Chapter 12
Balat's Point of View
Nanunuod ako ngayon ng tv nang biglang may kumatok sa pintuan ng bahay namin. Inutusan ako ng nanay ko na pagbuksan ko raw iyon kaya napanguso ako.
Istorbo naman kasi, eh. Ang ganda ganda na kaya ng palabas. Nandoon na eh! Maghahalikan na iyong mga bida.
Tumayo nalang ako at sumunod. Baka kasi mamaya, mabungangaan pa ako ni nanay.
"Sino 'yan?" agad kong binuksan 'yong pinto.
Nagulat ako nang siya iyong makita ko.
"Bestfriend..." sabi niya.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tinanggal ko na rin iyong makapal kong eyeglasess. Pinunasan ko ito para makitang maigi kong hindi ba ako nagkakamali sa nakikita ko ngayon.
Nung una, hindi pa ako makapaniwala. "Bebang? Ikaw ba yan?" tanong ko.
"Oo. Sino pa ba? Wala naman akong ibang bestfriend 'di ba? Ikaw lang." matamlay niyang sabi habang papatulo na iyong mga luha niya.
"Eh? Ano ba'ng nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Para akong nakakita ng isang babaeng ginahasa.
"Na rape ka ba?" dugsong ko. Binatukan niya ako bigla.
"Araay! Ang sakit no'n ah?" Tinapik ko nang tatlong beses iyong ilalim ng baba ko sabay nguso.
"Hindi ako na rape noh!" turan niya.
Napakamot naman ako ng ulo. "Sorry na. Akala ko kasi eh."
Tumango siya. "Puwede ba'ng dito muna ako? Doon tayo sa kuwarto mo." pagyayaya niya kaya pinatuloy ko na siya.
Ako si Balat Zamora, ang kaisa-isang girl-nerd bestfriend ni Bebang. Since kinder magkaibigan na kaming dalawa.
Magkaiba nga lang ang pinapasukan naming school sa ngayon dahil nakapasa siya ng scholar sa Kang Academy samantala ako bumagsak doon.
Nagkahiwalay tuloy kaming dalawa ng school ngayon.
Madalas din akong binubully pero palaban din ako. Sinusugod ko lahat ng mga nang-aapi sa akin. Amazona din kaya ako!
Nang makapasok kami rito sa loob ng maliit kong kuwarto, nagulat ako sa mga sinabi niya kaya biglang nag-usok 'yong ilong ko.
"Anong sinabi mo?! Ginawa nila sa iyo 'yon?!" Napalakas na iyong boses ko at pagkatapos napatayo pa ako.
"Kakalbuhin ko 'yang si Moira na 'yan kapag nagkita kaming dalawa! Tapos iyang mga King na iyan, ipapabugbog natin 'yan sila rito sa mga tropa kong tambay!"
Medyo nanlilisik na 'yong mga mata ko sa galit. Ayokong inaapi ang bestfriend ko e.
"Oy, bestfriend? Umupo ka nga." hinila niya ako paupo sa kama kaya nadala ako.
"Hindi mo sila kaya." bigla siyang napanguso kaya napangiwi naman ako.
"Kaya natin 'yon! Ano ka ba? Amazona kaya itong bestfriend mo." umirap ako ng mga mata ko sabay nagcross arms.
"Hindi." Aniya.
Aba! Makikipagtalo pa yata siya.
"Kaya!!" sigaw ko.
"Hindi." ulit niya.
"Kaya!!" pagpupumilit ko.
"Hindi." napapout na siya.
"Kaya nga natin e. Ang kulit mo naman!!" umusok na ilong ko.
"Hindi nga! Masyado silang malakas." pagpupumilit pa rin niya kaya binatukan ko na siya.
"Aray ko!" angal niya. Napahawak siya sa baba niya. Ganyan kasi kaming magmahalang dalawa, nagbabatukan.
Tinignan ko siya ng masama.
"Ano ba talaga? Kaaway mo ba sila o pinagtatanggol mo sa akin? Pambihira ka naman bestfriend! Tinutulungan na nga kita. Madali lang ipabugbog 'yong mga iyon diyan sa mga tambay dito sa kanto."
Bigla naman niya akong pinitik sa noo kaya napahawak ako rito. "Aray! Nakakailan ka na, ha?"
"Hindi mo kasi naiintindihan. Makapangyarihan kaya sila kong alam mo lang." Napaisip ako bigla sa sinabi niya.
"Makapangyarihan? It means, may power gano'n?"
Mukhang na buysit na siya.
"Hay! Ano ba? Ibig kong sabihin, mapera, mayaman, makapangyarihan. Lahat nagagawa nila. Lahat kaya nilang bilihin. Kahit nga ikaw, siguro, kaya ka nilang mawala rito sa mundo. Gets mo na?"
"Ah, hindi mo naman kasi nilinaw, eh. Anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam." Humiga siya sa kama ko kaya humiga na rin ako.
Bebang's Point of View
Nang mahiga ako sa kama ni besplen, biglang pumasok sa isipan ko iyong ginawa sa akin ni Ozu Kang kanina.
Bakit kaya niya ako sinuotan ng jacket kanina? Para saan naman 'yon? Naaawa ba siya sa akin? Meron ba siya non e ang sama sama kaya niya sa akin.
Hay, erase! 'Wag mong isipin 'yon Bebang. Siya iyong pinakaunang tao na pinaka hate mo sa mundong 'to!
"Ano naman 'yang iniisip mo?" tanong ni Balat nang mapansin niyang tumahimik ako habang nakatingin sa kisame.
"Alam mo ba'ng sa mga King, mayroon akong isang naging kaibigan sa kanila?" kuwento ko sa kanya tapos parang naging interesado siya.
"Talaga?"
"Oo. Napakaguwapo niya, matangkad, matangos ang ilong, maputi. Lahat nasa kanya na at higit sa lahat, napakabait niya. Sobrang bait niya. Kaya lang.." napayuko ako sabay nguso.
"Kaya lang ano?"
Naghihintay siya sa sasabihin ko. "Boyfriend siya ni Moira." napatingin ako sa kanya.
"What? Really?" tumango ako.
"Oo. Kaya nga, 'yon 'yong sa palagay kong dahilan kung bakit ginawa sa akin ni Moira 'yon kanina." Baka kasi gusto niyang layuan ko si Ezikiel. Boyfriend nga niya kasi.
"Kung gano'n, ibig sabihin, hindi lahat ng king masama. Tama ba?"
"Yup." Tumango ulit ako.
"Pero nasaan na siya ngayon?"
Naging interesado yata talaga itong si Bestfriend.
Napabuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot. "'Yan ang hindi ko alam. Two days na nga kaming hindi nagkikita at hindi ko na siya makontak."
Nilabas ko bigla iyong cellphone na binigay sa akin ni Ezikiel kaya nagulat itong si Bestfriend.
"Woah! 'Wag mong sabihin na sa kanya iyan galing?" Inabot ko sa kanya ang cellphone at tumango lang ako. "Mukhang mamahalin." kinuha niya ito at tsaka hinawakan at pinindot pindot.
"Dinadala ko 'yan palagi kasi baka sakaling tumawag siya bigla."
"Gano'n ba? Pero, nakakapagtaka lang, ha? May dala ka ba'ng bag?"
Matapos niyang tanungin 'yon, bigla akong napaisip, tapos tinignan ko naman 'yong likuran ko kung may nakasakbit ba'ng bag dito.
Nanlaki 'yong mga mata ko matapos ay napatakip pa ako bigla ng bibig ko.
"Huy, 'yong bag mo sa school 'yong ibig kong sabihin, Bestfriend." sabi niya. Paano kasi, nanigas na yata ako rito sa pagkakaupo ko.
"B-bestfriend. Patay!" Napapikit ako ng mga mata ko at napatakip ng mukha.
"Bakit?" tanong niya. Nagtataka na rin kasi siya.
"Naalala ko kasing na kay Ozu Kang iyong bag ko kanina. Nasa loob no'n 'yong diary ko!"
Nanlaki rin 'yong mga mata niya. "A-a-ano? 'Yong diary mo kamo??"
Nagulat rin siya. Nagkatitigan kami dahil alam namin pareho kung anong nilalaman no'n. Patay ako kay Ozu Kang kapag nabasa niya 'yon!
"Aaaaaaah!!!!" sigaw namin pareho.
Votes & Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...