Chapter 67

72.2K 2.5K 23
                                    

Chapter 67


Ozu's Point of View

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nakatitig ako sa mukha niya pababa sa labi nya.

Ano ba 'tong ginagawa ko?

Tandaan mo 'yung sinulat mong rule number one Ozu Kang. Bawal siyang mainlove sa 'yo pero bakit parang ako 'yung nahuhulog?

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa labi niya, lalo na at nakapikit na siya.

Parang biglang nanuyo 'yung lalamunan.

Pinikit ko na ang mga mata ko para mahalikan siya pero biglang tumunog ang cellphone niya.

Napapikit tuloy ako ng mariin. Istorbo! Nagsalubong tuloy ang dalawa kong kilay.

Umalis na ako sa harapan niya at pumasok na ako sa loob ng kotse.

Ilang minuto rin siyang may kausap sa cellphone.

"Ozu Kang..." sambit niya nang nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kotse.

"Oh? B-b-bakit?"

Damn! Bakit nauutal na naman ako?

Tinitigan niya muna ako tapos bigla siyang ngumiti. "Nagnumber one raw ako sa ranking ng teen magazine! Wohoo!" sigaw niya.

"Talaga? Hindi nga?" halos magulat ako sa ibinalita niya. Tuwang tuwa kaming dalawa.

"Oo, tumawag sa akin si Mr. Brandon."

"Then, congrats!"

"I'm sure matutuwa sina Ate Mimi nito. Tara na! Umuwi na tayo."

"Sige."

Nag-akma akong paandarin ang kotse pero bakit parang—"Bakit? Anong problema?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam." sagot ko.

Pinapaandar ko pa rin at sinubukan pero bakit gano'n? "Ayaw umandar, tch! Pahiram nga ng phone mo tatawagan ko 'yung driver ko." biglang nag-init 'yung ulo ko.

Kinuha ko agad 'yung phone niya na inaabot niya sa akin at agad tinipa 'yung number pero—"Sorry, hindi sapat ang iyong load balance para makatawag. M—"

Mas lalo yatang nag-init 'yung ulo ko dahil sa narinig ko.

"Ano ba 'yan?! Itapon mo na nga 'yang cellphone mo ubos na 'yung load!"

Bigla kong binato 'yung cellphone niya sa likuran dahilan para magalit siya.

"Ozu Kang ano ka ba?! Bakit mo tinapon?!"

Lumipat siya sa likuran at kinuha 'yung cellphone niya. "Nakakainis ka Ozu Kang! Nasaan ba 'yung cellphone mo? Bakit hindi 'yon ang gamitin mo?!" nairita na rin siya.

"Hindi ko dala!" pagsusungit ko.

"Ano? Hay grabe! Paano na tayo niyan?"

"Mangutang ka ng load. *143#."

"May utang pa ako."

"What? Millionarya ka na, nagkakautang ka pa?!" napahampas ako sa noo ko sabay pikit ng mga mata.

"Aksidente ko kasing nagamit. Pakialam mo ba?! Tch, paano na tayo niyan? Dito ako sa likod uupo."

"Bakit diyan ka?! Ano? Gagawin mo akong driver mo?!"

"Bakit? Hindi naman umaandar ah? Isa pa, baka mamaya kung anong gawin mo s—" pinutol niya 'yung sasabihin niya.

Napasapo nalang ako ng noo. "Nakakainis! Bakit ba kasi nasira 'tong kotse na 'to??" sinuntok ko 'yung manibela.

"OMG! Ozu Kang, tignan mo may jeep na paparating!" excited niyang pagkakasabi.

"JEEP??" sambit ko.

"Oo, puwede tayong sumakay do'n para makauwi, kaysa naman magpaumaga tayo rito."

"Never pa ako sumakay do'n. Ayoko!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang arte mo! Bahala ka iiwan kita riyan." Bumaba na siya ng kotse.

Nakita ko sa side mirror na mayroon ngang jeep na paparating at mukhang ipapara talaga 'yon ni Pangit.

"Grabe! Seryoso talaga siya? Sasakay siya ro'n?" iritable kong pagkakasabi.

"Hoy Ozu Kang! Halika na! Ipapara ko na 'to."

Nang makalapit na 'yung jeep pinara nga niya. "Kuya, pasakay po, meron pa ba?" sabi niya sa driver.

Eh, nakita kong iba 'yung titig nung driver sa kanya kaya bumaba agad ako sa kotse.

Tinitigan ko rin 'yung driver na parang sinasabing gusto mong mawalan ng mga mata?

"Ah, oo miss, mayroon pa." Natakot din yata 'yung driver sa akin dahil mabilis niyang inalis 'yung pagtitig niya kay Pangit.

"Ozu Kang, sumakay na tayo sige na." pagpupumilit ni Pangit kaya wala na akong nagawa pa.

"Oo na!"

Nang makasakay kami sa loob ng jeep nahuli kong patingin tingin pa rin itong driver kay Pangit kaya napagdesisyunan kong magpalit kami ng puwesto.

Pareho kasi kaming nasa unahan pero nasa likod siya ng driver at nasa tapat naman niya ako.

"Dito ka." Ani ko.

"Ha? Bakit?" pagtataka niya.

"Basta dito ka."

Mabuti naman at sumunod siya. At mabuti na rin na tumigil na iyong driver kakatitig sa kanya dahil kung hindi masusuntok ko talaga ito.

Hanggang sa biglang may sumakay na pito dahilan para sumikip dito.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon