Chapter 35
Ozu's Point of View
Siya nga ba talaga 'yon? Nakatitig lang ako sa kanya ngayon habang hinihingal pa. Hindi ako makapaniwala na siya si Pangit.
Nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya, unti-unti siyang tumatakas papalayo pero hinabol ko naman siya at kinorner.
Napasandal siya ngayon sa pader habang tinititigan ko ang mukha niya. Magkalapit na kaming dalawa.
"Huy! B-b-bakit mo ba ako sinusundan, ha?" Nauutal siya. Samantala nakatitig lang ako sa kanya lalo na sa nunal niya.
Hindi ko siya sinagot.
Naisipan kong kuhain 'yong cellphone ko at tinawagan ko siya. Nagulat siya ng magring ang cellphone niya, ang ibig sabihin kasi no'n, alam niyang kilala ko na siya.
Nang makita ko naman 'yong hawak niyang cellphone, sa pagkakatanda ko ayon 'yong binigay ko sa kanya bago siya umalis tatlong buwan nang nakakalipas.
"Tatakasan mo pa ako? Ha Pangit?" bulong ko sa tainga niya kaya halos hindi siya makapagsalita.
"Close kayo?" Nang bigla namang dumating ang mga king at naabutan nila kami sa ganitong senaryo kaya umayos na ako ng tayo.
"Teka? Huwag mong sabihing 'yan si..." Nagkatinginan sina Zyren at Darren. "Si Mysterious girl?" sabay nilang sabi kaya tumango ako.
"Siya nga." sagot ko sabay smirk.
Tapos nagkatinginan sina Zyren at Darren kay Ezikiel.
Crystal's Point of View
Hindi ko sukat akalaing sa ganitong sitwasyon ako makikilala ni Ozu.
"Siya 'yon?" biglang tanong ni Ezikiel kaya napatingin kami sa kanya.
"Miss Crystal, kilala mo pa ba itong si Ezikiel, ha?" sabi ni Darren.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Ha?" nagkukunwari akong walang alam.
"Miss Crystal, siya 'yong humalik sa' yo dati nu'ng nasa party tayo sa bahay nila Oz—"
Hindi ko na narinig pa 'yong sinasabi ni Zyren dahil bigla na akong hinatak ni Ozu papalayo sa kanila.
"Bakit hindi mo sinasagot 'yong mga tawag ko sa 'yo, ha?!"
Sinigawan niya ako ng makarating kami malapit sa isang puno at malayo sa mga tao. Naiinis yata siya.
"Eh, utos nina Ate Mimi 'yon e." Nakayuko lang ako.
"Bakit sila ang sinunod mo? Ako ang boss mo rito!" Nanenermon yata siya.
"Oo na, pasensya naman." Hindi ko siya magawang tignan.
"Tss, kaya pala 'di ka sumasagot sa mga tawag ko? Tapos tinakbuhan mo pa ako roon sa cafe?"
Napakunot na ako ng noo. Medyo nainis kasi ako ng konti sa mga pananalita niya.
"Eh, utos nga nina Ate Mimi 'yon!" angal ko. Naiirita na rin kasi ako.
"Tch!" Naiinis na rin siya.
Pero bakit ba? Utos naman kasi talaga nina Ate Mimi 'yon e. Surprise nga raw kasi sa kanya tapos ganito ang isasalubong niya sa akin.
"Tapos ka na ba sa sasabihin mo? Kakain pa kasi ako." pagsusungit ko sabay talikod.
Bakit ba kasi ang init ng pagsalubong niya sa akin 'di ba?
"Hoy Pangit! Bumalik ka rito!"
Sa sinigaw niyang 'yon napahinto ako sa paglalakad ko sabay tingin sa kanya ng masama. "Anong sinabi mo? Pakiulit nga?" nagsalubong 'yong dalawa kong kilay.
"Pa-pa-pa—aaah!" nairita na siya ng husto. Hindi niya maulit 'yong tinawag niya sa akin kanina.
