Chapter 76
Mommy Fa's Point of View
Nang magkuwento ako sa kanya tungkol sa pagpunta ko sa bahay ng mga Kang kanina, bigla siyang nabilaukan. "Ano po? Bakit n'yo ginawa 'yon? Ma, naman!" angal ni Crystal, ang nagbabalik kong anak.
"Oh, bakit? Gusto ko lang naman kasing makita kung gaano ka guwapo si Ozu Kang. In fairness, ang guwapo nga niya! Alam mo bang sinagot niya ako kanina kasi ayaw niya raw magpakasal sa anak ko? Hindi niya alam na ikaw 'yon."
Halos mapahawak ako sa tiyan ko habang nagkukuwento. Samantala siya, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Bakit po kasi kayo pumunta do'n ng wala kong permiso? Paano na po 'yung plano ko?"
Natawa tuloy ako sa reaksyon niya.
"Naka costume naman ako nu'ng nagpunta do'n. Ikaw naman, oh! Eh, ano? Kailan mo pala balak magpakita sa kanilang lahat?" magkatapat na kami ngayong nakaupo dito sa sofa.
"Hindi ko pa po alam. Pero teka po? Kumusta po 'yung Mama ni Ozu Kang nang makita niya kayo? Buti po hindi niya kayo nakilala?"
"Naka costume nga ako 'di ba?"
"Sabi ko nga po eh."
"Huwag kang mag-alala anak, dahil sa matagal tayong hindi nagkasama, bawi ko na sa iyo 'yung matulungan ko ang pamilya ni Ozu Kang. Tutal naman naging kaibigan ko rin si Diana."
Ngumiti ako pero siya parang nalungkot. "Namimiss mo na si Ozu Kang noh?" kantsaw ko sa kanya na siya niyang ikinatango.
"Siyempre naman po. Pero hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa kanya, Ma." napayuko niyang sabi kaya nakaisip na naman ulit ako ng plano.
"Akong bahala." napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.
"Po??"
"Magtiwala ka lang sa akin, anak."
Crystal's Point of View
"Magtiwala ka lang sa akin, anak. Oh, siya! Magbibihis muna ako." tumango nalang ako sabay tingin sa kawalan.
Dalawang buwan ng nakakalipas simula ng huli kaming magkita ni Ozu. May nagbalik tanaw tuloy sa akin ngayon matapos ko siyang iwan no'n.
"Ito ang lumang picture ng Mama mo at Mama ni Ozu." nagulat ako ng makita ko ang picture na pinakita ni Tiya sa akin.
Nang mapasaakin 'to halos hindi ako makapaniwalang nakatitig dito. Magkahawig na magkahawig silang dalawa.
"Yung nasa kaliwa, siya si Diana, ang Mama ni Ozu. At 'yung katabi niya siya naman si Diane, ang tinuturing mong Mama, at magkakambal silang dalawa."
"M-m-magkapatid po sila?"
"Oo."
"Kung ganon, magpinsan po kami ni Ozu??"
"Hindi pamangkin. Sanggol ka pa lang no'n ng kuhain ka ng Mama Diane at Papa Roger mo sa kaibigan nilang nagngangalang si Adelfa Dela Cruz, at isa siyang anak mayaman na naanakan ng isang simple, mahirap, at pangit na si Daniel Lazaro. At sila ang totoo mong mga magulang, Crystal."
"Ampon po ako nina Mama Diane at Papa Roger?" halos hindi ako kumurap sa pagkakatitig ko kay Tiya.
"Gano'n na nga. Hindi kasi sila magkaanak no'n, at nagkataon namang kailangan kang itago ng totoo mong mga magulang sa publiko noong mga panahon na 'yon, at dahil 'yon sa lola at lolo mo sa side ng Mama Adelfa mo. Masyado silang malupit lalo na sa Papa mong si Daniel dahil hindi nila tanggap ang pagkatao niya para sa Mama mo dahil din sa itsura nito. Nagkita silang apat noon, at doon nagkaroon ng kasunduang hanggang sa kamatayan nila wala kang puwedeng malaman tungkol sa totoo mong pagkatao. Pero dahil sa malaki ka naman na, siguro tama lang na ipinaalam ko na sa 'yo ang katotohanan."
Muli akong inabutan ni Tiya ng isa pang picture kung saan litrato ng tunay kong mga magulang at karga pa nila ako nung baby pa ako.
Nang titigan ko ito, alam ko na kung kanino ako naging kumukha, sa tunay kong Papa na si Daniel Lazaro na isa ring pangit ang mukha. Pero ang tunay kung Mama na si Adelfa, maganda siya at mayaman.
"Alam mo bang ang Mama ni Ozu na si Diana at Mama mo na si Diane hindi sila magkasundo bata pa lang sila? Hanggang sa lumaki sila pinag-awayan nila ang tinuturing mong Ama-amahan na si Roger Dimakales. Pero dahil sa mas nagmamahalan sila ni Diane, kahit walang kayamanan ang mapunta sa kanya nagawa niyang iwan ang pamilya niya para sa Papa mo. Nakabuo sila ng pamilya sa pamamagitan mo at tinuring ka nilang higit pa sa tunay nilang anak. Simula ng mamatay sila naaalala mo bang galit ako sa 'yo palagi? Sana mapatawad mo ako dahil hindi ko lang matanggap na nawalan ako ng pinsan na katulad ng Papa mong si Roger. Napakabait niya at ni Diane, ang itinuring mong Mama mo."
Matapos kong maalala ang lahat ng 'yon, napalalim tuloy ako ng hininga sabay tingin sa kawalan.
"Ozu Kang, pasensya na kung iniwan kita at hindi na binalikan pa. Sana kapag nagkita tayo maintindihan mong hinanap ko lang ang totoo kong mga magulang at ngayong alam ko na ang totoo kong pagkatao, masaya akong makita ka ulit at sana matanggap mo ulit ako sa puso mo."
Napangiti ako ng maisip ko ulit ang mukha niya sa isipan ko.
"Crystal, anak? Halika na at may pupuntahan tayo, bilis." biglang sabi ni Mama sabay hila niya sa akin papalabas kaya nagulat ako.
"Saan naman po?"
"Hinihintay na tayo ni Diana."
"Po? Ang mama ni Ozu Kang?"
"Oo. Bilis na!"
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Novela JuvenilBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...