Twenty

391 13 2
                                    

Lumabas na lahat sa kwarto ni Helium at natira si Drown.

“Helium. Hindi ba sinabi mo na maaaring ipasa ang magos ng isa sa isa pa?” tanong ni Drown habang nakayuko.

“Oo, bakit?”

“Pati ba ang kahinaan ng paggamit ng magos ay mararanasan mo rin?” tanong nya pa.

“Ikinalulungkot ko pero hindi. Ang tanging mangyayari lang sa taong pinasahan ay manghihina kung sobra na ang paggamit nito.”

“Nag-aalala ako kay Airy.” sabi ni Drown.

“Bakit naman?” tanong ni Helium.

“Kung iaasa natin sa kanya ang lokasyon ng mga Fairy Rings. Malaki ang posibilidad na mabulag sya.”

“Sa pagkakaalam ko kay Airy, hindi sya duwag. Drown, h'wag kang matakot para sa kanya. Dahil mismong sya, alam nya ang ginagawa nya. Gusto nyang matapos ang misyong ito.” sabi ni Helium.

“Mukha nga. At gusto kong tapusin ang misyong ito ng wala nang namamatay.” sabi ni Drown.

Tok. Tok. Tok.

Lumingon naman si Drown at Helium sa pintuan. Dumungaw naman si Fade doon.

“Helium, kaya mo bang maglakad? May pagdiriwang sa baba. Tinatawag kayo.” sabi nya.

“Ah. Kaya ko pero kailangan ko ng alalay.” sabi ni Helium.

Inalalayan naman sya ni Drown at sabay-sabay silang lumabas ng bahay. Nasa gitna si Helium habang nasa kanan nya si Drown at nasa kaliwa naman si Fade.

“Ang tagal din nating hindi nagkasama noh?” sabi ni Helium habang pinagmamasdan ang tanawin na magkakasama sila ulit.

“Haha. Oo nga. Naalala ko yung sa bangin na pinuntahan natin para makita yung paglubog ng araw.” sabi ni Fade.

“Pagkatapos ng lahat, gusto ko ulit makita yon kasama ng iba.”

“Ang tagal nyo naman. Oo nga pala Helium, ito ay para sa iyo.” sabi ni Airy at itinusok nya sa likod ni Helium ang isang piraso ng pakpak nya gaya ng ibinigay nya sa iba pa.

“Gek.” sabi ni Helium dahil sa sakit.

“May konti ka namang lakas di ba? Pwede mong gamitin nyan habang di ka pa makalakad.” sabi ni Airy at lumabas ang transparent na pakpak ni Helium.

Lumutang ng sandali si Helium pero agad din syang bumaba.

“Salamat.” sabi ni Helium.

Maya-maya pa ay tumugtog ang mga gnome ng slow music gamit ang mga plauta at mga tambol. Lahat naman ay nagtitipon sa gitna ng plaza at may kanya-kanyang kapares sa pagsayaw. Hinatak naman ni Helium si Fade. Ganon naman sina Kill at Risk. Papunta na dapat si Drown kay Airy nung hinatak sya ni Bloom. Si Pipe naman ay nanatiling nakasandal sa isang malaking puno at nanonood sa kanila.

“Eh?! Ba-bakit mo ko hinatak? Isasayaw ko si Airy.” sabi ni Drown at nakita nya si Airy sa malayo na sinasayaw ang mga batang gnome.

“D-Drown. A-anong gagawin ko? Sabi ni Pipe sa akin, ayos lang daw na wala na sya sa puso ko pero hanggang ngayon sya pa din ang tinitibok ng puso ko.” sabi ni Bloom habang namumula.

“Hay. Nagiging ganyan ka din pala minsan Bloom.”

“Eh?”

“H'wag mong masyadong alalahanin yung sinabi ni Pipe. Hindi ba parang umamin na din syang gusto ka nya?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Haha. Mabagal ka din pala mag-isip.”

“Oy. Sabihin mo na sa akin kung anong ibig mong sabihin.” sabi ni Bloom kay Drown habang kinukwelyuhan nya si Drown.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon