Chapter 59

76.5K 2.7K 65
                                    

Chapter 59


Nang patuloy akong nakatitig sa kalangitan biglang may nakita akong falling star. At dahil sa tuwa ko napatayo ako. Pero sa pagtayo kung 'yon, hindi ko inaasahang madudulas ako kaya napasigaw ako.

"C-Crystal!!" napapikit nalang ako pero hindi ko inaasahang masasalo ako ni Ozu.

Pero ang nakakatuwa don na out balance rin siya dahilan para lumagapak kami ng sabay sa sahig dalawa.

"Araay!"

"Ang sakit!"

Pagbangon namin nagkatinginan kami sabay tawa. "Hahaha!" pero mayamaya pa nagkatitigan kami sa 'di inaasahang pagkakataon.

Tapos napalunok ako ng laway dahil unti-unti niyang nilalapit 'yung mukha niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako at naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa labi ko.

(Now Playing: SILA by Sud)

Kinaumagahan, ang lalaki ng mga eyebags ko.

"Hay, ang sarap ng tulog ko. Ikaw ba Tiya?" rinig kong sabi ni Balat kay Tiya.

"Oo naman napakasarap. Eh, ikaw pamangkin ko? Kumusta ang pagtulog mo?" tanong naman ni Tiya sa akin.

"Huy Bestfriend? Okay ka lang?"

Hindi ako nakasagot. Tumango lang ako sabay tayo. "Ligo lang ako." pag-iiba ko sa usapan nila sabay na naglakad na parang robot papasok ng banyo. 

Pagharap ko sa salamin tinignan kong mabuti ang repleksyon ko. Sinampal sampal ko na rin ang magkabila kong pisngi.

"Crystal? Gumising ka! Hindi maaari 'to! Ang lakas ng tibok ng puso ko paano ko mapipigilan 'to? Hindi puwede! Gumising ka Crystal! Hindi ka puwedeng mainlove kay Ozu Kang. Hindi puwede!" sigaw ko.

"Hoy Bestfriend! Anong nangyari sa'yo riyan sa loob?" sigaw naman ni Balat mula sa labas. Baka narinig nila ako.

"Ha? Ahaha! Wala nagpapractice lang ako ng voice ko. Ehem.." pagsisinungaling ko.

"Ah okay! Akala namin kung napaano ka na eh."

"Hindi! Okay lang ako rito!" pagkakuha ko sa towel ko rito nalang ako sumigaw ng malakas na malakas dahil may kilig talaga akong nararamdaman.

"Aaaaah! Bakit ba ako nakipaghalikan sa kanya?!"


*****


Ozu's Point of View

Bigla akong napabangon sa kama ko. "Hay! Mababaliw na talaga ako! Wala pa akong tulog, tch! Paano kung magkita kami mamaya? Anong sasabihin ko? Baliw ka talaga Ozu Kang! Bakit mo ba naman kasi siya hinalikan?!"

Tumayo ako at pabalik-balik sa paglalakad. Punta rito, punta roon. Lakad dito, lakad doon. Sinasabunutan ko na rin ang sarili ko. "Hay! Nakakabaliw!" sigaw ko.

Nang biglang may kumatok."Young master!"

Nanlaki bigla 'yung mga mata ko. 'Yung driver ko 'yon. Napatingin lang ako sa pinto.

"O-o-oh? Bakit?!" Freak! Nauutal ako.

"Nasa baba na po sila Miss Crystal at hinihintay kayo."

Ano raw si Crystal? Marinig ko palang ang pangalan niya nakakabaliw na. Makita ko pa kaya?

Hindi ko siya pinagbuksan ng pintuan kundi dinikit ko lang 'yung tenga ko roon.

"Ah, g-g-gano'n ba? Sabihin mo masama ang pakiramdam ko. Oho! oho! oho!" pagkukunwari ko.

"Okay po, tawagan n'yo nalang po ako kung may kailangan kayo."

"Okay sige, oho! oho! oho!" diniinan ko na ang pag-ubo ko para mas maiparating niyang malala ang sitwasyon ko.


*****


Crystal's Point of View

Nasa baba na kami at hinihintay dito si Ozu Kang sa harap ng hapagkainan.

"Miss Crystal, masama raw po ang pakiramdam ni Young master kaya mauna nalang daw po kayong magbreakfast." sabi nung driver niya kaya nagulat sina Tiya at Balat.

"Ano po? May sakit si Ozu?" ani Balat.

"Gano'n na nga po." sagot nito samantala na tahimik lang ako.

"Naku pamangkin, puntahan mo na si Ozu Kang doon. Ano pang inuupo-upo mo riyan? Papahatiran nalang namin kayong dalawa ng pagkain doon. Kaya na namin dito ni Balat. Alagaan mo siya at pagalingin ha? Lakad na." turan ni Tiya pero hindi ako umimik.

May sakit ba talaga siya? Baka nagkukunwari lang 'yon e. Ang lakas lakas pa kaya niya kagabi.

"Napagod siguro siya kahapon." pag-aalala naman ni Balat.

"Crystal, ano ba?! Ano pang inuupo-upo mo riyan? Puntahan mo na si Ozu Kang doon!" sigaw ulit ni Tiya.

Pero tinatamad pa rin akong tumayo.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Parang ayoko  kasi muna siyang makita e matapos ang mga pangyayari kagabi. "P-p-pero po..."

"Wala nang pero pero lumakad ka na!" pamimilit niya kaya wala akong nagawa.

Nakakainis naman. Matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi pa ako handa na makita siya. Ano ng gagawin ko?

"Sige na Bestfriend, unahin mo na si Ozu. Kaya na namin dito ni Tiya."

Pati ba naman siya? Iiyak na ako nito!

"Sigurado kayo?" ani ko.

Please, sabihin ninyong hindi!

"Oo. Lakad na." Tinulungan pa nila akong tumayo kaya wala na talaga akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanila.

Nangangatog na 'yung mga tuhod ko. Hindi pa ako handa na makita siya.


Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon