“Heh.” sabi ni Minorum at ibinaba na nya ang plauta nya at sumigaw. “Makapangyarihan sa lahat. Bumaba ka na dito at labanan ako.” sabi ni Minorum.
Kumunot naman ang noo ni Airy. Nilabas nya si Feather na ngayon ay kulay pula. Nakabase kasi sa emosyon ni Airy ang kalalabasan ng kulay ng pakpak nya. Kasama sa magos ni Feather ay kaya nyang bigyang ang mga kaibigan ni Airy ng sapat na magos para makalipad din sila. Tumalon silang lahat sa bangin habang inaaral ang pakpak nila. Bumagsak si Airy sa dalawa nyang paa. Nasa tapat nya si Minorum na nagpalit naman bilang si Song.
Nagulat si Airy pero hindi sya nalinlang sa ginawa ni Minorum.
“A-airy.” sabi naman nung nasa likod nya.
Lumingon si Airy sa likod at nakatingala si Data.
“Huh? Bakit ikaw lang…?” tanong ni Airy at sinundan nya ng tingin ang direksyon ni Data.
Napalunok na lang si Data sa nakita nya. Nakatigil ang lahat ng oras nila. Nakatigil sila sa ere.
“Tch. Akala ko masasama ka sa kanila. Hindi pala.” sabi ni Minorum at ang tinutukoy nya ay si Data.
“Anong ginawa mo sa kanila?” tanong ni Airy.
“Nakita ko na ang intensyon nya pero nagduda pa rin ako.” sabi naman ni Data at tumingin sya sa nakangiting si Minorum.
“Heh.” sabi ni Minorum.
“Anong ibig mong sabihin Data?” tanong naman ni Airy.
“Ginamit nya si Fright… o sabihin na nating si Sand dahil titigil ang oras ng lahat pwera sa gusto nyang kalabanin.”
“Pero bakit nandito ka pa?” tanong ni Minorum.
“Dahil hindi naman na ako tao. Isa na akong cyborg. Ang kapangyarihan na iyan ay hindi na gumagana sa akin.” sabi ni Data.
“Hehe. Gaya nga ng inaasahan ko.” sabi ni Minorum.
Umatake naman si Airy sa kalagitnaan ng pag-uusap. Napigilan naman ito ni Minorum at ginawang buhangin ang pana ni Airy.
“Hiniram ko kay Sand ang kapangyarihang ito dahil madami itong nagagawa.”
“Wala akong pake.” sabi pa ni Airy at mabilis syang kumuha ng pana at pinakawalan sa direksyon ni Minorum.
Hinawi ito ni Minorum at napunta ito sa direksyon ni Data.
“Data!” sigaw ni Airy. Tumakbo sya papunta sa kanang direksyon ni Minorum.
Nakailag naman si Data sa tirang yon. Tumakbo naman si Data sa kaliwang direksyon ni Minorum. Nagkasabay silang dalawa na putulin ang magkabilang kamay ni Minorum pero nabigo sils dahil bigla na lang tumugtog si Minorum gamit ang plauta nya.
♪♪♪~~~~~~~~~~♪♪♪
Panandaliang bumagal ang oras pero nagawa ni Airy na magpakawala ng pana at dumaplis ito sa plauta ni Minorum dahilan para mawala sya focus nya. Tumakbo si Data papunta kay Minorum habang hawak ang hammer nya gamit ang dalawang kamay. Mabilis ding kumilos si Airy at tumakbo din papunta kay Minorum.
*gasp*
Sabay na sinakal ni Minorum ang dalawa. Nagulat ng konti si Minorum sa nasagap nyang impormasyon kay Data.
“Oooh. Sino nga ba kami? Saan nga ba kami nanggaling?” tanong ni Minorum kay Data na may halong pang-aasar.
Nagulat naman si Data at nagsimulang umusok ang ulo nya. Nakita naman ito ni Airy. Bago pa man maubusan ng hininga si Airy ay pinakawalan nya ang armas nya na naging dagger papunta sa kanang mata ni Minorum.
*Chak*
“Aaaahhh!” sigaw ni Minorum.
Natanggal na sa pagkakatigil ang mga kasama ni Airy dahil sa atakeng yon. Hinagis naman si Airy papunta sa mga puno. Safe namang nakalapag ang mga kasama nya sa lupa.
“Airy!” sigaw ni Pipe ng mapansin nila ang nangyayari.
“Data!” sigaw naman ni Fade habang nakatitig kay Data na mawawala na ng buhay.
Hinagis ni Minorum sa rumaragasang ilog si Data. Hinabol naman ito nila Fade, Drown, Risk at Kill.
Sa kabilang banda naman ay agad tumayo si Airy. Tumutulo ang dugo ni Airy sa ulo habang may nakabaon sa braso nya na kahoy. Agad nyang tinanggal ito at binilisan nya ang pag-atake kay Minorum. Ginawa nyang espada ang armas nya. Sinipa nya mula sa kamay ni Minorum ang plauta nito at sinaksak ni Airy ang pinakagitnang leeg ni Minorum. Tumingin naman si Minorum sa plauta nya na tumilamsik malayo sa kanya.
“Fufufu. Akala mo ba matatalo mo ko ng dahil lang sa saksak sa leeg?”
Tinitigan ni Airy si Minorum sa mata.
“Para sa taong alamat na. Hindi na ako nagtaka pa na nakakapagsalita ka pa.” sabi ni Airy at unit-unti nyang ginilitan ang leeg ni Minorum. “Heh. Minamaliit mo ata ako.”
*crak*
Nakarinig ng nabasag na kahoy si Minorum. Tumingin sya sa paa ni Airy at nakita nya ang plauta nya na nasira.
“Hindi maaari. Paano…?”
* * *
“Fade. Babalik ako. Hahanapin ko kayo ulit.” sabi ni Data habang hawak sya ni Kill at Drown sa braso.
Hindi nila maiakyat si Data mula sa rumaragasang ilog. Mapupunit na din ang bakal na braso ni Data.
“Ano na naman yan. Umakyat ka na nga dito!” sigaw ni Fade, halatang pinipigilan nyang umiyak.
Bakit nga ba hindi sya mahatak paitaas? Dahil sa magos ni Minorum. Ang rumaragasang tubig ay puno ng mga kaluluwa ng mga taong hinigop ng tunog ng plauta ni Minorum. Hinahatak sya ng mga ito pababa.
“Wala na tayong magagawa. Bitawan nyo na ako.” sabi ni Data at kinukuha pa sya lalo ng ilog.
Sa di kalayuan. Pinakawalan na ni Minorum ang huling nyang tira. Tumagos ito sa braso ni Airy malapit sa dibdib at saka dapat tatama sa ulo ni Kill pero dahil nakita ni Data ang mangyayari ay pinakawalan nya sa braso nya ang isang malakas na pwersa na nagpatalsik kina Kill, Drown, Risk at Fade.
Tumama sa tubig ang tira ni Minorum. Naglaho si Minorum sa manipis na hangin na may tanong sa sarili na “Ito na ba ang katapusan ng aking pinaghirapan?”
Nagulat naman si Airy sa narinig nya. Bumagsak syang hawak sa kamay nya ang armas na si Minorum.
“Data!!!” sigaw ni Fade habang nakadungaw sa ilog.
Nasulyapan pa ni Data si Fade na umiiyak kaya hindi na din nya kinaya at umiiyak na din. “Ayokong dito na lang matapos ang lahat. Fade, gusto pa kitang makasama.” sabi nya sa isip nya habang tuluyan na syang lamunin ng ilog.
Natulala lang si Airy sa nakita nya. Hawak nya pa din sa isang kamay nya ang Fairy Ring habang ang isa naman ay nakahawak sa braso nya. Tumakbo namang umiiyak si Fade at kinuwelyuhan nya si Airy.
“Anong ginawa mo? Hindi dapat tuluyang lalamunin ng tubig si Data kung tinapos mo na si Minorum. Hindi mo na sana sya hinayaan pang tumira. Kasala—”
*slap*