Chapter 3
Nang makalabas ako ng campus, naluluha pa rin ako. Totoo naman lahat ng sinabi kong 'yon. Magaganda at guwapo nga sila pero ang sasama naman ng mga ugali nila.
Napabuga tuloy ako ng hininga. Kinusot-kusot ko muna mga mata ko bago ako nagpunas ng luha.
Nagulantang ako nang pagtingin ko sa kaliwang banda ko, nakita ko ang isa sa mga Campus King na si Ezikiel.
Mag-isa siyang nakaupo sa bench at nakatitig lang sa hawak niyang magazine.
Ang babae sa cover kilala ko siya.
Siya si Moira Ko, ang nag-iisang campus crush ng school. Mayaman, nag-iisang anak, maganda, modelo, maputi, at sexy.
Lahat-lahat ng magandang katangian nasa kanya na. Wala ito ngayon kaya siguro hindi rin um-attend ng klase si Ezikiel.
*****
Ezikiel's Point of View
Habang nakatitig ako sa mukha ni Moira, inaalala ko 'yong mga panahong masaya kami. Sana bumalik na siya dahil gusto ko na siyang makasama ulit. Sana hindi na siya galit sa akin.
Nagkatampuhan kasi kami.
"Ang ganda ni Moira 'di ba?" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa gilid ko. Nilingon ko ito.
Ang babae kanina sa likod ng campus.
Bigla niyang hinablot 'yong hawak kong magazine. Tinitigan niya rin ito."Alam mo ba? Sabi ko, balang araw, magiging maganda rin ako kagaya niya." Nakatitig lang ako sa kanya.
"Huwag mo akong titigan ng ganyan, nagbibiro lang naman ako. Kaya ko nasabi 'yon kasi, hinahangaan ko siya. Bilang babae, siyempre, gusto naming maging maganda kami sa paningin ng lahat ng tao. 'Yung tipong napapansin kami. Katulad niya, napakaganda niya hinahangaan siya ng maraming tao at kinagigiliwan. Hindi katulad ko laging pinag-ti-trip-an ng mga kaibigan mo—"
Bigla siyang napahinto.
"Ah! P-ppasensya na. H-h-hindi ko sinasadya masabi lahat ng 'yon."
Bigla siyang tumakbo papalayo kaya nakatingin lang ako sa likuran niya.
"Ezikiel!" Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Ozu.
Nilapitan niya ako.
"Bakit mo ba kinakausap 'yong pangit na 'yon, ha?" nakasimangot niyang sabi.
Nagsalita na ako. "Pinag-trip-an n'yo na naman ba siya?" bahagyang napakunot ang noo ko.
"Teka? Bakit parang iba yata ang tono ng pananalita mo?"
Tinitigan ko siya ng seryoso. "Dahil hindi ko gusto ang ginagawa n'yo sa kanya." tinalikuran ko na siya at iniwan doon mag-isa.
*****
Zyren's Point of View
"Nakakainis!" sigaw ni Ozu sabay sipa sa sofa.
Nandito kami ngayon sa teretoryo namin ng mga king. Nakatingin lang kaming dalawa ni Darren sa kanya.
Halatang may problema na naman ang isang ito kaya nagkakaganyan siya.
"Woah! There's something wrong with him." wika ni Darren sabay nagkatitigan kaming dalawa.
Tingin na, alam mo na, may toyo na naman siya. May toyo na naman ang Pinuno namin. Hindi na bago.
"Ano pa nga ba?" sabay sandal ko sa sofa.
"Hey! Hey! What happened, dre?" tinabihan siya ni Darren.
Pinagmamasdan ko lang sila. Tila hindi mapakali sa sobrang ka-bad-trip-an niya itong si Ozu. I'm sure maghapon na 'yan.
"Si Ezikiel nakakainis siya!" nakasimagot at nakakunot pa ang noo niya. Halos masira na yata 'yong sofa kakasipa niya.
"Si Ezikiel? Come on, dre! Ano na naman ba ang hindi ninyo napagkasunduan? Magbestfriend nga talaga kayo." Pagsingit ko.
Bigla niyang tinumba 'yong sofa.
"Shut up!!" sigaw niya sa akin.
"Ok. Relax lang. Chill!" Hindi ko nalang pinatulan.
Sanay na kami sa kanya e. Natural na niya yata 'yang ganyan.
Madalas mainit ang ulo niya. Nabibilang lang ang hindi. Daig pa nga ang mga babaeng may menstruation kada buwan.
"Leave me alone!" sigaw niya ulit.
Nagkatinginan nalang kami ni Darren. "Sige. Ikaw ang bahala." sagot ko.
Umalis na kami.
Magkaakbay kami ni Darren habang papalabas. Kung sina Ezikiel at Ozu 'yong magbestfriend sa aming mga king, kami naman ni Darren, magkasundong magkasundo sa lahat ng bagay. Lalo na ang pambababae.
"I've tried to call Ezikiel pero hindi siya nasagot." Turan ni Darren..
"Parang hindi naman tayo sanay sa dalawang 'yon. Magbar na nga lang tayo." anyaya ko. Napatingin si Darren sa akin ng nakakaloko.
*****
Ezikiel's Point of View
Nagmamaneho ako pauwi nang bigla sumagi sa isip ko 'yong babaeng nakausap ko kanina.
Sabi niya, gusto niyang maging maganda katulad ni Moira.
Napangiti ako ng wala sa oras. Sa tingin ko, mabait naman siya. Hindi ko lang alam kung bakit palagi siyang pinag-ti-trip-an ni Ozu.
Votes & Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...