Chapter 57
Nakatulog yata ako? Nakahawak ako ngayon sa ulo ko habang nakapikit pa. Ano bang nangyari?
Nang bigla akong makabalik sa katawang lupa ko at naalala ko nga palang kinidnap ako. Naramdaman kong wala ng nakatakip sa bibig ko kaya sumigaw na ako ng malakas.
"Tulooong!!" super duper lakas kong sigaw at nagpupupumiglas na ako. "Parang-awa n'yo na. Pakawalan n'yo ako!"
"Hoy Pangit!!"
"Tuloooong!!" buong pwersa ko pa ring sigaw.
"Hoy Pangit!!!"
"Eh??" bigla akong natigil sa pagsigaw ng may sumigaw din sa akin mula sa likod ko.
Nilingon ko siya. "OZU KANG??" nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw ang nagpakidnap sa akin? Pero bakit?"
"Hay! Tigilan mo nga 'yang ganyang walang kuwentang tanong. Ihinto n'yo 'yung sasakyan." Bumaba siya ng kotse at tumabi sa akin.
"P-p-pero kanina..."
"Ako ang nag-utos no'n." cool niyang sabi kaya nanlaki ang mga butas ng ilong ko.
"Ano?! Alam mo bang kinabahan ako, ha? Tumawag pa ako sa lahat ng Bathala, kay Emre , sa mga sanggre, kay Imaw, kay Ibarro para lang mailigtas ako? Pashneya k—" naputol 'yung sasabihin ko dahil pinalagyan niya 'yung bibig ko ng packaging tape sa mga men n' black niya.
Napaka salbahe talaga nitong si Ozu Kang. Ang sakit kaya!
Ozu's Point of View
"Ang ingay mo kasi. Ipapatanggal ko lang 'yan kapag ka tumahimik ka na."
"hdgfksegrtislehr!!"
May sinasabi siya pero wala akong maintindihan kasi nga nakapackaging tape ang bibig niya.
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, ipapatanggal ko lang 'yan kapag tumahimik ka na."
Bigla niyang sapilitang tinanggal 'yung tape sa bibig niya kahit nasaktan siya.
"Hoy Ozu Kang! Itatanong ko lang naman kung saan tayo pupunta?! Tignan mo 'yung itsura ko sa itsura mo, nakapangjogging ako at ikaw?? Teka! Ano bang klaseng suot 'yan? Saan ang trip mo?"
Pagtigil ng sasakyan sa isang Mall bigla ko siyang hinila pababa ng kotse.
"Araay ko! Ozu, dahan dahan naman! Ano bang gagawin natin dito sa Mall? Magpapalit muna ako. Nakakahiya 'yung suot ko."
"Oo. At dito kita bibilhan ng pamalit mo kaya puwede ba? Tumahimik ka na kasi naririndi na ako?!" pagkasabi ko nito salamat naman at tumahimik na siya.
"Ilabas n'yo lahat ng pang sexy na summer dress n'yo." utos ko sa sales lady. Nandito kami sa Summer dress shop.
"Ozu Kang, hindi pa naman summer ngayon. Kakatapos lang kaya ng undas." sabi niya. Pero this time mahinahon na siyang nagsasalita. Good to hear.
"Oo alam ko. Huwag kang mag-alala, mayroon silang stock niyan."
"Sabi ko nga e." tumahimik na siya.
"Halika pumunta tayo roon. Sukatin mo lahat ng ibibigay nila sa 'yo." hinila ko ulit siya.
"Teka? Sabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta?" tanong niya ulit.
"Mamaya ko na sasabihin. Basta magsukat ka na muna. Bilisan mo."
"Oo na po."
"Good." nagthumbs up lang ako sa kanya.
Sukat dito, sukat doon, bili ng shades, pamalit na damit, shorts, underwear, sando, step in at sombrero. At nang mabili namin ang lahat ng mga 'to bumiyahe na kami.
*****
Matapos ang dalawang oras na biyahe tinignan ko si Pangit. Natutulog kasi siya sa tabi ko.
"Pangit, nandito na tayo." Nang gisingin ko siya panay linga-linga niya sa buong kapaligiran.
"K-k-kang Airport?" nagulat siya.
"Oo. Halika na bumaba na tayo. May naghihintay na sa 'yo sa labas." binuksan ko ang pintuan ng kotse para sa kanya.
"May naghihintay sa akin sa labas? At sino naman?"
Hindi ko na siya sinagot basta tuluyan na akong bumaba ng kotse.
Crystal's Point of View
Lumabas na ako ng kotse matapos akong pagbuksan ni Ozu.
Pero nang sa paglabas ko nagulat ako nang may dalawang babae ang bumungad sa akin malapit sa eroplano.
Napanganga tuloy ako.
"Bebang! Naku! 'Yung pamangkin ko ayan na siya!"
"Oh my—Bestfriend! Ang ganda ganda mo na talaga!" sabi nila habang ngiting ngiti sa akin kaya sinampal ko na muna 'yung sarili ko baka kasi nananaginip lang ako eh.
Iniikutan na nila ako ngayon habang tinititigan mula ulo hanggang paa. "Kung alam ko lang na ikaw 'yung pamangin kong si Bebang pinatuloy na sana kita sa bahay natin nu'ng nagpunta ka roon."
"At tama lang din na ipinagtanggol kita sa mga loko lokong tambay na bumastos sa 'yo nu'ng nagpunta ka sa bahay kailan lang. Hindi talaga kami makapaniwala na ikaw na pala 'yan. Ang ganda ganda mo na!"
"Stop!!" sigaw ko kaya napahinto naman sila.
At nang tumingin naman ako kay Ozu Kang nginitian niya ako. Nandoon siya sa pinto ng eroplano at papasok palang sana.
"Hindi 'to isang panaginip. Totoong-totoo 'to. Sinabi ko na sa kanila ang totoo na ikaw si Melanie kaya wala ka nang dapat pang problemahin. Hindi ka na rin malulungkot sa kanila katulad kagabi. Pinangako naman nilang wala silang pagsasabihan na kahit sino kaya halika na kayo. Umalis na tayo papuntang Bohol!"
Pagkasabi niya no'n biglang nanlaki 'yung mga mata ko at bigla akong napasigaw.
"Tiya! Bestfriend! Na miss ko na talaga kayo!" Halos lumundag ako sa tuwa gano'n din sila.
Nagyakapin kami ni Bestfriend habang tumatalon samantala si Tiya napapaluha. "Namiss din kita Bestfriend ko!" hindi kami maawat sa pagsigaw.
"Pamangkin ko, hindi talaga ako makapaniwala na ikaw na talaga 'yan." mangiyak-ngiyak na sabi ni Tiya kaya niyakap ko na rin siya ng mahigpit.
"Ako rin po, hindi ako makapaniwala na nayayakap ko na kayo ngayon!" tumango-tango lang si Tiya habang pinupunasan ko ang luha niya.
"Tara na! Umalis na tayo!" biglang sigaw ni Ozu kaya natigilan kaming tatlo sabay nagtawanan.
"Halika na, first time ko lang sasakay doon sa eroplano." anyaya ni Tiya at tila nangunguna pa sa pag-akyat.
"Ako rin, saka hindi pa tayo nakakarating ng Bohol 'di ba?" sabi naman ni Bestfriend kaya hinabol namin si Tiya.
"Excited na ako!"
"Ibang klase ka na talaga Bestfriend."
"Hindi naman~" sabay hawi ko ng buhok sa tainga.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...