHH?" sabi ni Ether at hindi na nga napigilan ni Hue ang pagbangga sa kanya.

*Booogsh*

"Aray. A-ang sakit ng paa ko." reklamo ni Ether habang hinahaplos ang paa nya.

Hinahaplos naman ni Hue ang ulo nya na bumanda sa isang kahoy na matigas pero kahit ganon ay agad syang tumayo at pumunta doon kay Ether.

"Uhm. Pasensya ka na sa ginawa ko." sabi ni Hue.

Tumingin naman sa kanya si Ether ng masama at napaatras sya ng konti dahil sa ganda nito (at hindi sa masama ang tingin sa kanya).

"Huh? Hue? Ikaw pala yan?" tanong nya pero nananatili pa rin syang nakaupo.

"Ngayon mo lang ako nakilala?" tanong nya.

"Ah. Pasensya ka na. Madami kasi kaming ginagawa ngayon." sabi ni Ether at nanatili lang syang nakaupo.

"Ka-kaya mo bang tumayo?" nahihiyang pag-alok ni Hue.

"Ah. Pasensya ka na ha. Hindi ko kayang tumayo. Nabali ata ang buto ko sa kanang paa." nakangiting sinabi nya.

"Huh?" sabi ni Hue at agad nyang binuhat si Ether.

"Te-teka lang. Paano yung dayami?" tanong nya habang nakatingin sa mga nakakalat na dayami.

"Kami na ang bahala dito Ether." sabi nung isang lalaking sumulpot sa likuran nila.

* * *

Iniwan ni Hue si Ether sa pagamutan at pumunta na sa palasyo.

"Mahal na Reyna. Ipagpaumanhin nyo po na ako ay hindi nakapunta kaagad." sabi ni Hue habang hinihingal.

"Ahahahaha. Para sa isang batang katulad mo ay sobrang galang mo. Wala na akong mapupuna pa sa kung paano ka pinalaki ni Titania." sabi naman ni Queen Quiane.

Tahimik lang naman si Hue.

"Sya nga pala. Bakit ka nga pala nahuli sa pagpunta rito?"

"Ah. Kasi po nakabungguan ko po si Ether papunta dito. Dinala ko po sya sandali sa pagamutan."

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon