Forty-Seven

442 8 0
                                    

Agad pumunta ang mga kaibigan ni Airy sa kanyang pinagbagsakan. Nakita naman nila si Airy na tumatayo at pinupunasan ang bibig na may dugo. Dumating naman si Season.

“Yan na ba, Airy? Yan na ba ang kaya mong gawin?” tanong ni Season.

“SEASON!!!” sigaw ni Drown.

Lumingon naman si Season at nagulat sya dahil nasa harapan na nya si Drown.

“*Ang bilis nya.*” wika ni Season.

Sinipa nya sa tagiliran si Season pero nasalag nya ito agad gamit ang mga kamay nya.

“Drown!” sigaw naman ni Airy.

“Hindi ako papayag na saktan mo si Airy.” galit na sinabi ni Drown.

Wala syang iniisip kundi ang talunin si Season at iligtas si Airy.

“Haha. Bago mo sabihin sa akin yan ay dapat inalala mo muna kung paano kita pinatay noon. Hahaha.” sabi ni Season at unti-unti na syang nagbabago.

“Season.” sabi ni Drown at itinigil nya ang pag-atake nya kay Season at tumayo lang malapit kay Airy.

Tumigil din si Season nakatayo sya sa sanga ng puno. Nakatitig ang lahat kay Drown. Nakakita sila ng aura na nakapalibot kay Drown.

“Drown. Anong nangyayari sa 'yo?” tanong ni Airy.

Lumakas pa ang nakapalibot kay Drown. Lumapit si Airy sa kanya pero nung hinawakan nya si Drown ay napaso lang ang kamay nya. Tinitigan nya si Season ng masama at tumaas naman ang mga balahibo ni Season pero imbis na matakot ay natuwa sya sa kanyang nakikita. Si Drown ay seryoso na sa kanyang laban.

“Hindi mo ba natatandaan? Ako ang nagmamay-ari sa iyo. Ako ang nagpangalan sa 'yo.” sabi ni Drown.

Umatake si Drown kay Season at paulit-ulit nya itong ginawa pero pinipitik lang palayo ni Season ang mga atake nya.

“Haha. Hindi mo din ba matandaan na ako ang pumili sa iyo?” tanong ni Season sa kanya. “Ako ang may hawak sa iyo. Ako ang NAGMAMAY-ARI sa 'yo.” sabi ni Season at tinapat nya kay Drown ang kanyang kanang kamay at agad itong sinira.

Nagulat si Drown sa narinig nya at nawala naman ang magos na nakapalibot kay Drown at bumagsak sya. Sinalo naman sya ni Airy.

“A-Airy.” sabi nya.

“Ano ka ba naman Drown. Bakit ka ba sumugot pa? Hindi ba sinabi ko sa iyo na h'wag mong lalabanan si Season?”

“Pero sinasaktan ka na nya.” sabi ni Drown.

“Hindi natin kaya ito ng mag-isa lang. Kailangan nating pagsanibin ang magos natin.” sabi ni Airy.

“Mahina na ang magos ko Airy.” sabi ni Drown.

“Ganon din sa akin pero alam kong lalakas ito dahil parehas nating gustong mawala si Season.” sabi ni Airy at hinawakan sya ni Drown.

Tumayo sila ng sabay.

“Katulad ng pagsasanay natin dati.” sabi ni Drown.

Pumikit ng sabay.

“Katulad ng iniisip natin.” sabi ni Airy.

Bigla na lang may lumabas na kahel at itim na magos sa kanilang dalawa at binalot sila. Nagkaroon naman ng malakas na hangin at halos matangay na ang lahat ng nasa paligid nilang dalawa. Naglikha naman ito ng malaking crater sa paligid nila. May lumabas naman na mahaba at malaking espada sa pagitan ng magkahawak na kamay nilang dalawa. Sumugod naman si Season dahil nararamdaman nyang malapit na ang katapusan nya sa oras na umatake ang dalawa.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon