Seven

559 13 0
                                    

“Singan City?” tanong ng lahat.

“Pero sa Timog matatagpuan yon.” sabi naman ni Drown.

“Oo. Alam ko. Mukhang hindi naman sya nagmamadali eh.” sagot pa ni Airy.

“Kakaiba ka rin noh? Pero alam mo ba kung anong magos ni Minorum?” tanong naman ni Fade.

“Oo. Kaya nyang manggaya katulad ni Kill. At iba-iba din ang kaya nyang tugtugin. Bawat tugtog nya ay may kalakip na magos. Halimbawa. Kapag mabilis, ibig sabihin non ay aatake sya. Kapag mahina naman, gusto nyang hindi ka makagalaw, kapag naman katamtaman lang, naghihintay sya ng pagkakataon. Huh? Pa-a-no ko nalaman lahat ng yon?” tanong ni Airy sa sarili nya.

“Baka naman kinuwentuhan ka ni Season?” tanong ni Drown pero umiling lang si Season.

“Baka nakuha mo yan nung sinabi sa iyo ni Master Book ang gagawin mo?” sabi naman ni Data.

“Ahaha. Oo nga noh.” sabi ni Airy.

Nakatingin naman si Season sa kanya na nag-aalala at sa kabilang banda ay nagagalit sa kung anong dahilan. Nakita naman ito ni Pipe at sinubukan nyang basahin ang isip ni Season pero wala syang makitang pinto papasok sa isip ni Season. Nagulat naman si Pipe nung lumingon sa kanya si Season na nakangiti. Ngumiti na lang sya pabalik.

* * *

Nagsimula na silang maglakbay patungo sa lugar kung nasaan si Minorum. Malapit na sila sa Timog kung nasaan ang Singan City. Tumigil sila sa isang gubat malapit sa isang malaking bangin at doon nagpalipas ng gabi.

Lumapit si Pipe kay Airy na nakatoka magbantay ng tent para sa kaligtasan ng lahat at para maiwasan ang supresang atake. Kasama naman nya si Drown non.

Tumayo si Drown nung makita nya si Pipe na papalapit. Nanatili namang nakaupo si Airy.

“Airy. Maaari ba akong magtanong?” tanong ni Pipe.

“Doon muna ako magbabantay sa kabila Airy ah.” paalam ni Drown. Tumango naman si Airy.

“Paano mo nakilala si Hue?” tanong nya.

“Paano MO nakilala si Hue?” gulat na inulit ni Airy ang tanong nya.

“Si Hue ay nabuhay sa nakaraang apat na siglo. Sya ang pinuno ng mga pinuno. Paano mo sya nakilala?” sabi ni Pipe.

“Iba ang Hue na kilala ko. Ordinaryo lang syang tao.” sabi ni Airy.

“Anong itsura nya?” tanong ni Pipe sabay upo sa tabi ni Airy.

“Hindi ko matandaan ang itsura nya. Malabo ito at tanging mga pangalan lang nila ang alam ko.”

“May sinabi ba sya sa 'yo?”

“Kagaya ng alin Pipe? Naguguluhan na ako.” sabi ni Airy.

“Airy. Kailangan mong sabihin sa 'kin kung sino ba si Hue. Ano bang sinabi nya sa 'yo?” pagpupursige ni Pipe.

“Sabi nya sa akin na isa akong Fairy Warrior at isa syang Fairy.” sabi ni Airy sabay hawak sa ulo nyang sumasakit na.

“Ano pa?”

“Nauubos na daw ang oras nya sa mundong yon. Sabi nya magkikita daw kami ulit dito.”

“Wala na ba syang sinabing iba?” pag-ulit ni Pipe.

“Pipe. Sabihin mo naman sa 'kin kung sino ako. Hindi ko na maintindihan ang tumatakbo sa isip ko.” sabi ni Airy.

Napatayo naman si Pipe.

“Posible kayang…

“Pipe. Tama na yan. Matulog na kayo. Ako na ang magbabantay sa inyo.” sabi ni Season at napatingin ang dalawa.

“Season.” sabi naman ni Airy.

Tumayo sya at sinundan si Pipe. Nakita naman ni Pipe na nakakunot ang noo ni Season kaya nagpaiwan muna si Pipe at pinauna na sa tent si Airy. Pumasok na din naman si Drown sa kabilang tent kung nasaan ang mga lalaki.

“May problema ba Pipe?” tanong ni Season.

Nakapamulsa namang sumandal si Pipe sa may puno sa likod nya.

“Bago natin marinig yung tunog nung plauta. Nagsinungaling ka kay Drown tungkol kay Airy.”

“Yun ba? Sinabi ni Airy sa 'kin na h'wag nang sabihin sa inyo na gising na sya. Gusto nyang mahanap ang narinig nya nung araw na iyon.”

“Ganon ba? Pasensya na sa pagdududa ko.” agad na paghingi ng pasensya ni Pipe.

“Pagdududa? Para saan?” tanong pa ni Season. Ngayon, nakatingin si Season kay Pipe.

“Hindi ka isang ordinaryo katulad namin.”

Ngumiti naman ng bahagya si Season pero sa paraang hindi nakikita ni Pipe.

“Katulad nyo? Bakit mo naman nasabi yan?”

“Dahil ilang beses ko nang gustong basahin ang nilalaman ng isip mo pero hindi ko mabasa ito.”

“Yun ay dahil wala naman akong iniisip.” sabi ni Season.

“Pero nakikita ko ang reaksyon ng mukha mo.” pasigaw na sinabi ni Pipe.

“Kung gusto mong manalo sa kalaban mo. Hanapin mo ang kahinaan nila. Lahat ng mga bagay may kahinaang parte. Kung mahina ka. Hindi mo napapansin na inaatake ka na pala ng palihim.” sabi ni Season at tumingin sa malayo.

“Kahinaan?”

“Tama Pipe. Lahat ng magos na natanggap nyo ay may kahinaan din. Maaaring magamit ito laban sa inyo.”

“Hindi kita maintindihan.”

“Ang pagbasa mo ng isip. Kaya kong pigilan sa hindi ko lang pag-iisip.
   Si Bloom. May posibilidad syang matunaw sa harapan ng makapal na apoy.
   Si Fade. Maaari ko syang matalo kung ipapakita nya sa 'kin kung gaano sya kabagal. Kung paano nya ginagawa ang pagtakbo nya.
   Si Kill. Kapag mali sya ng paggaya. Maaari syang makontrol at matalo.
   Si Risk. Maaari akong pumunta sa mga makakapal na pader para lang ma-corner sya don.
   Si Data. Sa sobrang pag-iisip nya ay may posibilidad syang sumabog.
   Si Drown. Ang sobrang mahinang illusion na gagawin nya ay maaaring kumunekta sa kanya na pwede nyang ikamatay.
   At si Airy. Maaari syang mabulag kung gagamitin nya ito ng di tama.” sabi ni Season.

Hindi naman nakasagot si Pipe. Tama si Season. Marami nga silang kahinaan at hindi mababago iyon.

“Pero paano namin magagawan ng solusyon ang kahinaan namin?” tanong ni Pipe.

Umiling lang si Season at tumingala. “Kailangan nyo lang mag-ingat sa paggamit nyo ng magos nyo. Bantayan nyo ang isa't isa.” sabi ni Season.

Tumalikod na si Pipe kay Season. Babalik na sya sa tent nung tinawag sya ni Season. Lumingon naman si Pipe.

“Pipe. Gusto kong burahin mo ang nasa isip mo tungkol kay Airy. Makakasama ito sa misyon nya at misyon nyo. Hindi nya pwedeng malaman.” sabi ni Season habang nakatingin ng masama kay Pipe.

“Anong—” hindi natuloy ang sinabi ni Pipe dahil biglang nawala si Season.

♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪

Kasabay ng pagkawala ni Season ay ang pagtunog ng plauta. Narinig ito ng lahat. Maya-maya pa ay may narinig silang mga sigawan galing sa isang bayan nasa ibaba ng bangin kung nasaan sila.

Lumabas naman ang lahat ng marinig ang plauta at ang sigawan. Dumungaw sila sa may bangin. Makikita mula sa pwesto nila ang isang bayan na may katabing rumaragasang tubig sa ilog. Nagulat sila Airy ng makita nila ang mga taong nababalot ng isang itim na aura at patuloy lang ang paglamon nito ng mga tao.

Sa malayong distansya naman ay tumutugtog ang plauta. Nakita ni Airy ang isang pamilyar na aura. Pumikit sya sandali at ng kanyang buksan ang mga mata nya ay nakita nyang nakangiti si Minorum na nasa kaanyuan ni Fright.

“Heh.”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon