Chapter 45
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko matapos niyang sabihin 'yon.
"Ayaw mo ba?" ulit niya kaya mabilis na bumalik 'yung nawawala kong kaluluwa sa katawan ko.
"Ha? H-h-hindi naman." Biglang lumalim 'yung iniisip ko.
"Paano na 'yung rules namin ni Ozu?" wala sa sarili kong sabi.
Tapos bigla kong tinakpan 'yung bibig ko. Patay! Narinig niya kaya?
"Ang tanga mo Crystal! Bakit mo binanggit sa kanya 'yon?" turan ko sa sarili.
Sinasampal ko 'yung bibig ko. Lagot ako kay Ozu!
"May rules kayo ni Ozu?"
Hala! Naiiyak na ako. Narinig niya nga.
"Uh, wala 'yon. Wala naman akong sinabi 'di ba?" todo pagtatangggi ko sa kanya.
Sana maniwala naman siya kundi mananagot talaga ako nito kay Ozu.
Nang bigla siyang tumawa kaya sapilitan ang pagngiti ko sa harapan niya.
Napaisip tuloy ulit ako. Ang daldal ko talaga. Nakakainis! Paano na 'to?
"Hindi naman niya malalaman kung ililihim natin?" nagkatitigan kaming dalawa matapos niyang sabihin 'yon.
"Eh?" naguluhan ako sa sinabi niya.
"Pagpapanggap lang naman ang lahat ng gagawin n'yo 'di ba?"
Lumapit siya sa akin unti-unti kaya napalunok ako. Sobrang pigil na 'yung hininga ko rito.
Ang lakas na ng kaba sa dibdib ko dahil sa ginagawa niya. Ano ba'ng gagawin niya?
Napapikit nalang ako.
*****
Sumigaw ako ng todo sa unan ng maalala ko 'yung binulong sa akin ni Ezikiel kanina.
"Bukas susunduin kita ng 4pm. See you." pagkasabi niya no'n bigla pa niyang ginulo 'yung buhok ko. Umalis siyang nakangiti at naiwanan naman akong nanigas doon kanina.
Akala ko hahalikan niya ako pero ayon pala may sasabihin siya.
Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi sumigaw.
Kinikilig ako dahil finally matutupad na 'yung pangarap ko.
Pasensya na Ozu kung lalabag ako sa rules natin pero minsan lang mangyari sa buhay ko 'to. Dati pinapangarap ko lang talaga 'to pero ngayon magkatotoo na.
*****
Ozu's Point of View
"Ano ba 'yung Pangit na 'yon? Bakit hindi siya nagrereply sa mga text ko?"
Kanina ko pa hawak ang cellphone ko at inaabangan ko siyang magreply.
(HOY PANGIT! SABI KO KUNG GISING KA PA BA?!!)
Nagsend na ulit 'yung message ko. Capital letters na para dama niyang galit na ako.
Ilang minuto pa ang lumipas hindi pa rin siya nagrereply. Ni hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko.
Talagang patay siya sa akin bukas.
Nang bigla namang may pumasok sa isipan ko na hindi maganda kaya napabangon ako sa kama.
"Hindi kaya, kaya hindi siya nagrereply kasi, kasi, may nangyaring hindi maganda sa kanya?" Napatayo ako.
"Hindi kaya, pinasok 'yung condo niya?" napakunot ang noo ko. "Hindi puwede 'yon puwede mangyari!"
*****
Crystal's Point of View
Kahit nakahiga na ako at nakatalukbong ng kumot o kahit pa nakapikit pa ng mga mata, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko na lalabas kami ni Ezikiel bukas.
Hindi na ako makapaghintay.
"Pangit! Nasaan ka?! Halughugin n'yo ang buong condo. Bilisan n'yo!"
Napaupo ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
Napaisip ako bigla. "Si Ozu Kang ba 'yon?" Biglang nanlaki 'yung mga mata ko.
"Pangit!!" sigaw niya mula sa labas.
"Si Ozu Kang nga!"
Ano naman kayang ginagawa niya rito ng ganitong dis oras ng gabi?
Hindi niya ako puwedeng makita na nakapangtulog ng ganito kanipis.
Nang bigla akong magulat ng may sumira sa pintuan ng kuwarto ko.
Bumungad sa akin si Ozu at nagkatitigan kami. Hindi ako nakapagsalita.
Nang bigla niya akong lapitan at yakapin kaya nabato ako sa kinauupuan ko.
"Akala ko kung ano nang nangyari sa' yo. Okay ka lang ba?" alalang-alala siya habang nakayakap sa akin.
Samantala parang nashocked ako dahil ang dami pa niyang pulis na kasama.
Halos mapuno ang buo kong kuwarto.
"Ozu Kang!!!" Pero bigla akong natauhan kaya hindi ko sinasadya na masuntok ang mukha niya dahil hindi ako sanay na niyayakap niya. "Lumabas kayong lahat!!"
Halos magulat ang mga pulis nang gawin ko 'yon kay Ozu kaya mabilis silang nagsipaglabasan
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...