"Kung ayaw mo kumain, puwes magpakain ka!" inis kong sabi sa kanya.
Umalis na lang ako ng tuluyan tutal hindi naman niya ako sinagot. Bakit ba kasi nagagalit siya? Napabuga tuloy ako ng hininga.
Ezikiel's Point of View
"Hey! Ezikiel, anong nginingiti-ngiti mo riyan, ha?" ani Darren.
Nandito kami sa isang table at umiinom ng wine. Umiling lang ako habang nakangiti. Hindi ko siya sinagot.
"Ah! Alam ko na, dahil nakita na niya 'yong mukha ni Meysterious girl. Mas maganda siya kaysa kay Moira 'di ba?" singit naman ni Zyren sa usapan kaya tinapik ko nalang siya.
Nakangiti akong tumayo para kumuha ng pagkain. Pero 'di ko inaasahang magkakatabi kami sa pagkuha ng pagkain ni Crystal nang makarating ako rito.
Parehas kaming hindi makapagsalita, parang ang awkward.
"Hi!" paunang bati niya kaya nginitian ko siya.
"Hi." nginitian niya rin ako. Parang nagkakahiyaan kaming dalawa. I don't know why.
"Uhm, ikaw na muna mauna." Sabi niya pero umiling ako.
"No. Ladies first kasi."
Crystal's Point of View
Medyo nagkakahiyaan kaming dalawa at ayun 'yong sa tingin ko.
"Masarap 'yan. Tikman mo." Kinikilig kong sabi habang nakatitig sa kanya.
May inaabot kasi akong dessert na natikman ko na kanina. Sa tingin ko magugustuhan niya 'yon.
"Talaga? Sige." kinuha niya 'yon at kinain.
My gosh! Ang guwapo pa rin niya talaga. Tapos nakangiti pa siya. Kinikilig talaga ako.
"Oo nga masarap!" napangiti lang ako sabay tango.
"Uy! Mukhang masarap yan, ah?" nang biglang sumingit si Ozu sa gitna naming dalawa ni Ezikiel kaya nagtaka kami.
Abah! Ang bastos niya! Talagang sa gitna pa namin kumuha ng pagkain.
Ano ba'ng problema niya? Puwede naman siyang gumilid, ang lawak kaya ng space oh!
Tch! Lumipat nalang kami ni Ezikiel sa kabila. Tapos tuloy pa rin kami sa pamimili ng kakainin naming dalawa.
"Gusto mo ba nito?" sabi ni Ezikiel kaya tumango ako.
"Sige lang~" nilagyan niya ako ng dessert sa plato ko. "Thanks." kinikilig talaga ako. Gusto kong sumigaw.
"Oh! Mukhang masarap din 'to." nang biglang sumingit ulit itong si Ozu sa gitna namin kaya nagtataka na talaga ako.
Grabe siya! Parang nananadya na kasi siya e! Inirapan ko nalang siya. Nakakainis.
"Ezikiel, umupo na tayo." anyaya ko kaya't sumunod siya.
Naglakad na kami papalayo. Habang naglalakad naman kami hindi namin maiwasang hindi magkangitiang dalawa ni Ezikiel.
"Woah!?" nagulat naman sina Darren at Zyren nang makita nila ako. Dinala kasi ako ni Ezikiel sa table nila.
"Hi! You can call me, Crystal." ngumiti ako sa kanila kaya nginitian rin nila ako.
Kinamayan din nila ako at nagpakilala pa sila.
"Dito ka maupo." Pinaghila ako ni Ezikiel ng upuan kaya palihim akong kinilig. Napakagentleman niya talaga.
Nang uupo naman si Ezikiel sa tabi ko bigla na namang sumingit ulit itong si Ozu sa gitna namin.
Nagtitimpi lang ako sa kanya. Nagkatitigan kami ni Ozu. Nakasimangot ako samantala nakangisi naman siya. Sumusobra na siya!
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...