Chapter 74
President Kang's Point of View
May naririnig akong ingay mula sa labas ng Office ko kaya nagtataka akong nakatitig sa pinto. "Madam, si Mommy Fa nandito na po siya."
"Ha?" nagulat ako sa binalita ni Mr. Don.
Bakit wala man lang siyang abiso na bibisita siya ngayon dito sa Mansion ko?
"Dito ba ang office ni President Kang? Bakit ganito? Napakalayo naman ng office niya!" reklamo ng matandang babaeng pumasok nalang bigla rito sa loob ng office ko kaya napatayo na ako. Nagkatitigan kaming dalawa.
"Ikaw!" sigaw niya sabay turo sa akin. Hinubad pa niya ang shades niya na kung umasta parang siya ang nagmamay-ari ng mansion ko.
Napataas na ako ng kilay. "Mr. Don, siya ba ang tinutukoy mong magdo-donate ng malaking halagang pera para sa mga kompanya?"
Napangisi ako dahil sa nakikita kong pag-uugali niya. Isa siyang bastarda!
"Yes, Madam. Siya po si Mommy Fa."
Kita kong nagulat sina Mimi at Mini sa narinig nila gano'n din ang mga kaibigan ni Ozu.
"Bitawan n'yo ako! Sino ba kayo?! Magtago na kayo kapag nakawala ako rito!!"
Nang bigla naming narinig na sumisigaw si Ozu kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Bitbit siya ng mga body guards nitong si Mommy Fa at halata namang sa kanya 'yon dahil kilala ko ang lahat ng mga body guards ko.
"Siya ba si Ozu Kang?" walang galang niyang tanong. Baba at taas pa ang tingin niya sa anak ko.
"Yes, Mommy Fa. Siya po si Ozu Kang." sagot ng assistant niya.
"President Kang, tutulungan kong makabangon ang limang kompanya n'yo pero may isa akong kundisyon."
Lalo akong napangisi dahil sa sinabi niya. "Sino ka ba? Ni hindi nga kita kilala. Bitawan n'yo nga ang anak ko at kung tutulong ka man bakit kailangan mo pa ng kundisyon??" taas kilay kong sabi.
"Dahil 'yon ang magpapasaya sa anak ko." kaagad na sagot nito kaya napakunot na ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" balik kung tanong sa kanya habang napapaisip.
"Ipakasal mo si Ozu sa anak ko." nagulat kaming lahat sa sinabi nito.
Ozu's Point of View
Sino ba 'tong matandang 'to? "Hoy! Kung sino ka man, kahit kailan, hinding hindi ako magpapakasal sa anak mo!" sabat ko sa usapan nila ni Mama.
Tinignan niya ako ng may pagkamataray na mukha pero nginisian ko pa rin siya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ka ng anak ko, samantala kakaiba naman pala 'yang ugali mo, Ozu Kang! Nagbago na ang isip ko. Umalis na tayo rito!"
Mabilis silang umalis. Parang naglaho nalang silang bigla rito sa bahay namin.
Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa.
"Nagpapatawa ba siya??" sabi naman ni Witch habang napapailing.
"Tss, akala ko ikaw na naman ang may pakana nito." tinitigan ko lang si Mama ng masama at inirapan.
"Lumabas na tayo rito." utos naman ni Ate Mimi kaya dumeretso na kami ngayon sa kuwarto ko.
"Pinuno, mukhang sikat ka na ngayon, ah? Pinag-aagawan ka na ng mga babae!" kantsaw ni Darren sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo nga! Grabe, naiinggit ako sa 'yo, dre." sabi naman ni Zyren kaya ngumisi na ako.
"Tumigil nga kayo! Kahit kailan hinding hindi ako magpapakasal sa mga 'yon. Magpapakasal lang ako sa taong gusto ko at hindi sila ang masusunod."
"Si Melanie ang tinutukoy niya." sabat naman ni Ezikiel kaya hindi na ako kumibo.
Pinaalam na sa kanila nina Ate Mimi ang tungkol sa pagpapalit mukha ni Pangit. Alam na nila ang lahat kaya wala na akong maitatago pa sa kanila.
"Aalis muna ako." Sabay lumabas na ako ng kuwarto ko.
"Teka Ozu! Saan ka pupunta?!" pahabol pang tanong ng mga Ate pero hindi ko na sila nilingon, basta derederetso na lang akong umalis.
*****
Mabilis kong narating ang puntod ng mga magulang ni Pangit. Hindi ko alam kung bakit dito ko ginusto na i-relax ang sarili ko ngayon.
Pero nagulat ako sa nakita ko. May bulaklak dito sa ibabaw ng lapida ng mga magulang niya na sa tingin ko kalalagay lang nito ngayon dito.
Mabilis kong tinignan ang kapaligiran pero wala namang tao.
"Crystal?!" tawag ko sa pangalan niya dahil alam kong siya lang naman ang puwedeng maglagay no'n dito. Wala naman kasing ibang puwedeng bumisita rito kundi kami lang dalawa.
Tumakbo na ako papalabas, nagbabakasakaling maabutan ko pa siya. "Crystal!"
Pero laking gulat ko ng hindi siya ang makita ko ngayon dito, "Mama?" sambit ko dahilan para lingunin niya ako.
Papasakay na sana siya ng kotse niya pero natigilan siya.
"Ozu? Anong ginagawa mo rito?" gulat niya ring tanong ng makita ako rito.
Gulat tuloy kaming magkatitigan ngayong dalawa. "Kayo ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa n'yo rito?" seryoso kong sabi.
"May binisita lang ako." Sagot niya ng may pag-aalinlangan kaya may biglang pumasok sa isipan ko.
"K-k-kayo ba 'yung naglagay ng bulaklak sa puntod malapit sa may bench?" utal kong pagkakatanong dahil wala naman akong ibang nakitang may bulaklak malapit do'n. Isa pa, wala naman ibang tao rito ngayon kundi kami lang dalawa.
"Bakit? Oo, ako nga. Sino ang pinupuntahan mo rito?"
Hindi ko alam kung bakit parang nagkakatanungan na kaming dalawa. "Mga magulang ni Crystal ang nando'n. Kaano-ano mo sila?" balik kong tanong sa kanya.
"A-a-anong sinabi mo?" halos manlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya sa nalaman niya.
"Sagutin n'yo ako Mama! Kaano-ano mo sila?!" halos mapasigaw na ako dahil parang hindi na siya makakibo matapos kong ibulgar na mga magulang ni Crystal ang mga nakalibing do'n.
Biglang napalihis 'yung tingin niya sa akin.
"K-Kakambal ko siya."
Halos mapako ako ngayon sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon mula sa kanya, "A-a-ano? Anong ibig ninyong sabihin?"
Mas nagulat kami sa isa't-isa ng mapagtanto namin ang parehong nabubuo sa isipan naming dalawa.
"Mr. Don, please, umalis na tayo rito." nagmamadali niyang sabi kaya naiwanan ako ritong mag-isa ngayon.
Nakita ko pa ang ginawang pag-iyak ni Mama bago niya tuluyang isarado ang kotse niya kanina.
Naging bato ako sa nalaman ko.
"Pinsan ko si Crystal?" bigkas ko.
Halos mapaluhod ako sa lupa. Hindi ako makapagsalita. Natulala ako at unti-unti nilalamon ako ng pagkawala sa sarili ko. "Hindi puwede..."
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...