Chapter 51

84.1K 2.9K 41
                                    

Chapter 51


Biglang bumuhos ang malakas na ulan pero wala akong pakialam kung mas malakas pa rito ang ibuhos nito ngayon.

Tama lang siguro na nangyari 'to sa akin. Tama lang ang ginawang pagpaparusa na 'to ni Ozu Kang sa akin.

Pagkatapos kung malaman 'yung nakaraan nina Ezikiel at Moira na guilty ako.

May napagkasunduan kaming dalawa pero hindi ko 'yon sinunod. Tama lang na sabihan niya akong Betrayer kahit nagpapanggap lang kaming magkarelasyon.

Alam kong kulang na nga sa pagmamahal si Ozu sa pamilya niya pero dinagdagan ko pa.

Sobra sobra ang sakit na ibinigay ko sa kanya. Sobrang dismaya ako sa ginawa ko. Tama lang ang parusa na 'to. Tama lang na pagdusahan ko 'to.

"Crystal? Ayos ka lang ba?" nanginginig na tanong sa akin ni Ezikiel dahil nilalamig na siya.

Nilingon ko siya pero hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya.

Oo gusto ko si Ezikiel, pero dahil sa nalaman ko parang nagbago ang lahat nang 'yon.

Ginagawa niya lang 'to dahil kulang din siya sa pagmamahal. Uhaw siya sa pagmamahal niya kay Moira kung hindi man sa pamilya niya.

Alam ko namang simula palang si Moira na talaga 'yung gusto niya hindi na magbabago 'yon kahit kailan.

Hanggang ngayon suot pa rin niya 'yung bracelet na binigay ni Moira sa kanya. Kahapon ko pa nakikita 'yon pero nagbubulag bulagan lang ako.

Halata namang kay Moira galing 'yon dahil sa may nakaukit pa na pangalan nito.

"Ito isuot mo." bigla niyang hinubad 'yung suot niyang doble pang-itaas at binalot niya sa akin 'yon.

Pero ang pag-aalala niyang 'to? Hindi pag-aalala ng isang nagmamahal bilang gusto ka niya, dahil malamang naaalala niya lang si Moira sa pamamagitan ko.

"Ate Crystal! Kuya Ezikiel!" nang biglang may lumapit sa aming isang second year estudent at pinayungan niya kami.

Nagulat kami sa ginawa niya.

"Lea?" sambit ko. 'Yung batang tinulungan namin ni Ezikiel kahapon na binubully, siya 'yon.

"Umalis ka rito. Hindi ka dapat makita ni Ozu." pagtataboy sa kanya ni Ezikiel dahil baka makita ito ni Ozu at madamay pa sa amin.

"Lea, ang mabuti pa umalis ka na. Bilisan mo!" pagtataboy ko rin sa kanya.

Pero bigla siyang umiling. "Hindi po ako aalis dito. Dahil sa akin kaya ito nangyari sainyo ngayon Ate Crystal, Kuya Ezikiel." pagpupumilit niya.

Nang bigla kaming nagulat sa sunod niyang ginawa. Itinapon niya 'yung payong na hawak niya saka ito tumabi sa amin ni Ezikiel at lumuhod siya kagaya ng ginagawa namin ngayon.

Nagtaka kaming nagkatinginan ni Ezikiel.

"Teka? Ano ba'ng ginagawa mo? Baka magkasakit ka." pag-aalala ni Ezikiel sa kanya.

"Lea, umalis ka na." pagtataboy ko ulit dahil mahirap na. Baka walang santuhin si Ozu kahit bata pa.

"Hindi po ako aalis." paninindigan niya kaya muli kaming nagkatinginan ni Ezikiel.

Wala kaming magawa dahil once na tumayo kami rito madadagdagan 'yung oras namin ng isa pang oras habang nakaluhod.





Ozu's Point of View

Nasa third floor kami ng mga king at pinagmamasdan sina Ezikiel at Crystal sa ibaba habang ginagawa ang parusa ko.

"At sino naman 'yung second year student na 'yon?" hayag ni Darren.

Pinagmamasdan ko lang sila.

"Tignan n'yo! Lumuhod din siya." ani Zyren kaya napakunot ang noo ko. "Ozu, ipatigil mo na 'to. Baka magkasakit 'yung bata."

"Wala akong pakialam." madiin kong sagot. Mabilis nagtikom ang mga daliri ko.

"Ozu ano ka ba? Ganyan ka na ba talaga katigas ngayon, ha?" hinarap ako ni Zyren pero hindi ko siya pinansin. Gawin nila ang gusto nila.

"Bahala ka nga riyan!" umalis siya kasunod si Darren pero wala akong pakialam.

"Magsama sama kayo." Turan ko. Tinignan ko silang lahat ng masama.

Nang biglang may lumapit ulit na tatlong second year estudent kina Ezikiel at Crystal na mas lalo kong ikinagalit.

Sigurado akong second year student ang mga 'yon dahil sa color coded ng i.d lace na suot nila. Pero wala akong pakialam kahit bata pa sila.





Crystal's Point of View

"Kayong tatlo?" sambit ko nang lapitan din nila kami. 'Yung tatlong bata na nambully kay Lea kahapon.

"Miss Crystal, sorry po! Kami ang nagpakalat ng mga pictures."

"Sorry po! Sana mapatawad n'yo kami."

"King Ezikiel patawad! Miss Crystal, hindi po namin sinasadya. "

Pero imbes na magalit ako sa kanilang tatlo nginitian ko pa sila.

At least inamin nila ang ginawa nilang mali at hinarap nila kami kahit ito 'yung idinulot nang mali nilang ginawa.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nila 'yon pero ayos lang. Nagkangitian tuloy kami ni Ezikiel.

"Bilang parusa po sa amin gagawin din po namin 'yung ginagawa n'yo ngayon."

Bigla silang tumabi kay Ezikiel at sabay sabay silang lumuhod. Muli na naman kaming napangiti ni Ezikiel nang magkatitigan kaming dalawa.

"Mukhang dumadami na tayo rito." sabi niya kaya nagkangitian kaming lahat. Anim na kami ngayon dito.

"Oo nga!" Masaya kong pagsang-ayon.

Tapos nakita kong nagkangitian sina Lea at 'yung tatlong bata na katabi ni Ezikiel kaya mas lalo akong napangiti. Magkabati na siguro sila.

Kahit magtagal itong parusa ni Ozu ayos lang dahil nag-eenjoy naman ako.

Mayamaya pa nakita naming lumalapit sa amin 'yung dalawang king.

"Hmm... mukhang masaya 'yang ginagawa n'yo, ah?" sabi ni Darren kaya nagtataka kaming nakangiti.

"Oo nga." tugon naman ni Zyren.

Ilang segundo pa lumuhod na rin silang dalawa at nagpaulan. At dahil madami silang chicks sa iba't ibang year and section mas lalo kaming dumami rito ngayon.

Bahagya pa ngang nagtalo-talo ang mga chicks nitong dalawa dahil nag-uunahan sa pagtabi sa kanila.

Natawa nalang tuloy ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

Nang mapatingin naman ako sa third floor kung saan nandoon si Ozu, nakita kong nakatingin din siya sa akin pero umalis na rin siya kaagad.

Napalalim tuloy ako ng hininga. "Sana mapatawad mo ako." bulong ko habang nakatitig sa iniwan niyang puwesto."I'm really sorry Ozu Kang."

Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon