Fourteen

412 10 0
                                    

“Airy. Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Drown.

“H-huh? A… hm.” pagpayag ni Airy.

Gabi non at nakita nya si Airy na mag-isang nakaupo sa may gilid ng malaking puno at nakatingin sa langit. Nasa isang gubat sila nagpapahinga dahil bihira lang naman silang makakita ng inn na matutulugan.

Bigla na lang ipinatong ni Drown ang ulo nya sa balikat ni Airy.

“Maraming salamat sa pagiging ligtas. Nag-alala talaga ako sa 'yo ng husto.” sabi ni Drown.

Hindi naman nakapagsalita si Airy at nanatili lang sa pwesto nya habang namumula. Bigla namang natauhan si Drown kaya agad nyang tinanggal ang ulo nya sa balikat ni Airy.

“Ah. So-sorry. Hindi ko sinasadya yon.” sabi ni Drown at namumula na din.

Bahagya namang nainis si Airy dahil agad na tinanggal ni Drown ang ulo nya sa balikat ni Airy pero agad naman syang umayos.

“Kilala mo si Hue di ba?” tanong ni Airy kay Drown.

“O-oo. Bakit mo naitanong?”

“Hm? Nakilala ko kasi sya mundong di ko maalala…”

“Mundo ng mga ordinaryo?” tanong ni Drown.

“…sabi nya isa daw syang Fairy. Magkikita daw kami dito. Okay lang ba sa iyo yon?”

Natahimik si Drown. Yumuko at nag-isip.

“Okay lang sa akin yon. Basta alam kong masaya ka pe-pero hindi ako susuko. Airy, mula pa noon. Gusto na talaga kita—hindi. Mahal kita. Hindi ako magpapatalo sa nararamdaman mo kay Hue kaya kung pwede hayaan mo akong mahalin kita.” paglalakas na loob na sinabi ni Drown.

“Hm.” sabi ni Airy sabay tango. “Alam ko naman yon matagal na. Hindi ko naman mapipigilan yan eh.”

“Eeeh?? Si-sigurado ka? Pwede kong ituloy ang nararamdaman kong ito?”

“So may balak kang tumigil?”

“Ahaha. Wala akong sinabing ganon. Pwede mo bang ulitin yon, na okay lang sa 'yo na nandito ako.”

“Huh? Ayoko nga. Baka mamaya dyan umasa ka.”

“Okay lang basta sabihin mo lang sa akin ulit yon.”

“Ayoko.”

“Airy.” pagmamakaawa ni Drown.

Tumingin si Airy kay Drown. Sa pagkakataong ito, si Airy naman ang nagpatong ng ulo nya sa balikat ni Drown.

“Hm? Airy. May nangyari ba?”

“Pasensya na talaga sa idinulot ko sa inyo. Nag-alala pa kayo sa 'kin.”

“Wala yon. Paminsan-minsan lang naman yon.”

“Salamat Drown.”

“Airy. Naaalala ko, may nagsabi sa akin nito. Bumabalik ang tao at nabubuhay sa ibang katawan. Tingin mo ba makakaalala pa yung kaluluwa nung taong yon? Maaalala nya kaya yung buhay nya doon sa dati nyang katawan?” tanong nya.

“Hi-hindi ko alam.”

“Tingin ko maaalala nila yon.”

“Paano mo naman nasabi yon?”

“Pakiramdam ko kasi may isang tao akong nakikita ko lagi sa panaginip ko. Pakiramdam ko yung panaginip na yon ay kasama sa dati kong buhay.”

“Haha. Ano ba yan? Nagbabago ka nang paunti-unti.”

“Hindi yan totoo. Ako pa rin ang Drown na kilala mo.” sabi ni Drown at bigla na lang sumakit ang ulo nya.

“Hm? Drown. May problema ba?”

“Ah. Wala naman. Okay lang ako.”

“Sigurado ka ba?”

“Hm. Tara na. Malamig na dito sa labas. Matulog na tayo.”

Nabahala si Airy sa pagsakit ng ulo ni Drown.

* * *

“Kill. Gising ka pa?” tanong ni Pipe.

“Tulog na ako.”

“Paano ka ba umamin kay Risk?”

“HUH? Anong sinasabi mo dyan? Walang umamin sa kahit sino.” sabi ni Kill sa paraang si Pipe ang makakarinig.

“Huh? Paano mo naman nasabi yon?”

“Dahil alam naman namin ang nararamdaman ng isa't isa.” sabi nya pa. “Bakit? May problema ba kayo ni Bloom?”

“Eh? Ah wala naman.”

“Anong wala? Nakikita ko sa mukha mo at sa bawat tingin mo kay Bloom na may gusto kang sabihin sa kanya.”

“Ahaha. Sinabi ko na sa kanya. Sinabi ko na sa kanya na mahal ko sya.”

“HUH?” malakas na tanong ni Kill na halos lahat ay maalimpungatan.

“Hindi ko naman direktang sinabi yon. Pinaramdam ko lang sa kanya.”

“Edi mabuti. Gusto ka rin naman nya hindi ba?”

“Hindi natin sigurado yon.” sabi ni Pipe.

“Bakit naman?”

“Dahil baka si Drown na ang laman ng puso nya.”

“Baliw ka ba? Matagal na tinago ni Bloom na gusto ka nya. Nagkasama lang sila ng kaunting oras ni Drown ay hindi Ibig sabihin non ay may nararamdaman na si Bloom sa kanya. At isa pa, mahal ni Drown si Airy kahit baliktarin pa nating ang mundo. Matulog ka na nga dyan. Kung ano-ano ang naiisip mo.”

Natulog na si Kill habang nanatili namang nakatulala si Pipe sa langit.

* * *

Nakapikit non si Season habang nakaupo sa may puno. Nag-iisip ng tungkol sa nakaraan nya. Kahit na sobrang sakit ng ulo nya ay pinipilit nya pa ring nag-isip.

“Tinraydor mo kami Season.” wika ng isang pamilyar na boses.

“Hue. Anong sinasabi mo?”

“Itinuring kitang kaibigan pero ito ang ginawa mo sa akin. Pero kahit ganon, hindi ko kayang tuluyang magalit sa 'yo.” sabi pa ni Hue.

“Anong ginawa ko sa iyo Hue?”

“Season! Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na umalis ka sa isip ni Hue?”

“Ether. Anong ibig sabihin ni Hue sa sinabi nya?”

“Malalaman mo yan sa kanya mismo. Kailangan mo lang maghintay.” paliwanag ni

“Season. Itigil mo na ang ginagawa mo. Mapapahamak lang ang lahat. Itigil mo na yan. Ayokong mawala sila ng katulad ng pagkawala ni Ether.”

“Hindi ko na maintindihan.” sabi ni Season.

Nakatingin si Hue at Ether sa mga kamay ni Season. Tumingin din naman si Season. Nakita nyang puno ng dugo ang kamay nya. Agad syang nanginig.

“Lahat ng makakasalamuha mo ay daranas ng kamatayan. Ngayon pa lang, itigil mo na ito.” sabi ni Hue.

“Hue. Pabayaan mo na lang si Season. Alam kong alam nya ang ginagawa nya.”

“A-anong ibig nyong sabihin?”

“Season. May papartating!” sigaw ng boses mula sa likod nya.

Lumingon si Season sa likod nya pero wala syang makita kundi kadiliman. Nang lingunin nya sila Hue ay wala na sila. Maya-maya pa ay nahulog na sya pababa sa kawalan.

*gasp*

Nagising si Drown na pawis na pawis. Masakit pa din ang ulo nya. Nakaramdam sya ng aura na sobrang lakas. Papunta ito sa direksyon nila. Tumakbo sya agad kay Airy.

“Airy!” sigaw nya at pinrotektahan nya si Airy.

Nagising naman ang lahat. Nagulat naman si Drown nung lumihis ang itim na apoy sa ibang direksyon. Gumawa pala ng rune barrier si Pipe.

“Kamusta? Fairies.”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon