Seventeen

366 8 0
                                    

“Hmm? Bakit Pipe?” tanong ni Fade.

“Shh. H'wag muna kayong mag-ingay. Wala ring mag-iisip.” utos ni Pipe. “Sino ka?” taong nya sa boses na narinig nya.

“Ako si Zou. Isang garden gnome. Tulungan nyo kami. Inaabuso kami ni Caper.” naiiyak na sinabi ni Zou.

“Caper? Bakit nandyan sya sa inyo?” tanong ni Pipe.

“Magandang tanghalan daw ito para sa pagkikita nilang muli ni Airy.”

“Papunta na kami dyan sa inyo. Nasaan ba kayo?” tanong pa ni Pipe.

“Wala kami sa bayan namin. Nagtatago kami sa isang kweba.”

“Kami na ang bahala sa inyo. Papunta na kami.” sabi ni Pipe at humarap sya kina Airy.

“Si Caper. Nasa Gnome city sya. Kailangan nila ng tulong.”

“Gnome city? Pero sinong nakakaalam kung nasaan ang lugar na iyon?” tanong naman ni Drown.

Hindi na nagsalita pa si Airy at agad na pumikit. Maraming dinaanan ang paningin nya. Dumaan sya sa iba't ibang gubat at city hanggang sa nahanap nya si Caper. Nakangiti at nakatitig sa mismong mga mata ni Airy.

Agad nyang binuksan ang mga mata nya. Naghihintay na si Caper. Isang taon na nung huli silang nagkita. Sigurado syang tinititigan sya ni Caper. Maya-maya pa ay nagkaroon na naman ng

“Alam ko na kung saan matatagpuan yung city.” sabi ni Airy.

“Puntahan na natin sila pagkatapos nating daanan yung inn.” sabi ni Kill.

“Airy. Bakit hindi mo sinabi na gagawin mo yon? Paano kung mawalan ka ng paningin?” sabi ni Drown at nauna silang maglakad.

“H'wag kang mag-alala. Hindi ako mawawalan ng paningin. Gusto ko pang tapusin ang misyon na ito at makita si Hue.” sabi ni Airy sabay gulo sa buhok ni Drown.

“Si Hue? Bakit?” tanong pa ni Drown.

“Ah. Ano? Paano mo pala nalaman yung sa paningin ko?”

“Ah. Narinig ko lang sa kanila. Kay Pipe at Season. Airy, gusto kong mag-ingat ka.” sabi pa ni Drown.

“Haha. Salamat sa pag-aalala. Hindi mo ba alam na nangako pa ako kay Fade na poprotektahan pa kita kaya h'wag ka nang mag-alala.” sabi ni Airy.

H'wag mo akong paasahin, Airy. Kung hinahanap mo si Hue, hindi mo na dapat sinasabi ang mga ganyang bagay sa akin. Lalo mo lang akong pinag-iisip na may pag-asa ako. Sabi ni Drown sa sarili nya.

* * *

Nakarating sila agad sa Gnome city. Bumungad sa kanila ang sirang city. Maraming puno ang nawasak. Maraming bahay ang nasira. Maraming buhay ang malapit ng mawala.

“Sa wakas. Sa mahigit na isang taon, nagpakita ka din sa akin Airy. Ang Huling Fairy Warrior.” sabi ni Caper mula sa likod nila Airy.

Humarap naman sila Airy kay Caper. Nakita nilang pababa mula sa ere si Caper. Humanda silang lahat para sa atake. Unang lapag pa lang ng mga paa ni Caper sa lupa ay ang una nya ding pag-atake.

*tug*

Lahat sila ay bumagsak sa lupa. Puno agad sila ng mga laslas galing sa scythe ni Caper.

“Yan lang ba ang kaya nyong gawin? Ang titigan ako?” tanong ni Caper at umatake sya ulit.

*slash*

Nagsigawan mula sa sakit ang apat na babae.

“Airy!” sigaw ni Drown habang hirap na hirap tumayo.

Ganon din si Pipe at Kill na tinawag sila Bloom, Risk at Fade.

“Airy. Gusto mo bang mawala ulit sila? O lalabanan mo ako? Mamili ka.”

Tumayo si Airy at itinutok ang pana kay Caper. Lumapit si Caper kay Airy. Ngumiti sya at tinitigan si Airy sa mga mata nya.

“Kaya mo ba?”

“H'wag mong ibaba yan Airy.” utos ni Fade.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ni Airy at unti-unti nyang ibinaba ang bow-and-arrow nya.

“Hindi ka pa rin nagbabago. Airy, ang duwag na Fairy Warrior.” sabi ni Caper at hinawakan nya ang baba ni Airy.

* * *

“Hah. Hah. Hah.” hingal na hingal na nagpunas ng pawis si Helium.

“O-okay ka lang ba?” tanong ni Zou.

Napatingin si Helium sa kamay nya at nakita nya ang tali na kumukonekta kay Fade na mahina ang liwanag. Nanlaki ang mga mata ni Helium sa nakita nya.

“Zou. Yan na ba ang lahat?” tanong nya.

“Oo. Yan na lahat.” sabi ni Zou.

“Walang aalis dito ah. Babalikan ko kayo.” sabi ni Helium at tumakbo na sya palabas ng kweba.

Hindi. Hindi pwedeng mangyari ito. Nangako ako kay Data na poprotektahan kita. Fade, anong nangyayari sa iyo? Ayokong mapahamak ka. Ayoko. Sabi ni Helium sa isip nya habang tumatakbo.

Nakarating sya sa Gnome city. Sa harap mismo ng city ay nakatayo lamang silang lahat. Si Caper ay nakatayo sa harap nila at may hawak na scythe habang nakita naman ni Helium na madaming sugat ang katawan nilang lahat. Papalapit na sya sa kanila nung nakita nya ang isang itim na bilog ang nagkukulong sa lahat na nag-flicker.

“Illusion? Dito? Sa kanila?” tanong ni Helium. “Kailangan kong alisin ito. Kailangan ko na syang patayin.” sabi ni Helium.

Pumunta sya sa harapan ni Caper. Pati ito ay nakakulong din sa illusion nya. Agad nyang kinuha ang espada ni Kill at pumunta sa likod ni Caper kung saan nakapwesto ang scythe.

“A-ano 'to? Pakiramdam ko ito ang tamang posisyon para patayin sya.” sabi ni Helium at bigla syang bumagsak. “Ugh. Masyado kong inabuso ang katawan ko. Wala na akong lakas para gawin ito.” sabi ni Helium habang pinipilit nyang tumayo.

“…Ikaw din ang lakas ko.” narinig nyang sinabi ni Data sa kanya.

“Tch. Bakit ka biglang pumapasok sa isip ko? Heh. Salamat ng marami at dinala mo ako kay Fade.” sabi nya habang tumatayo.

“Hindi ko hahayaang kunin mo sa akin si Fade. Isa ka lang ordinaryong balakid. Gusto kong mawala ka na.” sabi nya at itinaas nya ang dalawang kamay nya na may hawak na espada at ibinaon nya ito sa batok ni Caper kasabay ng pagbasag sa scythe nya.

*crack*

*shatter*

*tug*

Nabasag ang illusion ni Caper at sabay-sabay silang bumagsak.

“Paano?” sabi ni Caper at lumingon sya sa likod nya. “Sino ka?” tanong nya pa habang unti-unti na syang nawawala.

“Heh. Ako si Helium.” sabi nya habang nakaluhod.

“Nagawa nyang talunin si Caper? Sino sya?” tanong naman ni Drown habang nakahawak sa kumikirot na mga sugat nya at hawak-hawak si Airy.

Agad tumayo si Helium at pumunta kay Fade. Lahat sila ay nakatingin lang kay Helium.

“Fade.” tawag nya dito habang nakahawak sa braso ni Fade.

Hindi naman nagsasalita si Fade at tinitignan nya lang ang namumutlang si Helium. Hindi nya maramdaman ang sakit ng mga sugat nya at sa halip ay nararamdaman nya ang malakas na tibok ng puso nya. Pinagaling ni Helium si Fade. Ang huli nyang magos.

“Ligtas ka na.” sabi nya at nahimatay na sya sa harap ni Fade.

Nagdampi naman ang mga labi nila bago mahulog si Helium sa lupa. Gulat na gulat naman ang lahat.

“EHHHH???!!!”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon