Natalo ni Ether lahat ng Fairy Rings. Agad syang tumakbo kay Hue habang iika-ikang naglalakad. Duguan ang kanyang mga braso at bali ang kanyang kaliwang paa. Pinuntan nya si Hue na nakahandusay pa din sa lupa.
“Hue.” tawag ni Ether kay Hue at lumingon naman si Hue sa kanya.
Naiyak naman si Ether dahil buhay pa din si Hue.
“Yan ang Ether ko.” sabi ni Hue sa pinakamahina nyang boses.
“Hue. Kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa pagamutan.” sabi ni Ether.
“Kamusta ang kalagayan nya?” tanong ni Hue. Tinutukoy ni Hue ang anak nila ni Ether.
“Ayos lang sya Hue. Kaya dapat maging ayos ka lang din.” pagsisinungaling ni Ether dahil matagal nang patay ang anak nila ni Hue. Namatay ito noong nasa kalagitnaan sya ng laban nila ni Season. Tinamaan ang tyan ni Ether ng mga palasong pinakawalan ni Season.
“Alagaan mo syang mabuti. Ether, magkikita tayo ulit sa takdang panahon. Nangangako akong sa mga susunod na buhay ay tayo pa din para sa isa't isa. Sa ngalan ng aking huling kapangyarihan, lahat ng ating alaala mula sa una nating pagkikita hanggang sa araw na ito ay maaalala nating dalawa.”
“Hue. Ayoko ng ganyan. Sabay tayo mamamatay hindi ba? Bakit mauuna ka?” tanong ni Ether.
“Dahil may misyon ka pang gagawin. Ang libro na makikita mo ay ang iyong misyon.”
Nagliwanag na si Hue at sa tapat ni Ether ay may lumabas na libro. Kahit na walang sinabi si Hue kay Ether kung para saan ang librong ito ay alam na alam na nya ang gagawin nya.
Dumating naman ang mga Minor Fairy Rings kasama si Wood. Agad silang lumapit kay Ether at nawalan na ito ng malay.
* * *
Lumipas ang apat na dekada. Si Ether ay pitongpung taong gulang na. Kasama ni Ether si Wood sa paggawa ng magical barrier sa librong iyon. Ipinasok na nya sa libro ang lahat ng magos ng mga Major at Minor na Fairy Rings. Ikakalat naman nya sa buong Fairy Land ang mga weapon na ginamit ng mga Fairy Rings sa loob ng ilang araw. Lahat ng kasama nya sa pamumuno ay namatay sa digmaang iyon. Itinalaga ang bagong Hari ng Hilaga na anak ni Queen Quaine. Nanatili namang walang namumuno sa bawat lahi ng nasa Fairy Land. Nagkaroon ng asawa at anak si Ether na Fairy Warrior pero iniwan sya ng asawa nya dahil hindi matiis ng asawa nya na nakikita syang hindi maalis ang atensyon nya sa libro.
“Ether? Pinatawag mo ako?” tanong ni Wood at pumasok sya sa silid ni Ether.
“Wood. Maraming salamat sa tulong mo hanggang sa ngayon. Nakikita kong nanatili ang itsura mo sa edad bago ko ikulong ang mga Fairy Rings.”
“Ahaha. Ikaw din naman Ether. Wala namang nagbago sa iyo.”
“Wood, naipasok ko na lahat Minor Fairy Rings sa librong ito at sa mga weapon nila. Ipinaliwanag ko na din sa kanila kung anong dapat nilang gawin kapag umulit ang kasaysayan.” sabi ni Ether.
“U-uulit ang kasaysayan?” tanong ni Wood.
Tumango lang si Ether. “Ang apo ni Ally ay lumapit sa akin at sinabi ang hinaharap. Uulit ang kasaysayan kung saan magkakaroon ng digmaan mula sa mga Fairy Rings at sa akin. Isang paglilinlang ang puno't dulo ng lahat ng iyon. Wood, gusto kong sabihin sa iyo na ang librong ito ay naglalaman ng mga alaala at tunay na magos ng mga Fairy Rings. Lalong-lalo na ang alaala, magos at personalidad ni Season. Matatanggal ang magical barrier na ito kapag may isa sa mga Fairy Rings ang makalabas dito. Pag ang librong ito ay magkakaroon ng butas at may pagkakataon na makakalabas si Season. Nandito din natutulog ang kaluluwa namin ni Hue. Ang alaala naming lahat ay binago ko dahil hindi dapat nalaman ni Season ang totoo. Mabubuhay kaming muli ni Hue para tapusin ang naudlot na pagkatalo ni Season. Wood, maaasahan ba kita na kapag umulit ang kasaysayan at oras na para gumising kami ni Hue ay nandoon ka?” tanong ni Ether.
“Ether, habang buhay kitang pagsisilbihan.”
“Wood, maaaring sa susunod kong buhay ay maging matigas ang ulo ko at hindi makikinig sa kahit na sino. Gusto kong ipaalala mo sa akin ang lahat ng ito. Kailangan kong maalala ito dahil nandito sa mga alaala ko kung paano ko muling matatalo si Season.”
Tumango naman si Wood. “Handa na ako.” sabi ni Wood.
Hinawakan ni Ether ang kamay ni Wood.
“Sa Fairy Warrior lang ako magsisilbi hanggang sa dumating kang muli.” sabi ni Wood at naging weapon na din sya.
Ilang araw pa ang lumipas at naghanda na sya para sa kanyang paglalakbay sa buong Fairy Land.
“Aalis na po kayo Lola Ether?” tanong ng apo ni Ally.
“Hm. At mukhang hindi na babalik si Lola.” sabi naman ni Ether sa dalaga.
“Eh? Malayo po ba pupuntahan nyo, Lola?” tanong ng dalaga.
“Oo, apo.”
“Pwede po bang sumama?”
“Hahaha. Maiwan ka na lang dito apo at samahan mo ang ating Hari. Kailangan nya ng supporta nyo.” sabi ni Ether.
Umalis na si Ether at naglakbay na. Sa kanyang paglalakbay ay nagkita sila ni Data.
“E-Ether? Ikaw ba yan?” tanong ni Data.
Suot-suot ni Data and kanyang balabal na syang nagtatakip sa buong mukha nya. Binaba nya ang balabal nya para makita sya ni Ether.
“Data? Bakit hindi nagbago ang itsura mo? Nasa dalawangpu pa din ang itsura mo.” tanong ni Ether.
“H'wag tayo dito mag-usap. Sumama ka muna sa tinutuluyan ko.” sabi ni Data.
Pumasok sila sa isang inn at umakyat sa taas nito. Pumasok sila sa isang kwarto at hinainan ni Data si Ether ng pagkain.
“Isa na akong cyborg ngayon.”
“Cyborg?” tanong ni Ether.
“Mahabang kwento pero ang puso ko ay bakal na. Wala na akong ibang nararamdaman.” sabi ni Data. “Saan ka nga pala pupunta?” tanong pa nya.
“Ikakalat ko ang mga Fairy Rings sa buong Fairy Land.”
“Ikakalat? Ibig sabihin nandyan pa sa 'yo si Leonis?” tanong pa ni Data.
“Ah. Kung si Leonis ang hinahanap mo, hindi ko na sya hawak. Nasa isang lugar na sya sa Hilaga.” sabi ni Ether.
“Ganon ba? Naiintindihan ko ang sinasabi mo.”
“Anong balita mo sa mga kalahi mo?” tanong pa ni Ether.
“Hindi ko pa sila ulit nahahanap. Sobrang kalat kami at nagtatago. Ether, gusto mo bang samahan na kita sa pagkakalat ng mga Fairy Rings?” tanong pa ni Data.
“Pumapayag ako at sinasabi ko sa iyo na masasaksihan mo kung paano ako mawawala.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Data.”
“Pagkatapos kong ikalat ang lahat ng ito ay dadalhin ko ang librong ito sa tamang taguan hanggang sa dumating ang tamang panahon.”
“Naiintindihan ko na ang lahat. Sasama pa din ako sa iyo.” sabi ni Data.
Sinamahan nya si Ether sa mga lugar na bihirang puntahan ng tao at doon nila itinago ang mga Fairy Rings. Ilang buwan nilang ginawa iyon at ngayon, nakita na ni Ether kung kaninong lagi nya ipagkakatiwala ang libro ni Hue.
“Ikaw ba si Ether?” tanong ng isang ermitanyo sa kanya.
Nasa Hermit city sila. Kung saan nakatira ang mga taong lumalagpas sa isang daan ang edad. Nagsasama-sama sila sa city na ito kahit iba-iba sila ng lahi noong kabataan nila.
“Ako nga po.” sabi ni Ether.
“At ikaw si Data?”
“Opo.” sagot ni Data.
“Matagal ko na kayong hinihintay.” sabi nung ermitanyong sumalubong sa kanila.
Nagtipon naman lahat ng ermitanyo sa gitna ng city kung saan ibibigay na ni Ether ang libro ni Hue sa kanila.
“Ipinapaubaya ko na po sa inyo ang librong ito. Sadyang makapangyarihan ito at hindi dapat magamit sa kamalian.” paliwanag ni Ether.
Nang kunin ng ermitanyo ang libro ay unti-unti na ding kinuha ng libro si Ether. Namangha ang lahat sa nakita nilang magos. Pagkatapos non ay umalis ng muli si Data.