Chapter 75
Mimi's Point of View
"Ano pa bang hindi natin nalalaman tungkol sa pamilyang 'to? Bakit hindi sinabi sa atin ni Mama na may kakambal pala siya?" pagkasabi ko no'n siyang dating naman ni Ozu.
Tinutungo niya ngayon ang office ni Mama kaya sinundan namin siya.
"Ozu, huwag kang mag-alala, aalamin namin ni Mini ang tungkol dito." ani ko habang nakabuntot pa rin kami sa kanya.
"Hindi na kailangan Ate! Totoo 'yung sinabi niyang kakambal niya 'yung Mama ni Crystal. Gusto ko lang makita kung may picture ba silang magkasama o kahit anong lumang picture ng pamilya nila."
Pagpunta namin dito hinalughog niya 'yung buong kuwarto kaya tumulong na rin kami ni Mini sa paghahanap.
"Ito! May nakita ako." sabi ni Mini kaya lumapit agad kami sa kanya.
May hawak siyang isang picture na luma. Gulat kaming tinitigan 'to.
"Oo nga! Magkahawig na magkahawig silang dalawa." titig na titig kaming mabuti sa picture na hawak ni Mini. Picture na silang dalawa lang ang magkasama at magkaakbay pa.
"Diana and Diane?" sambit ko.
"Damn it!" sigaw naman ni Ozu kaya nagulat kaming napalingon sa kanya. "Paano nagawang ilihim ni Mama sa atin 'to?!" kunot noo niyang sabi.
"Posibleng kaya lumayo si Crystal dahil nakita niya si Mama?" sabi naman ni Mini.
"Malamang mas nauna niyang nalaman 'to kaysa sa atin." pagkasabi ko nito bigla nalang tumakbo si Ozu sa kuwarto niya at dito ito nagwala.
Sinundan namin siya dahil baka kung anong gawin niya sa sarili niya.
Nagtakbuhan kami papunta ro'n. Halos makarinig kami ng kung anu ano sa loob ng kuwarto niya. Malamang nagbabasag siya ng kung anu anong gamit do'n sa loob.
"Ozu!!"
"Ozu! Buksan mo 'to!"
"Ozu makinig ka! Hahanapin namin si Crystal!" sigaw ko pero tuloy pa rin siya sa pagwawala niya.
"Tch, Mimi! Ano bang gagawin natin?" pag-aalala ni Mini. Alalang-alala na talaga kasi kami sa kapatid namin.
"Hindi ko alam kung ano pa bang puwede kong masabi kay Mama. Nagsinungaling na naman siya sa atin. Mayroon pa ba tayong dapat malaman? Totoo naman lahat ng sinabi ni Ozu."
Halos mapaupo nalang kaming dalawa habang napasapo sa ulunan.
*****
Ezikiel's Point of View
Nasa kabilang linya ngayon si Ate Mimi. Tumawag siya dahil sa nalaman nila tungkol sa Mama nila at Mama ni Crystal.
"Sige babalik kami riyan." tugon ko.
"Okay, hihintayin namin kayo."
Binaba na niya ang call at halatang hindi na sila mapakali do'n. "Kung gano'n magpinsan sila?" gulat na tanong nina Zyren at Darren.
"Palagay ko dapat muna nating alamin kung ano talaga ang totoo. Pero bago 'yon, kailangan tayo nina Ate Mimi at Mini ngayon. Nagwawala na naman daw si Ozu do'n. Naglock ng pinto at hindi nila mabuksan."
"Dapat pala, hindi na tayo umalis do'n kanina." wika naman ni Zyren.
"Hayaan n'yo na. Bilisan na natin, baka kung ano pang mangyari sa kanya." Ani Darren.
*****
Nang makarating kami rito sa bahay nina Ozu nagwawala pa rin siya kagaya ng sabi ng kambal.
"Mabuti naman at dumating na kayo. Hindi namin siya maawat." nag-aalalang sabi ni Ate Mini kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Nasaan na 'yung susi ng kuwarto niya? Nahanap n'yo na ba?" tanong ni Darren.
"Oo, ngayon lang. Ito oh."
Unti-unti binubuksan ni Darren 'yung pintuan. Pagkapasok namin halos basag basag ang lahat ng mga gamit na naandito sa kuwarto niya.
"Ozu, tama na!" awat namin sa kanya. Magbabasag na naman kasi ulit sana siya.
Napaupo nalang siya sa gilid ng kama sa sahig at hinagis niya 'yung hawak niyang vase.
"Magpinsan kami." sabi niya ng nakangiti tapos mayamaya umiiyak na naman siya.
"Ozu, naiintindihan namin 'yung sitwasyon mo. Pero tignan mo nga 'yung sarili mo." sabi ko sa kanya.
"Ozu, itigil mo na 'to please." pagmamakaawa sa kanya ng mga Ate.
Nang biglang tumunog 'yung cellphone ni Darren.
"Hello? Oh, detective! Kumusta? Anong balita sa pinapahanap ko sa'yo?"
"Natagpuan ko na po siya." rinig naming sabi nito mula sa kabilang linya.
"Talaga? Sige, itext mo sa akin 'yung address at pupuntahan kita diyan ngayon." sabay hang up nito sa phone. Lumapit siya sa amin. "Ozu, may nakakita na kay Crystal." Aniya.
"Talaga? Kung gano'n puntahan na natin siya." sabi naman ni Ate Mimi kaya tumango kami.
"Ozu, narinig mo ba 'yon? Makikita na natin si Crystal." Ani Ate Mini.
Pero ngumisi siya, "Para saan pa? Hindi na kailangan!" nagkatinginan nalang ulit kami dahil sa sinagot niyang ito.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...