Epilogue

1.2K 24 0
                                    

Si Drown ay inihiga sa isang malambot na kama at tinakpan ito ng salamin. Pinalilibutan naman sya ng mga magagandang bulaklak. Ang lugar kung saan sya natutulog ay sa isang bahay sa Silent city na ngayon ay nanumbalik na ulit sa dati.

“Airy, sigurado ka bang lalagyan mo ng gayan si Drown?” tanong ni Fade habang pinagmamasdan nya si Airy na inaayos ng mabuti ang tinutuligan ni Drown.

“Oo. Para naman pag nagising sya. Ako ang una nyang maaalala.” nakangiti lng sinabi ni Airy.

“Pero hindi ba ang unang iisipin ni Drown ay mukha syang babae?” tanong naman ni Risk.

“Teka. Nung una ko naman nakita si Drown akala ko babae sya eh.” sabi ni Airy.

“Ahaha. Dahil ba kakambal ko sya?” tanong ni Fade.

“Hindi. Dahil mahaba ang buhok nya.” sabi ni Airy. Tumigil naman sa pagtawa si Fade.

“Oy. Hindi pa ba kayo tapos dyan?” tanong ni Kill na nakaupo sa prairie wagon.

“Malapit na.” sabi ni Airy at hinawakan nya ang kama ni Drown.

Nagliwanag ang kamay ni Airy na nakahawak sa kama ni Drown. Binalot ng magos ang buong hinihigaan ni Drown na syang nagpaganda lalo dito.

“Si Drown, mukha syang natutulog na prinsesa.” sabi ni Fade kay Risk.

Natapos naman na si Airy sa ginawa nya.

“Dahil prinsesa ko sya.” sabi ni Airy.

“Eh?” tanong ni Fade at Risk.

Naglakad naman na si Airy pabalik sa prairie wagon at sumunod naman sa kanya ang dalawa.

“Teka. Ibig sabihin babae talaga si Drown at lalaki ka?” tanong ni Risk.

“Huh? Anong sinasabi mo dyan? Syempre babae ako at lalaki sya.” sabi ni Airy at sumakay na sila.

“Eh, paano mo nasabing prinsesa mo si Drown.”

“Dahil mas masahol pa sya sa babaeng katulad ko kung kumilos.” sabi ni Airy.

“Ahhh.” sabi ng dalawa ay umalis na sila.

“Teka. Para saan yung mga kumikinang na inilagay mo sa kama ni Drown?” tanong ni Risk.

“Ah. Yun ba? Isang makapangyarihan na proteksyon yon. Walang sinoman ang makakasira non kahit na ako.”

“Eh? Paano naman matatanggal yon?” tanong naman ni Fade.

“Matatanggal yon kapag nagising na sya.”

“Paano mo naman malalaman yon?” tanong nila ng sabay.

“Dahil mararamdaman ko.” simpleng sagot ni Airy.

* * *

Nasa palasyo na sila. Abala ang lahat dahil sa wakas, uupo na si Pipe sa kanyang trono.

“Airy, kamusta? Anong nararamdaman mo?” tanong ni Pipe.

“Haha. Sa iyo ko dapat yan itanong. Hindi ba, uupo ka na ulit sa trono mo?” tanong ni Airy.

“Haha. Oo nga noh?” sabi ni Pipe. “Medyo kinakabahan.” sabi ni Pipe.

“Anong plano nyo ni Bloom?” tanong ni Airy. “Sasabihin nyo na ba sa kanilang lahat na ikakasal na kayo?” tanong pa nya.

“Hm. Sasabihin ko sa buong Fairy Land na papakasalan ko si Bloom.” sabi ni Pipe. “Ikaw, anong plano mo?” tanong pa ni Pipe.

“Plano? Wala pa naman. Si Risk at Kill, magsisilbi sa palasyo. Si Helium at Fade mas pinili na lang na bumalik at magtrabaho sa labas ng palasyo.” sabi ni Airy.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon