Chapter 32

100K 3.6K 51
                                    

Chapter 32

Crystal's Point of View

Lumipas na ang isang buwan kung kaya't nandito na kami ngayon sa Philippine airport.

Mula pagbaba namin sa eroplano hanggang sa makarating kami rito sa Hotel, hindi ako tinatantanan ng mga tao sa pagtitig nila sa akin.

"Masanay ka na simula ngayon. Lalo na't nasa pilipinas na tayo." bulong ni Ate Mini sa akin kaya tumango nalang ako.

Now I know kung anong pagkakaiba ng maganda ka or pangit ka sa paningin ng mga tao. Kapag pangit ka deadma, pero kapag maganda ka, sikat ka!

Patuloy lang kaming naglalakad papasok sa hotel.

Nang biglang sumagi sa isipan ko si Ozu. Bigla tuloy akong napangiti.

Akala niya kasi sa susunod na buwan pa ang uwi namin kaya sigurado akong nagmamarka na naman siya ngayon sa kalendaryo.

Kinaumagahan.

Magara ang kasuotan ko ngayon. Naka shades ako, di-kotse, maganda, sexy, at higit sa lahat mayaman.

Nandito ako ngayon sa Cafe La Tea. Nakaupo ako sa sulok habang kumakain.

Na miss ko ang pagkaing pinoy. Bago nga pala ako mapunta rito may mga dinaanan muna ako kanina.

Nagbalik tanaw ito sa akin ngayon.

Inuna kong puntahan si Tiya.

Nakatayo lang ako sa tapat habang pinagmamasdan ko ang bahay niya.

Ang dati kong tirahan.

Kahit na pinabago niya ang itsura nito, nandito pa rin ang lahat ng memories ko nu'ng bata pa ako, nu'ng pangit pa ako, at nu'ng inaalila pa niya ako pati ng mga kapitbahay ko.

Alam kong pinagtitinginan ako ngayon ng mga dati kong chismosa at itchuserang mga kapitbahay. Pero hindi ko nalang sila pinapansin.

Basta gusto ko lang alalahanin lahat ng memories ko rito noon.

Pangit man o maganda.

Nang biglang may kumulbit sa akin. "Hija, kanina mo pa pinagmamasdan ang bahay ko. May problema ka ba sa kulay?"

Kilala ko ang boses na 'yon kaya't nilingon ko. Nagulat ako ng siya iyong makita ko. Sabi na nga ba si tiya 'yon.

Gusto ko na siyang yakapin pero kailangan kong magpigil.

"Napakaganda mo naman pala. Bakit napunta ka sa lugar na 'to, huh?" tanong niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Nangigilid 'yong mga luha ko.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kaya't napayakap nalang ako sa kanya.

"Hala! Hija, 'wag mo akong yakapin dahil mabaho ako." pagpupumiglas niya kaya napabitaw ako sa kanya.

"P-p-pasensya na po. Pasasalamat ko nalang po ang pagyakap sa inyo dahil sinabihan n'yo po ako ng maganda." pagpapalusot ko.

Gusto ko nang umiyak pero nagpipigil lang talaga ako kaya't pinagmasdan ko na lang siya.

"Ah, gano'n ba? Akala ko naman may sakit ka eh, sakit na nangyayakap ng tao. Ano ba'ng dahilan mo at naparito ka? Kung balak mong bilhin ang lugar ko na ito, e pasensya ka na, kahit maganda ka pa ano?"

Matanda na si tiya. Naluluha tuloy ako pero talagang pinipigilan ko lang.

"Ah, 'wag po kayong mag-alala, talagang napatingin lang po ako rito."

Hindi ako nagpahalata. Nginitian ko nalang siya ng bahagya.

"Mabuti naman kung gano'n. Hinding hindi ko kasi ipagbebenta ang lugar na ito dahil marami akong memorya rito kasama ng pamangkin ko."

Bigla akong napatitig sa kanya. Nagulat ako sa narinig ko.

"Kahit naman na nag-asawa na siya ng mayaman e hindi ko makakalimutan ang batang 'yon. Naghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Oh siya, maglilinis pa ako . Mauuna na ako sa 'yo, ha?"

Pumasok kaagad siya sa loob.

Umalis na rin ako roon at pumasok na ako sa kotse sabay iyak ko.

Hindi ko inaasahan na hinihintay niya pala ako. Hindi ko alam na may pagmamahal rin pala sa akin si tiya.

Nang magpunta naman ako sa bahay nina Bestfriend nakatayo lang ako sa tapat ng bahay nila at pinagmamasdan ang kabuuan nito.

Gusto ko siyang makita. Nandiyan kaya siya?

"Uy! Gandang chicks oh!"

Biglang may sumipol sa aking mga tambay pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Hi miss! Ako ba'ng hanap mo?" sabi ng isa sa kanila matapos ay nagtawanan sila.

"Ang sarap niyan kong titikman!"

Nang biglang may nagbuhos ng tubig doon sa mga lalaking bastos kaya nagulat ako. "Hoy! Magsialis nga kayo rito! Ang babastos niyo, ah? Alis!"

Oh my g—! Si Balat, ang bestfriend ko.

Napangiti ako ng ipagtanggol niya ako.

Gusto ko na siyang yakapin. Nakatitig lang ako sa kanya ngayon. Nangigilid na naman ang mga luha ko.

"Miss, ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ka na babagay sa lugar na ganito kaya ang mabuti pa, umalis ka nalang." turan niya pero nakatitig lang talaga ako sa kanya.

Gusto ko na siyang batukan kagaya nang gawain namin dati pero hindi ko magawa.

"Ah, Salamat! Salamat sa pagligtas mo sa akin." sabay hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.

Nailang siya sa ginawa ko. "Wala 'yon. Bakit ba na padpad ka rito? May hinahanap ka ba?"

Pilit siyang bumitaw sa pagkakahawak ko. Nag-aalangan siguro siya.

"Ha? Wala naman. Puwede ba kitang maging kaibigan? Napakabait mo kasi." nakangiti kong sabi.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang pa.

"Ano ka ba? Tignan mo nga iyang itsura mo sa itsura ko. Maganda ka, pangit ako, kailanman hindi tayo puwedeng maging magkaibigan, okay?" sabay talikod niya.

"Hindi naman nasusukat ang pagkakaibigan sa itsura. Ah, basta! Magkaibigan na tayo, ha?" pagpupumilit ko at sinundan ko siya.

"Hay! Sige! Ikaw ang bahala. Pero lugi ako kapag magsasama tayo, sigurado akong magiging mukhang chimay mo lang ako no'n." pagbibiro niya.

Gusto ko nang umiyak dahil pumayag siya, e. Miss na miss ko na itong bestfriend ko na 'to.

"Hindi naman." nginitian ko siya.

Nagpipigil lang akong yakapin siya.

"'Yan ang gusto mo e, ikaw bahala." matapos niyang sabihin 'yon napangiti talaga ako ng husto. Ang saya-saya ng araw ko.

Pagkatapos ko sa bahay nina Bestfriend, puntod naman nina Mama at Papa ang binisita ko.

"Wow! Mama? Papa? Kumusta po kayo rito? Ako po ito, ang anak ninyong pinaka maganda sa paningin ninyo, si Bebang po."

Napangiti ako ng muli ko silang makita.

"Hmm... mukhang may nag-aalaga sainyo, ah? Sino po gumagawa nito dahil gusto ko po kasi siyang pasalamatan?"

Umupo ako sa tabi ng puntod nila.

"Tignan n'yo po at may bahay na kayo? Nga pala, nagustuhan n'yo po ba ang bago kong itsura ngayon? Maganda na po ba ako? Pasensya na Mama, Papa, kahit hindi na tayo magkamukha ngayon, ako pa rin naman po ito ang anak ninyong si Melanie at hinding hindi po magbabago 'yon."

Nanggilid ang mga luha ko. "Na mimiss ko na po talaga kayo."

Ipinagtirik ko sila ng kandila at inalayan ko ng mga bulaklak.

Nakatingin lang ako sa puntod nila habang inaalala 'yong mga panahong kasama ko pa sila noong bata pa ako.





Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon