Chapter 9

102K 3.8K 74
                                    

Chapter 9


Bebang's Point of View

Hindi talaga ako makapaniwala na takot si Ozu sa ipis. Natatawa pa rin talaga ako hanggang ngayon kapag naiisip ko iyong mga pangyayari kanina.

Tumagilid ako mula sa pagkakahiga ko nang bigla kong makita iyong cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Bigla ko tuloy naalala si Ezikiel. Bumangon ako at kinuha ko ito. "Kumusta na kaya siya? Maghapon kaming hindi nagkita."

Naisipan kong tawagan siya at nagri-ring naman ang phone niya.

"Please, Ezikiel, sagutin mo." Nagdadasal na rin ako na sana sagutin niya. Gustong gusto ko na kasi siyang makausap.

Nagulat ako nang bigla nga niya itong sagutin. "Ezik—" Pero naihinto ko ang pagtawag ko sa pangalan niya nang marinig ko ang boses ni Moira sa kabilang linya na sinasabihan siyang 'I love you, Ezikiel' pero ang mas ikinagulat ko ng sobra ay ang mag 'I love you, too' rin siya kay Moira.

Kusa ko nalang naibaba 'yong cellphone ko matapos kong marinig ang lahat nang 'yon. Napayuko nalang din ako at napawi ang mga ngiti ko.

Kumirot din ng bahagya ang puso ko. Kung sabagay, bakit ba naman kasi ako umaasa na mapapansin niya ako? Siya na mismo ang nagsabi na magkaibigan lang kaming dalawa.

Napakahirap talagang umasa.

Nanggilid nalang bigla ang mga luha ko. Tapos nagpatugtog pa itong ichusera naming kapitbahay na konektado sa nararamdaman ko ngayon. Mas lalo tuloy akong napa-emote.

"Bebang! Ano ba? Magpatulog ka nga!" sumigaw si tiyahing bungangera kaya tinakpan ko nalang itong bibig ko.

Alam niyo iyong super sakit na umasa ka na magiging crush ka rin ng crush mo? Pero hindi talaga e. Napakalayo talagang mangyari ang bagay na 'yon.

Hanggang pangarap ko nalang talaga 'yon. At ang pinakamahirap pa, 'yong iiyak ka pero hindi mo maibuga ang lahat dahil nakatakip ka ng bunganga.

Kinabukasan.

Naglalakad ako rito sa pasilyo ng campus ngayon pero lutang na lutang ako. Wala ako sa sarili ko ngayon dahil sa puyat na puyat ako. Wala ako sa mood dahil sa buong gabi ko iniisip kagabi si Ezikiel.

Sa pagkakatanda ko, hindi na nga yata ako naligo at hindi na rin nagtoothbrush. Basta nagbihis nalang ako matapos ay naglakad na papunta rito sa campus. Hindi pa nga yata ako kumakain. Hindi na nga rin yata ako nagsuklay. Sigurado akong pangit na nga ako, mas pumangit pa ng sobra.

"Ayon si Pangit! Batuhin!"

Nakikita kong pinagpupulungan nila ako ngayon. Nararamdaman ko rin na binabato nila ako ng itlog at harina.

Aware naman ako sa mga nangyayari ngayon sa paligid ko pero hindi ko talaga magawang maging malakas ngayong araw. Hindi ko magawang lumaban sa mga utusang estudyante ni Ozu para pagtrip-an ako.

Pakiramdam ko talaga na wala akong kahit na anong lakas. Pero sinusumpa ko na once na makapagmove on ako kay Ezikiel humanda kayo sa akin.

'Yun nga lang, nag-uumpisa pa lang akong magmove-on ngayon. Kailan bai to matatapos?

"Hoy! 'Di ba matapang ka ha, Pangit?! Lumaban ka ngayon!"

"Oo nga! Lumaban ka!!"

"Baka nasiraan na siya ng ulo!"

"Hahahaha!"

"Pangit na nga, baliw pa!"

"Batuhin natin siya! 'Wag natin tigilan!"

Nanghihina na ako.

Puwede kaya akong makiusap sa kanila ngayong araw na, 'wag muna nila akong apihin ngayon? Pakiramdam ko kasi tutumba na ako. Umiikot na ang paningin ko. Naiiyak na rin ako. Hindi ba sila marunong makiramdam at maawa? Ngayong araw lang naman e.

"Ito ang nararapat sa iyo!"

Bumagsak ako sa sahig nang maramdaman ko'ng may kung anong bagay ang tumama sa mukha ko. Mayamaya pa, nandilim na nang tuluyan ang paningin ko—








Votes & Comments are highly appreciated.

Author's note: Super naging maiksi ang part na ito dahil sa pag-edit ko. Pasensiya!

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon