Chapter 6
Bebang's Point of View
Alas-nuebe na ngayon ng gabi at kanina pa ako hindi makatulog. Anong oras na ba? Bakit ba naman kasi hindi mawala sa isipan ko iyong pagkakayakap ni Ezikiel sa akin kanina?
"Pero teka lang." bigla akong napabangon. "Hindi kaya, sinadya niya talaga na sa akin siya magpatulong para magkasama kaming dalawa kanina? Pero bakit naman niya gagawin 'yon 'di ba? Hay! Pati ba naman iyon Bebang inaalala mo pa? Ano? Feeling mo ini-istalk ka ni Ezikiel?"
Pinaling ko ang mukha ko. "Nababaliw na yata ako kakaisip. Pati ba naman sarili ko, kinakausap ko na!"
Nang biglang tumunog iyong cellphone na binigay niya sa akin kaya napasigaw ako.Pambihira naman! Papatayin pa yata ako nitong cellphone na 'to sa gulat! Sabagay, 'di naman kasi ako sanay na may tumutunog na ganitong klase ng bagay dito sa loob ng kuwarto ko. Pero nanlaki 'yong mga mata ko nang makita ko sa screen na tumatawag sa akin si Ezikiel.
Kaagad ko itong sinagot—"Hello?"
"Hi, Melanie? Mabuti naman at gising ka pa? I have something to tell you. Guess what?"
Ano kaya ang sasabihin niya? Para kasing ang saya saya niya. Nacurious tuloy ako.
"Ha? Sige! Ano ba 'yon?" Ngumiti ako ng bahagya.
"Hindi na galit sa akin si Moira. Bati na kaming dalawa kaya sobrang salamat! Ikaw ang dahilan nang 'yon Melanie kaya I Just want to say thank you!"
"Ah. Wala 'yon. Basta ikaw. Congrats!" Muli akong napangiti, pero bigla rin tumamlay.
"Ok. See you tomorrow. Goodnight!"
"Goodnight."
Narinig kong siya na ang tumapos ng call kaya ibinaba ko na rin itong cellphone ko. Nakatitig lang ako rito na nagging blangko na.
*****
Ozu's Point of View
Nakaupo kami sa sofa sa sala nina Moira. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila. Hinihintay namin siya dahil gusto namin siyang isabay papunta ng campus.
"Excited na akong makita si Moira." Sambit ni Darren.
"Gano'n din ako. Ikaw Ozu?" tanong naman ni Zyren sa akin.
"Ano ba'ng klaseng tanong 'yan?" Inirapan ko siya.
"Nagsusungit na naman siya," Narinig kong bulong ni Darren.
Tinitigan ko siya ng masama. "May sinasabi ka?"
Napakamot nalang siya ng ulo. "Ha? Wala." Pagtatanggi niya kaya hindi ko nalang pinansin.
"Pinaghintay ko ba kayo ng matagal?"
Nagsipagtayuan kami sa sofa nang marinig namin ang boses ni Moira. Pababa na siya ngayon ng hagdan. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya.
"Wow! You really look gorgeous," puri ni Zyren nang makalapit ito sa harapan namin.
"Always gorgeous." dugsong ni Darren.
Nagbeso sila. Samantala ako, umupo lang ako sa sofa. Wala ako sa mood makipagbeso.
"Thank you sa inyong dalawa pero, palagi ko na 'yang naririnig sa inyo. How about you Ozu, how are you?" pangangamusta niya sa akin pero umiwas ako ng tingin.
"Ok naman." suplado kong sagot.
"Naman?" Natawa siya ng bahagya. "Bakit may naman? May nangyari ba?"
Hindi na ako kumibo.
"Kayong dalawa." Sina Zyren at Darren ang pinagbalingan niya. "Sino naman ang kaaway nito?"
Biglang dumating si Ezikiel. Ang bestfriend kong hindi sumusunod sa batas ko.
"Speaking." rinig kong sambit ni Zyren.
"Speaking? Don't tell me si Ezikiel?" tanong ni Moira.
"Sino pa nga ba?" mabilis na sagot ni Darren. Napatingin sa akin si Ezikiel. Nginisian ko siya.
"Oops, teka! Ano na naman ang pinagawayan ninyong dalawa, ha?" kaliwa't kanang tanong ni Moira sa amin.
"Ask him." madiin kong sagot. Hindi ko inaalis ang matalim kong pagtitig kay Ezikiel.
"Ezikiel, what is it?" tinatanong niya si Ezikiel. Napayuko ito.
"Si Melanie."
"What? 'Yong pangit na 'yon? Come on, Ezikiel!"
Nagulat kaming lahat sa inasta ni Moira. Nang mapatingin ako kina Darren at Zyren, natatawa silang dalawa. Hindi naman maipinta 'yong mukha ni Ezikiel samantala hindi naman ako kumikibo.
"Pati ba naman ikaw, Moira?" sabi ni Ezikiel kay Moira sabay takbo niya papalabas at parang hindi siya makapaniwala na nasabi ni Moira 'yon. Truth hurts.
"Oh my gosh, Ezikiel! I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang mabanggit 'yon!" Paghingi ng paumanhin ni Moira at nagtangka pa siyang habulin si Ezikiel pero nakalayo na ito.
"Paano ba kasi nagsimula ang lahat ng ito? Bakit siya na palapit sa babaeng 'yon?" Nag-aalalang sabi ni Moira pero nagkibit balikat na lang kaming tatlo.
Mayamaya pa—"Ah, alam ko na!" biglang sabi ni Zyren kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Hindi kaya, ginayuma Si Ezikiel ng pangit na 'yon?" Nagkatinginan kami sa isa't-isa matapos 'yong sabihin ni Zyren.
Napaisip tuloy ako bigla.
"Gayuma? Duh! Ang cheap naman no'n? Uso pa ba 'yon ngayon?" ani Moira.
"Malay mo lang?" Pagsingit naman ni Darren. Magkatitigan kaming lahat.
Nang biglang may pumasok sa isip ko.
Kung ginayuma kasi ng Pangit na 'yon si Ezikiel, ibig sabihin, wala siya sa sarili niyang katinuan. Malamang nakokontrol siya ng pangit na 'yon. Tama ba ako?
"Kung ganon, kailangan natin siyang tulungan!" Nagmadali akong tumakbo papalabas at sumunod naman itong sina Darren at Zyren sa akin.
*****
Ezikiel's Point of View
Nagmamaneho ako ngayon papunta ng campus. "What? 'Yong pangit na 'yon? Come on, Ezikiel!" Nang bigla kong naalala yung sinabi ni Moira kanina kaya napalalim ako ng hininga.
Six months lang siyang nawala pero bakit parang bigla siyang nagbago? Yeah, I love Moira. Pero 'yong pinakita niyang ugali kanina hindi ko iyon gusto. Hindi ko alam kung paano niya na sabi 'yong bagay na 'yon.
Bumaba na ako ng kotse matapos kong mai-park 'to dito sa loob ng campus.
"Ezikiel!"
Bigla kong narinig ang boses ni Ozu mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.
Nagulat ako nang bigla niya akong suntukin. Napahiga ako at pumaibabaw siya sa akin.
Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
"Ezikiel? Listen to me well! Ginayuma ka lang ng pangit na 'yon! Pakiusap! Bumalik ka na sa dati. Ezikiel!" Sigaw niya.
Ano ba 'yong sinasabi niya? Nababaliw na ba siya?
"Hoy! Ezikiel! Ano ba? Ako 'to! Si Ozu Kang ang bestfriend mo!" inalog-alog niya ako at muling sinuntok dahilan ng pagkaubos ko ng pasensya sa kanya.
Sinuntok ko rin siya. "Nababaliw ka na!" Anas ko. Hinawi ko siya at tumayo na ako.
Pinagpulungan na kami ngayon ng mga estudyante.
Votes & Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Novela JuvenilBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...