Chapter 80

82K 2.6K 68
                                    

Chapter 80


Crystal's Point of View

"Ozu Kang!" sigaw ko sabay bangon.

Pagtingin ko sa paligid ko nakita ko ang mga king na nandito. "S-s-si Ozu? Nasaan siya? Dalhin n'yo ako sa kanya! Kailangan ko siyang makita." Siya agad ang hinanap ko.

"Sandali Crystal, huminahon ka lang." sabi ni Ezikiel nang lapitan ako.

"Hindi. Kailangan kong makita si Ozu. Ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya 'yon. Ozu Kang!" sigaw ko.

"Kritikal ang lagay ngayon ni Ozu." turan ni Ezikiel dahilan para matigilan ako.

"Hindi..." nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Sige, sasamahan ka namin sa kanya."

Pagpunta namin sa I.C.U, nang makita ko palang si Ozu na maraming nakasalpak na kung ano ano sa buong katawan niya tumulo na agad ang mga luha ko.

"Ozu, gumising ka na." nilapitan ko siya.

"Ozu, patawarin mo ako. Bumangon ka na riyan. Ozu ano ba?!" umagos na 'yung luha ko.

"Mahal na mahal kita Ozu Kang..." napayakap na ako sa kanya. "Kasalanan ko 'to dapat ako 'yung nakahiga riyan."

..."Talaga? Mahal mo ako?"

Bigla akong napabitaw sa pagyakap ko sa kanya nang marinig kong nagsalita siya.

Gulat na gulat lang ako habang nakatitig sa kanya.

Mayamaya pa tinanggal na niya 'yung mga samu't saring nakakabit sa katawan niya.

"Ozu Kang?!" tinuro ko siya.

Mayamaya pa umupo na rin siya.

Tapos biglang nagtawanan 'yung mga king. "Paniwalang paniwala na naman si Pangit." pang-aasar ni Darren.

"Oo nga, naloko na naman natin siya!" tumatawang sabi ni Zyren.

"Long time no see, Melanie." sabi naman ni Ezikiel habang nakangiti kaya nagtataka ako sa mga sinasabi nila ngayon.

"A-a-anong ibig sabihin nito?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Pangit, wala nang bawian, ah? Sabi mo mahal mo ako." ani Ozu sabay tawa niya.

Nanggigil tuloy ako. Naloko na naman nila ako. "Ozu Kang!!! Ikaw talaga!"

Bigla ko siyang nakutusan.

"Araay! Ang sakit non, ah!" angal niya at napahawak sa ulunan.

"Kayong mga king! Lagi n'yo nalang akong niloloko!" tatakbo na sana sila pero pinigilan ko. "Sandali lang pala!"

Napahinto sila.

"Ano nga ulit 'yung tawag n'yo sa akin? Pangit at Melanie? K-k-kilala n'yo na kung sino ako?"

Tumango tango sila.

"Lagi mo kaming sinasabihang... kayong mga King mga wala talaga kayong manners!" sabi ni Darren tapos nagtawanan sila dahil gayang gaya niya ang reaksyon ko sa tuwing sinasabi ko 'yon sa kanila noon.

"'Yung motto mong... aanhin mo pa ang kagandahan kung pangit naman ang iyong kalooban." sabi naman ni Ezikiel tapos nagtawanan ulit sila.

"Saka parang aso't pusa si Pangit at Pinuno kung mag-away at nakita namin sa 'yo 'yon, Crystal. Tandaan mo, kaming mga King, wala kaming hindi namin nalalaman." saad naman ni Zyren sabay kindat.

"Pangit, sinabi na nila Ate Mimi at Mini sa kanila ang totoo kaya wala na tayong maitatago. Huwag kang mag-alala, tayo tayo lang naman at ang pamilya ang nakakaalam tungkol dito. Pananatilihin naming lihim ang bagay na 'to." pagpapaliwanag naman ni Ozu kaya naluluha akong nakatitig sa kanila.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon