Chapter 7
"Anong sinabi mo? Ako? Nababaliw? Pambihira! Tinutulungan na nga kita!" Nakakunot noo niyang sabi.
Susuntukin niya sana ulit ako nang bigla namin marinig ang isang pamilyar na boses.
"Ozu Kang! Humanda ka!"
Napatingin kami kung saan iyon nangagaling. Nasa bandang likuran pala namin. Nagulat kami ng si Melanie iyon at may hawak hawak siyang mop. Mukhang ihahampas pa niya kay Ozu ang hawak niya.
Natulala kami. "Bitiwan mo si Ezikiel!!" Aniya. Papalapit siya.
Mayamaya pa natahimik ang buong paligid. Nilapitan ako ni Melanie. "Ezikiel? Ayos ka lang ba?" tinulungan niya akong makatayo.
Bebang's Point of View
Pagkapasok ko sa loob ng campus na-curious ako kung bakit parang may pinagpupulungan yata ang ilang mga estudyante sa kabilang building kaya lumapit ako.
Nagulantang ako nang makita kong sinuntok ni Ozu si Ezikiel kaya biglang umakyat ang dugo ko sa inis papunta sa puso ko. Mabilis kong kinuha ang mop na nasa gilid ko. Pupunteryahin ko si Ozu.
"Ozu Kang! Humanda ka!" Napatingin silang lahat sa akin matapos kong sumigaw. "Bitiwan mo si Ezikiel!!" Tumakbo ako kaya nagsihawian ang mga studyante.
Ilang sandali pa, alam kong natamaan ko si Ozu. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan niya pero sinisigurado kong natamaan ko siya. Mabuti nga sa kanya 'yon! Bigla kong binitawan 'yong mop. Nagmadali akong lumapit kay Ezikiel.
"Ezikiel? Ayos ka lang ba?" Inalalayan ko siyang makatayo.
"A-a-ayos lang ako pero si Ozu..."
Nanlalaki 'yong mga mata niya habang nakatitig kay Ozu. Dahan dahan ko naman nilingon si Ozu pero nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko nang makita ko ang itsura niya.
Biglang tumulo ang pawis ko kasabay ng pagkakalunok ko. Mukhang end of life ko na 'to!
"Ozu?!" Gulat na turan ni Darren. Ang ikaapat na king.
"Freak! Sino ang may gawa nito?" kunot noo namang tanong ni Zyren. Ang ikatlong King.
Hindi ako makasagot nang dumating pa ang dalawang king. Walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Nakatitig lang kay Ozu Kang na mayroo'ng dugo sa ulunan at umaagos ito pababa sa mukha niya.
Nakaramdam ako ng takot.
Ang sama sama ng pagkakatitig niya sa akin ngayon. Parang kakainin niya ako ng buhay ano mang oras.
Nag-uumpisa na ako ngayong magdasal. Tinatawagan ko po ang lahat ng mga Bathala.
Tulungan niyo po ako! Pakiusap!
"Ozu! Dadalhin ka na namin sa Hospital!" sabi ni Darren.
"Ezikiel? Sino naman ang sumuntok sa'yo? Sino may kagagawan nito sa inyo?!" Tanong naman ni Zyren.
Galit na galit na ang dalawang king. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon. At mas lalo pa itong lumakas ng lapitan ako ngayon ni Ozu dahan dahan. Sa sobrang kaba ko ay napaatras ako.
"Ah... h-h-hindi ko sinasadya. Maniwala ka sa akin hindi ko sinasadya ang ginawa ko sa'yo." Paghingi ko ng tawad. Nangangatal na ako. Nakakatakot 'yong mga mata niya. Halatang halata naman na galit siya.
"What the! 'Wag nyo'ng sabihin na itong Pangit na ito ang may kagagawan niyan sa inyo?" Rinig kong sigaw ni Zyren.
Hindi ko pa rin inaalis ang mga pagtitig ko kay Ozu. Ano na ba ang dapat kong gawin ngayon? Napapikit nalang ako ngayon sa takot. Nasaan na ba 'yong mga Bathala? May prinsipe ba'ng tutulong sa akin ngayon? Pakiusap magpakita kayo!
"Ozu! Hindi mo siya puwedeng galawin!"
Tumahimik ang paligid nang marinig kong sabihin iyon ni Ezikiel kay Ozu. Napadilat ako ng mga mata ko at nakita kong nasa harapan ko na ngayon si Ezikiel. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap naman kay Ozu.
Bakit niya ginagawa ito?
"Umalis ka sa harapan ko. Ezikiel." Rinig kong sabi ni Ozu. Madiin ang pagkakasabi niya no'n.
Hindi ko kasi siya nakikita dahil tanging likod lang ni Ezikiel ngayon ang nakikita ko dahil matangkad siya. Pero sinisigurado kong nanlilisik na ngayon sa galit si Ozu dahil ipinagtanggol na naman ako ngayon ng bestfriend niya.
"Sinabi kong umalis ka riyan!!" napasigaw na siya.
Mas lalong tumahimik ang paligid. Minabuti kong sumilip at nakita ko ngang nanlilisik sa galit si Ozu.
Magkatitigan silang dalawa ngayon ni Ezikiel. Dahil dito, mas lalo akong nakaramdam ng matinding takot.
"Hindi ako aalis!" sagot ni Ezikiel. Napahawak ako sa likod ng polo niya at halos mapapikit ako ng mga mata.
"Kung gano'n... ikaw ang bahala."
"Tama na!" narinig kong boses ni Moira kaya sumilip ako sa kinaroroonan niya.
Palapit siya sa amin ngayon kaya na tigilan si Ozu.
"Tch! Ano ba'ng kabaliwan ito, ha? Ezikiel? Ipinagtatanggol mo 'yang Pangit na 'yan kaysa kay Ozu na bestfriend mo?" sigaw nito kaya napayuko ako.
"Sige. Papipiliin kita." Muli akong sumulyap sa kanila. "Ako o si Melanie?"
Naghari ulit ang katahimikan matapos iyong sabihin ni Moira.
Nakaramdam naman ako ng hindi maganda ang mangyayari dahil sa itinanong ni Moira ngayon.
Sinisigurado kong nahihirapan ngayon si Ezikiel. Isa pa, kahit kailan, hinding-hindi naman ako pipiliin ni Ezikiel.
Ano ba'ng laban ko kay Moira? Wala naman 'di ba? 'Di hamak naman na isa lang akong pangit.
Umalis si Ezikiel nang walang sinagot kaya nagulat ako. Sinundan ko siya ng tingin. Patungo siya ngayon sa Parking lot ng campus at hinahabol siya ni Moira.
"Ezikiel! Let's talk!"
"Ezikiel..." sambit ko sa hangin.
Gustong gusto ko siyang sundan para magpasalamat sa ginagawa niyang pagtatanggol sa akin pero parang hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.
Hanggang sa nailipat ko ang tingin ko kay Ozu na dahan dahan na pa lang lumalapit sa akin ngayon. Nakatitig pa rin siya sa akin ng masama kaya muli akong kinabahan.
"P-p-pasensya. Hindi ko gustong masaktan ka." Paghingi ko ng tawad.
Naguilty ako bigla sa ginawa ko sa kanya dahil patuloy kong nakikita ang dugo ngayon sa ulunan niya na umaagos papunta sa mukha niya.
"You want war?" seryoso niyang pagkakasabi.
Napasandal na ako sa pader. Ilang beses pumatak ang mga pawis ko dahil bakas sa mukha niya na gusto niyang gumanti sa akin.
"Pagbibigyan kita." Bulong niya sa tainga ko ng makalapit siya sa akin.
Mayamaya pa, umalis na silang lahat. Nanlambot ako bigla dahil sa narinig ko. Paano na ito?
Votes & Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...