Epilogue

115K 3.4K 435
                                    

Crystal's Point of View

Alas siyete na nang umaga ngayon nang tignan ko ang suot kong relo.

Ilang oras din pala ang byahe ko.

Bigla akong napangiti.

Ika dalawang taon na ngayon simula nang mangako kami sa isa't isa ni Ozu na magpapakasal kami matapos ang tatlong taon kong kontrata sa Shining Company.

Pero ang hindi niya alam, dalawang taon lang naman ang pinirmahan ko do'n kaya nandito na ako ngayon sa Philippines Airlines at nasasabik na akong makita siya.

Bago ako bumaba ng eroplano nagshades muna ako, mask at sombrero para siguradong hindi ako makilala ng mga tao.

Sigurado kasi akong may paparazzi rito kaya patago tago ako.

Tumingin tingin ako sa kapaligiran dahil 'yung sasakyan ko raw ay kulay puti na may sticker na dilaw sa bintana, para madali ko itong makita, at ayun na 'yung natatanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko.

Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan nang marating ko ito.

Mayamaya pa tumawag na sa akin si Ate Mimi kaya sinagot ko.

"Oh my gosh—Crystal! Naandito ka na sa Pilipinas!" bungad niya sa akin sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone ko. Ang ingay kasi.

"Crystal! Ate Mini 'to! Hindi na kami makapaghintay na makita ka!" at mukhang nag-agawan pa yata sila sa teleponong dalawa.

Ang ingay pa rin talaga ng mga Ate hanggang ngayon. Napangiti tuloy ako at napailing.

"Gano'n din po ako mga Ate. Saan po pala ako bababa para magkita kita na tayo?" tanong ko.

"Dito na mismo sa resort. Alam na 'yan ng driver ko."

"Okay po. Nga po pala, nakaready na po ba ang lahat?"

"Oo naman, 'wag mo nang alalahanin 'yon."

"Eh, si Ozu po?"

"Ayun, kasama na ng mga king, at hangga't maaga kinukulit na nila."


*****


Ezikiel's Point of View

Kaagad kaming pumasok sa loob ng kuwarto ni Ozu.

Ang nakakatuwa rito hindi na siya nagbago. Tulugin pa rin siya hanggang ngayon.

"Ozu! Gising!" ani Darren sabay lapitan namin sa kama niya.

"Oy! Bangon na! May pupuntahan tayo." sabi naman ni Zyren.

At binuksan ko naman 'yung mga nakasarado niyang kurtina.

"Hays! Ano ba! Tutulog pa ako." reklamo niya.

Naandito pa rin siya sa kama niya at nagtalukbong pa ng kumot.

"Gising na! Bilisan mo!" utos ko.

"Tinatamad akong gumala, kayo nalang." sumiksik siya sa ilalim ng unan niya.

"Sige, ikaw ang bahala, kami nalang ang manunuod ng live performance ni Crystal. Halika na! Iwan na natin siya rito." pananakot ni Zyren.

"Anong sabi mo??" Agad siyang napabangon.

"'Di ba sabi mo matutulog ka pa?"

"Ha? Hindi! Hintayin n'yo na ako. Maliligo lang ako in five minutes." sabi niya sabay takbo sa banyo.

Nagtawanan naman kaming tatlo. Halos magkandarapa kasi siya sa kakamadali niya.

Ang alam niya kasi live performance lang sa TV ang panunuorin namin.


Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon