Chapter 11

101K 4K 387
                                    

Chapter 11


Bebang's Point of View

Hingal na hingal kong isinara iyong pinto rito sa rooftop. Nakatingin lang ako doon habang naglalakad patalikod.

Sana naman hindi nila ako masundan rito dahil ito na iyong huli kong pagtataguan.

"Sino may sabi sa iyong makakatakas ka?" nanlaki 'yong mga mata ko nang marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko at boses 'yon ni Moira kaya nilingon ko siya.

"M-m-moira?" Hindi nga ako nagkamali, siya nga.

Hindi lang siya nag-iisa kundi, lima sila. Mga nakangisi sila sa akin at tila may binabalak na hindi maganda kaya nakaramdam ako ng takot. Pinalulubutan na nila ako ngayon.

"W-w-wag kayong lalapit..." Inumpisahan nilang humakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako.

"Ang lakas ng loob mo na gayumahin si Ezikiel, ha? Ang boyfriend ko!" sigaw niya.

Ano ang ibig niyang sabihin doon? "Anong gayuma? Wala akong ginagawang gayuma." Pagtatanggi ko.

"Mang-aagaw ka!"

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Anong gagawin niyo sa akin?"

Hindi nila ako sinagot pero sinamaan ako ng tingin ni Moira.Nilalapitan na nila ako. "'Wag! Please..." sinubukan kong magmakaawa pero mukhang walang talab 'yon..

Pinalilibutan na nila ako ngayon.

"Haliparot ka! Ang pangit pangit mo naman!" sigaw niya sa akin. "Sige. Umpisahan niyo na!" utos niya sa apat niyang mga kasama.

"Teka! 'Wag niyo naman gawin sa akin 'to. Pakiusap! Moira..."

Isa, laban sa lima? Anong laban ko sa kanila?

Mayamaya pa, isa-isa nilang hinablot ang mga suot ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumigaw at magmakaawa.


*****


Ozu's Point of View

Napakaboring nang klase ni sir Marquez kaya tumayo na ako. Binitbit ko rin ang bag ni Pangit.

"Oy! Ozu! Bakit tumayo ka?" tanong ni Zyren.

"Umupo ka naman, Pinuno. Hindi ko makita 'yong nakasulat sa blackboard." sabat ni Darren pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Mister Kang?" nagtataka 'yong teacher namin dahil nga tumayo ako sa kalagitnaan ng pagtuturo niya.

Tinignan ko siya ng seryoso.  "Next week na ako papasok sa klase mo. Ang boring mo kasing magturo. Sa susunod gandahan mo naman, ha? 'Yong interasado ako."

Tinalikuran ko na siya sabay alis.

Habang naglalakad ako sa pasilyo nitong campus, napahawak ako bigla sa tiyan ko. Nakaramdam kasi ako bigla ng pagkagutom.

Minabuti kong mas bilisan ang paglalakad ko pero nagulat ako sa daanan ko nang may mapansin akong mga nagkalat na palda, isang pares ng kulay puting medyas na pambabae, polo, at necktie rito sa flooring.

Nilapitan ko iyon at tinitigan. "Kanino naman kaya ang mga ito?" sabay tingin ko sa rooftop dahil sa tingin ko nanggaling 'yon doon.

Tinitigan ko ulit ng mabuti itong uniform pero kapansin pansin 'to na may mga itlog at harina kaya bigla namang pumasok sa isipan ko na, hindi kaya kay Pangit ang mga ito?

Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo paakyat sa rooftop dala ang lahat ng mga iyon.

Nang makarating ako rito hindi ko pa nakita iyong susi sa una pero di naglaon nakita ko rin kaya nabuksan ko ang pinto. Pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Pangit. Namamaluktot siya sa lamig at halos pagang-paga 'yong mga mata niya.

"S-s-sa'yo ba ang mga 'to?" inabot ko ang mga uniform niya sa kanya pero imbes na kuhain niya iyon, tinitigan niya lang ako ng masama.

"Masaya ka na?!" sigaw niya sa akin.

"H-h-hindi ako ang may gawa niyan. Maniwala ka sa akin." pagpapaliwanag ko.

Naisipan ko namang hubarin ang suot kong jacket at ibinalot ko iyon sa kanya.

Ngunit nagulat ako nang bigla niya iyong ibato sa akin at kinuha niya iyong mga uniform niya sabay takbo paalis ng umiiyak.

"Sandali!" Sinubukan ko siyang pigilan pero dere-deretso lang siyang nanakbo pababa.

Napakunot ang noo ko dahil sa pangyayari. Sigurado akong isa lang ang may kakayahang gumawa nito. Walang iba kundi, si Moira!

Nagmadali akong pumunta sa classroom nila.

"Lahat ng mga kaklase niya nagulat sa pagdating ko gano'n na rin ang teacher nila.

Nang makita ko ang kinauupuan niya mabilis ko siyang hinila sa braso niya. "Ozu! Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" pagpupumiglas niya.

"Mister Kang? An—"

"Shut up!" sinigawan ko iyong teacher nila nang tangkain niya akong pigilan. Natahimik nalang siya sa isang tabi.

Kinaladkad kong muli si Moira palabas.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba'ng ginagawa mo, Ozu?!" Patuloy na pagpupumiglas ni Moira. "Isusumbong kita kay Ezikiel! Bitawan mo ako!"

Tinulak ko siya sa pader kaya mangiyak-ngiyak siya. "Bakit mo pinapakialam ang ginagawa ko?!" madiin kong sabi habang nakakunot ang noo ko.

"Ano ba'ng sinasabi mo?!" pagtatanggi niya kaya hinawakan ko ulit ng mahigpit ang braso niya.

"Bakit mo ginawa kay Pangit 'yon!?" Nagulat siya. "Ikaw may kagagawan no'n 'di ba? Umamin ka na!"

"Puwede ba? 'Wag mo nga akong pinagbibintangan diyan! Wala akong pakialam sa Pangit na 'yon!" Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya alam kong nasasaktan na siya.

Nang biglang dumating sina Darren at Zyren kaya inawat nila agad ako.

"Ozu! Ano ba? Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo kay Moira! Ano ka ba?"  Pilit inaalis ni Darren 'yong pagkakahawak ko sa braso ni Moira pero hindi niya 'yon matanggal.

"Ozu! Itigil mo na nga 'to! Nasasaktan na si Moira!" pagtatanggol naman ni Zyren.

Hinila na rin niya ang kamay ko kaya binitawan ko na ang braso ni Moira.

"Sa susunod na mangialam ka pa, hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo, Moira." Pagbabanta ko at tumalikod na ako sa kanila.

"You are crazy!" sigaw niya sa akin. "Oo! Ako ang may kagagawan no'n dahil ayoko sa kanya!" Napahinto ako sa paglalakad ko. Padabog niya akong nilampasan kaya napatikom ang kamao ko.





Votes & Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon