Five

619 22 0
                                    

*CHAK*

“AIRY!” “KILL!” sigaw ng lahat ng makita nilang bumagsak ang dalawa.

“Hihi. Tapos na kayo.” sabi ni Synne at humarap sya kina Airy.

“Ate.” tawag naman ni Shaune sa kanya.

Agad lumingon si Synne sa kanya at may lumabas na konting dugo sa gilid ng labi nya. Napukaw naman nito ang atensyon nya. Nakita nya ang kamay ni Shaune na may panang nakabaon dito. Tinignan nya rin ang kanya at meron ding nakabaon.

“Paanong—?” tanong nya at tumingin sya kina Airy.

Unti-unti silang bumabangon at nung tuluyan ngang nakatayo ulit sina Airy ay tumingin sila sa magkapatid na may ngiting nakakaloko.

“Paano? Tinatanong mo?” tanong ni Airy habang unti-unti nang nawawala ang Fisc.

“Simple lang. Hindi naman kami katulad ng inaakala nyo. Naghanda din kami para sa labang ito. Kinalkula lang namin ang bawat galaw nyo. Pinalitan namin ang armas namin mula sa pagiging espada papunta sa pagiging bow-and-arrow.”

“Hindi... Ang pag-atras na iyon.” gulat naman na tanong ni Shaune.

“Tama. Ang pag-atras namin na iyon ang nagsilbing bwelo namin para sa atakeng yon.” sabi naman ni Kill.

Nagkatinginan ang magkapatid na Fisc sabay tingin sa langit.

“Kuya. Patawarin mo ako. Hindi ako naging malakas.” sabi ni Synne.

“Ate. Ako dapat ang humingi ng patawad dahil hindi kita pinrotektahan.” sabi pa ni Shaune.

“Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman kung sino ang mas matanda sa kanino.” sabi ni Kill at tumalikod na.

“Ito na ba ang katapusan ng ating pinaghirapan?” tanong ni Shaune habang nakatingin sa langit.

Kasabay ng kanilang pagkatalo ay nawala na rin kasama nila ang mga taong naniniwala sa kanila. Kasama doon ay ang matandang lalaking apat na siglo nang nabubuhay.

Bumalik sa pagiging armas ang dalawang Fairy Ring na nakalaban nila. Kinuha ni Airy ang armas at naging maliit na bilog ito na kasing laki ng kamay ng tao na may simbolong kabute na may pakpak at napapatungan ito ng dalawang espadang nakaekis at sa gilid ng bilog ay may nakalagay na 'Fairy Ring Fisc 3'. Tinago nya ito sa bulsa nya at bumigay na sya sa sobrang pagod at panghihina.

Agad namang lumabas si Season sa harapan nya galing sa kung saan.

“Teka. Saan ka galing?” tanong ni Airy at gusto nya sanang umupo nung binuhat sya ni Season na parang pangkasal.

“Magaling ang ipinakita nyo ni Kill.” sabi ni Season habang nakatingin sa direksyon ni Drown na tumatakbo papunta sa kanya.

“Hindi ko kailangan ng papuri mo. Pagalingin mo na lang kami agad. Gaya ng pagpapagaling mo sa sarili mo.” sabi ni Airy habang pinipigilang mamula.

“Patawad pero wala akong magos na makapagpapagaling sa inyo.” sabi ni Season at ibinigay na nya si Airy kay Drown.

“Airy. Ayos ka lang ba?” tanong ni Drown kahit na nakikita na nya ang halata na.

“Okay lang ako Drown. Konting galos lang ito.” sabi ni Airy.

Tumingin sya sa direksyon ni Season at sumusunod ito sa kanila. Dinala ni Drown si Airy kay Fade na katatapos lang gamutin si Kill. Nasa loob sila ng bahay na ginamit ng mga Fisc.

“Kailan ka pa natutong maggamot?” tanong ni Airy habang nililinisan ni Fade ang mga sugat nya sa likod.

“Nung wala kayo. Nag-aral ako manggamot para kahit papaano, nagagamot ng maayos ang mga sugat nyo.” sabi naman ni Fade at ibinaba nya na ang damit ni Airy.

Bigla namang pumasok sa loob si Season. Isinara naman nya ang pintuan ng kwarto.

“Teka. Di ba sinabi kong walang papasok dito? Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.” sabi ni Fade.

“Pasensya ka na pero nais ko sanang malaman ang iniisip ni Airy.” sabi naman ni Season habang nakaupo na sa tabi ni Airy.

“Airy?” tanong naman ni Fade at tumango lang sa kanya si Airy.

“Sino ba ako?” tanong agad ni Airy.

Nagulat naman si Season at patuloy lang si Fade sa ginagawa nya.

“Ikaw si Airy.” sagot ni Season.

“Dati.”

“Airy. Hindi kita maintindihan.” sabi naman ni Season.

“Nakilala na ako ng mga Fairy Rings dati. Nakipaglaban na ako sa kanila. Ako ang dahilan ng pagdurusa nila.” sabi ni Airy at lalong nagulat si Season.

Hindi naman napansin ni Airy na tumigil ang oras ni Fade.

“Sinong nagsabi nyan sa 'yo?” sabi ni Season at hinawakan nya ng mahigpit sa magkabilang braso si Airy.

Nakaupo naman si Airy pero hindi nya ipinapakita kay Season ang iniinda nyang sakit mula sa mahigpit na pagkakahawak nya.

“Sagutin mo ko Season. Sino ang nagbura ng alaala ko? Sino ako? Bakit ako nandito? Sino ka? Bakit mo kami tinutulungan? Anong koneksyon mo sa akin?” tanong ni Airy sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Season.

Tumayo si Season at nanumbalik na ang oras ni Fade.

“Ikaw si Airy at hindi ka nabuhay sa nakaraan. Ako si Season at nandito lang ako para sa sarili kong misyon. Ang protektahan kayo at tulungan kayong manalo. Hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa alaala mo.” sabi ni Season at lumabas na ng kwarto.

Napahawak naman si Airy sa dumudugo nyang mga braso.

“Airy! Anong nangyari?” tanong ni Fade dahil hindi naman nya nakita ang buong pangyayari.

“Wala ito Fade. Gamutin mo na lang ako.” sabi ni Airy habang nakatitig sa nakasarang pinto.

* * *

Nilapitan naman ni Data si Kill matapos syang gamutin ni Fade.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Data.

Nakadungaw sa may bintana si Kill at pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi.

“Ayos lang ako.” sagot naman ni Kill.

Natahimik ang dalawa. Kapwa pinagmamasdan at pinakikiramdaman ang paligid nila. Hinihintay kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Wala. Walang nagsalita sa kanila. Tahimik ang buong paligid. Ni wala pati sa mga kasama nya ang nagsasalita. Nawala lang ang katahimikan na iyon nung lumabas sa kwarto si Season. Napalingon ang lahat sa kanya pero wala silang interes na kausapin si Season.

Muling tumingin sa labas si Data at Kill. Nagsimula na ding magkwento si Kill.

“Yung nakalaban namin ni Airy. Masyado silang malakas. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang magos na iyon.” sabi ni Kill habang nakatingin pa rin sa bintana.

“Ipinanganak na silang kasama ang pambihirang lakas na iyon. Sila lang ang tanging nakakaalam kung saang angkan sila nagmula.” pagsabat naman ni Data.

“Data, nandoon ka nung araw na iyon, hindi ba? Yung araw na nabuo ang kasaysayan?” tanong ni Kill at sa unang pagkakataon mula nung nagsimula silang mag-usap ay ngayon lang sya tumingin ng direkta sa mata ni Data.

Hindi naman sumagot si Data. Naghihintay sya sa idaragdag ni Kill.

“Ikwento mo sa akin ang lahat ng dapat kong malaman.” sabi nya.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon