Apat na daang taon bago ang kasalukuyang panahon.
* * *
Sa pagitan ng pagpapalit ng panahon unang ipinanganak ang unang Fairy may angking katangian. Ipinanganak sya noong unang marinig na tumawa ang isang sanggol.
“Magtipon ang lahat.” wika ni Titania.
Nagtipon ang lahat ng Fairies para sa pagsalubong ng bagong panganak na Fairy.
Nang mailagay na sa gitna ang bagong Fairy na dinala sa kanila ay agad itong binuhusan ng pixie dust. Bumangon ito at isang lalaking Fairy ang nasilayan nila na nay kulay kahel na buhok.
“Si-sino kayo?” unang tanong nya.
Nilapitan sya ni Titania.
“Ako si Titania. H'wag kang matakot sa amin. Kami ang iyong bagong pamilya.” sabi ni Titania sabay hawak sa kay nung lalaking fairy.
Itinayo nya ang Fairy at binuksan ang mga pakpak nito. Nagsimula namang ipagaspas ito nung Fairy at nagsimula na syang lumipad. Nagsigawan naman sa tuwa ang mga nanonood. Pagkatapos noon ay bumaba na ang Fairy.
“Ngayon, pumili ka ng iyong magiging katulong sa lahat ng oras.”
Nakahain sa Fairy ang iba't ibang armas. Lalapit pa lang sana sya nung isa sa mga armas ang lumapit sa kanya. Umikot-ikot ito sa kanya habang nagpapalit ng kulay at nung mahawakan na nya ito ay bigla na lang itong nagkatawang-Fairy. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Ito ay unang beses pa lang nangyari sa kanila.
“Mula ngayon, tatawagin ka naming Hue Colors.” sabi ni Titania.
“Titania, maaari ko po bang tawagin ito na si Season?” sabi ni Hue habang tinutukoy ang armas nyang nagbago ng anyo.
“Bakit naman hindi? Sya ang iyong katuwang kaya nararapat lang na bigyan mo sya ng pangalan.” sabi ni Titania sa kanya.
Humarap si Hue kay Season. Nagtataka naman si Season sa mga nangyayari. Si Season ay ang pinaka kauna-unahang Fairy Ring.
* * *
Si Hue ay espesyal sa ibang mga Fairies. Lahat ng kayang gawin ng ibang Fairies ay nakakaya nyang gawin. Araw-araw silang nagsasanay ni Season sa gubat.
Isang araw noong pitong taon ang lumipas ay narinig nilang tumunog ang trumpeta para sa mga hawk na paparating. Ang hawk ang isa sa mga kaaway ng mga Fairies. Agad bumalik si Hue at Season sa Hollow. Nakita ni Hue na inaatake ng isang batang hawk ang isang na-trap na Fairy sa isang malaking bato. Sinusubukan ng hawk na abutin ang Fairy na iyon.
“Hue! H'wag kang lumapit dito.” sabi nung Fairy na na-trap sa bato dahil nakikita nyang lumalapit si Hue ng pakonti-konti.
“*Kung malaki lang ako. Kaya ko sana syang talunin. Sana, lumaki na lang ako.*” hiling ni Hue.
Maya-maya pa ay nanakbo si Hue papunta sa Fairy na na-trap. Tumatakbo sya habang nakapikit. Nang imulat nya ang mata nya ay nasa harapan na sya ng hawk. Nakatitig lang sa kanya ang hawk at ganon din sya sa hawk. Maya-maya pa ay tumalsik si Hue dahil sa malakas na hangin na galing sa pagaspas ng pakpak ng hawk. Muling sumugod si Hue pero bago pa man sya makarating ay bigla na lang syang lumaki at saktong nahawakan nya hawk sa leeg. Nakalutang lang naman si Hue para hindi masira ang Hollow. Lahat ng nakakita sa kanya ay puno ng takot at pangamba.
“Naintindihan mo ba ang dapat mong gawin?” tanong ni Hue sa hawk.
Tumango naman ang hawk.
“Magmula ngayon, babantayan mo ang Hollow sa pagsalakay ng iba pang hawk. Pag hindi mo nagawa iyon ng tama, alam mo na ang mangyayari sa iyo.” sabi ni Hue at inilapag nya ang hawk sa pinakatuktok ng Hollow.