Eighteen

375 7 0
                                    

Tapos ng gamutin ni Fade ang mga kaibigan nya. Nakabalik na din ang mga garden gnomes sa mga bahay nila at nagsimula nang mag-ayos ng bahay nila.

Lumingon si Fade sa natutulog na si Helium.

“Sino ka ba?” tanong nya habang nakatulala sa kanya.

“Fade. Ayos ka lang ba?” tanong ni Drown sa kanya at umupo sa tabi ng kakambal nya. “Tinanong ko na lahat ng gnomes pero walang nakakakilala sa kanya.”

“Kahit yung gnome na tumawag kay Pipe?” tanong nya at tumango lang naman si Drown.

“H'wag kang umalis.” ungol ni Helium.

“Hmm? Ano yun?” tanong ni Drown.

“Drown. Kailangan ko sandali ng tulong mo.” sabi ni Pipe sa labas.

“Fade. Ikaw na muna dito ah.” sabi nya at lumabas na sya.

Agad namang lumapit si Fade kay Helium at hinawakan nya ang ulo nya. Nagulat sya nung maramdaman nyang sobrang init ni Helium. Kukuha na dapat sya ng tubig na ilalagay nya sa ulo ni Helium pero hinawakan sya nito.

“H'wag mo akong iwan.” sabi ni Helium.

Hinawakan ni Fade ang kamay ni Helium at tinanggal ito. Gamit ang magos nya ay tumakbo sya at kumuha ng tubig. Agad syang bumalik at nilagyan na sya ng bimpong may tubig. At umupo sya sa gilid ng kama ni Helium.

* * *

“Helium. Hindi ka ba kakain? Ilang araw ka nang ganyan.” sabi ni Fluorine. Nanay ni Helium.

“Eh? Tatapusin ko lang po ito.” sabi ni Helium.

Si Helium ay bata pa nung panahon na buhay pa ang nanay nya. Gumagawa si Helium ng iba't ibang klase ng gamot. Gusto nya kasing matutong manggamot dahil wala sa maliit na city nila ang marunong. Isa pa, kalilipat lang nila sa city na ito na malapit sa Kanluran.

“Hm? Anong gamot naman yan?” tanong ng mama nya sa kanya.

“Ah! Hindi dapat kayo tumitingin. Sikreto lang ito. Umalis muna kayo.” pagtaboy nya sa nanay nya.

“Haha. Sige sige. Basta kakain ka pagkatapos mong gawin yan ha. Hihintayin kita.” sabi ni Fluorine Agwi.

Tok! Tok! Tok!

Naging alerto si Fluorine ng makarinig ng kakaibang katok.

“Helium. Pumasok ka sa loob ng kabinet. Ngayon na.” utos ni Fluorine sa kanya.

Agad namang nagligpit si Helium at pumasok sa isang maliit at tagong kabinet. Takot na takot sya nung mga panahong iyon dahil wala pa syang kakayahan na lumaban. Idinikit nya sa pintuan ng kabinet ang tenga nya at nakinig.

“I-imposible.” narinig nyang sinabi ng mama nya.

Tumahimik ang buong paligid kaya naman lalo syang natakot. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng kabinet. Isang katok na pamilyar na pamilyar sa kanya. Binuksan nya ito agad at nakita nya ang mama nya.

“Helium. Tara, may ipapakilala ako sa iyo.” sabi nya.

Lumabas na si Helium sa kabinet at nagtago sa likod ng mama nya. Doon sa sala nila ay nakaupos ang isang binatang lalaking nakahood. Nang makita sila nung lalaki ay agad itong nagtanggal ng hood at tumayo.

“Eto ba si Helium? Ang anak mo?” tanong nya kay Fluorine.

(A/N: Please don't misunderstand. Si Helium ay anak ni Fluorine na nasa linya ng pinsan ni Data.)

“Hm. Hindi talaga ako makapaniwala na buhay ka.” sabi ni Fluorine at umupo na sila sa sofa.

“Naniniwala akong kailangan kong pigilan ang kapatid ko. Si Leonis.” sabi nung lalaki sabay lingon kay Helium. “Helium.” tawag nito sa kanya. Pinalapit naman sya ng mama nya dun sa lalaki. Lumapit naman sya.

“Si-sino po kayo?” tanong ni Helium pagkahawak sa kanya ng kamay nung lalaki.

“Haha. Nakikita kong di mo pa nadedevelop ang pagiging informant mo.” sabi nya habang tumatawa. “Ako si Data. Age not calculated. Informant. Bahagi ako ng angkan ng mga imigrante. Ako ang leader ng mga informant at ikaw ang isa sa aking tagapagmana at ang aking lakas.” sabi ni Data sa kanya.

Tumingin naman si Helium sa mama nya.

“Matagal na nilang sinasabi ni patay na kayo, pero anong dahilan bakit kayo nagbalik?” tanong ni Fluorine.

“Kaya nabubuhay ako ngayon ay dahil sa bakal kong puso. Gusto kong sabihin sa inyo na pakiramdam ko may mga bagay na mangyayari sa hinaharap at madadamay kayo.”

Bigla na lang tumayo si Fluorine na ikinagulat ni Helium at Data.

“Ano bang ibig nyong sabihin? Mamatay kami?”

“Ganon na nga dahil Fairy Ring ang makakalaban nyo. Wala silang ititira lalo na kung kasama mo ang pinakahuli sa angkan.” seryosong sinabi ni Data habang nakatingin kay Fluorine. Nakikinig lang naman si Helium.

“A-anong gusto mong gawin ko?” nanginginig na tinanong ni Fluorine kay Data.

“Alam kong mahirap pero gusto kong isama si Helium sa paghahanap ng ibang huli sa mga angkan nila.”

“Hindi ko ibibigay sa iyo ang anak ko. Pasensya na kung hindi ko maabot ang gusto mong mangyari.” sabi ni Fluorine at hinatak nya si Helium.

Tumayo naman na si Data at isinuot ang hood nya.

“Ganon ba? Pasensya na sa abala. Sana maging ligtas kayo. Hindi ko hahayaan na may ibang gagalaw sa inyo. Aalis na ako.” sabi ni Data at umalis na sya.

Naiwan namang nakatulala si Helium at umiiyak ang nanay nya.

Bakit? Bakit hindi ako nakinig kay Data? Ang pinuno namin. Bakit nagsarili ako? Yan ang mga tanong ni Fluorine sa isip nya.

* * *

Ilang linggo ang lumipas nung inaya ni Data si Helium. Isang hindi magandang pangyayari ang naganap sa city na tinitirhan nila.

Nagkakagulo ang mga tao sa labas. Hindi na malaman ni Helium ang gagawin nya.

“Helium! Pumasok ka sa loob. Wala dapat makakita sa 'yo.” pasigaw na sinabi sa kanya ng mama nya.

“Ma. H'wag mo akong iwan.” sabi ni Helium.

“Pumasok ka na sa loob!” pag-ulit nya.

“H'wag mo akong iwan.” pag-ulit din ni Helium.

Isinara ni Fluorine ang pinto at hindi na makalabas pa si Helium. Umiiyak na sya dahil nakikita nyang nakikipaglaban ang mama nya sa labas. Maya-maya ay nagsimula ng sumigaw si Helium.

“Mama! Sa likod mo! May tao sa likod mo.” sigaw ni Helium.

Napatingin naman si Fluorine sa umiiyak nyang anak. Sa likod ni Fluorine ay may Fairy Ring na nakaabang sa kanya. Tinamaan sya ng espada na parang gawa sa liwanag. Tumagos ito sa  nya at doon na nawalan ng boses si Helium habang humihikbi. Tinitigan nya ng mabuti ang mukha ng taong pumatay sa nanay nya. Maya-maya pa ay may nakatingin na isang lalaki sa direksyon nya. Sa harap nung lalaking yon ay bumangon ang nanay nya at parang may inihahabilin sa kanya.

Kahit na sobrang layo ng kanilang distansya ay nagawang malaman ni Helium ang sinabi ng kanyang ina.

“Mahal na mahal kita, Helium. Patawad.” sabi nya at saktong bumagsak sya sa tabi nung lalaking nakatitig sa direksyon nya.

Bumagsak na si Helium sa sahig at tinatakpan nya ang kanyang tenga. Patuloy lang sya sa pag-iyak. Wala syang nagawa para protektahan ang taong mahalaga sa kanya.

Sa may distansya, naglalakad si Arg papunta sa bahay nila Helium. Puno ang isip nya na dapat iligtas si Helium sa kamay ni Fright. Sinipa nya ang pintuan at tumambad sa kanya ang isang batang umiiyak.

Tama ba na dapat idamay ang mga bata sa kaguluhang ito? Nalagay na ang mga magulang mo. Kailangan kitang iligtas para sa ikabubuti ng buhay mo. Wika ni Arg sa isip nya.

Lumingon sa kanya si Helium na may galit.

“Patawad.” sabi ni Arg at tinanggalan na sya ng alaala nito.

*gasp*

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon