Chapter 48
Matapos ang higit dalawang oras naming pamamasyal ni Ezikiel biglang nabali 'yung takong ng sandals ko.
"Patay." bulong ko.
Mabuti nalang at nakalabas na kaming dalawa ng mall at naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot dahil nandon ang kotse niya.
"Anong nangyari?" tanong niya.
Tinuro ko 'yung nasira kong sandals kaya napatingin siya rito.
"Nasira." bigkas kong mahina.
"Pasan ka nalang sa likod ko." biglaan niyang sabi kaya nagulat ako.
Inaalok niya iyong likod niya sa akin. "Eh?" nakatitig lang ako sa likuran niya.
Nilingon niya ulit ako at nginitian. "Huwag ka ng mahiya, kaya naman kita."
"Hindi!" mabilis kong tinakpan ang dalawa kong dibdib na siyang ikinatawa niya.
Nahiya tuloy ako bigla.
"Hoy! Ibigay mo sa amin 'yang wallet mo kung ayaw mong kalbuhin ka namin!"
Bigla naming hinanap 'yung boses na narinig namin.
Nang makarating kami ni Ezikiel sa gilid nitong mall, nakita namin 'yung mga ka-school mate namin pero mas senior kami ni Ezikiel sa kanila. Mga second year lang sila.
"Ano?! Ibibigay mo ba o hindi?!"
Nasaksihan ko ang ginagawa nilang pangbully sa kapwa ka school mate namin.
Mabilis kong tinanggal ang dalawa kong sandals saka ko iyon inilagay sa mga kamay ni Ezikiel dahil hindi na ako nakapagtimpi pa.
Bahagyang nagtaka si Ezikiel sa ginawa ko.
"Itigil n'yo 'yan!" sigaw ko.
Nakapamewang ako sa harapan nila at sinamaan ko sila ng tingin.
"Tatlo laban sa isa?" bigkas kong muli kaya nagulat sila.
"T-t-teka? Hindi ba't siya si Miss Crystal?"
"Oo at si king Ezikiel, isa sa mga king."
"Bakit sila 'yung magkasama? 'Di ba girlfriend siya ni king Ozu?"
"Paano nangyari 'yon?"
"Nagdi-date ba sila?"
Nagbubulungan sila pero masamang titig pa rin ang ibinigay ko sa kanila.
"Ibalik n'yo sa kanya 'yang wallet niya!" kunot noo kong utos kaya napayuko sila at nagkatinginan pa.
"B-b-bakit ka ba nakikialam, Miss Crystal?" utal na sabi nang isa sa kanila.
"Senior n'yo kami. Sa tingin n'yo hahayaan namin siyang mabully n'yo? Ibalik mo sa kanya 'yan."
Mas lumapit na ako sa kanila kaya't naramdaman kong natakot sila.
"Ito na." mabilis nilang binalik 'yung wallet.
Aalis na sana sila pero humarang ako sa daraanan nila. "Saan kayo pupunta?"
"Uuwi na kami." Tila nagtutulukan pa sila.
"Hindi pa tayo tapos. Anong kailangan ninyong sabihin sa kanya?" nagtaka sila bigla sa sinabi ko.
"Hindi namin susundin ang gusto mo." parang naiinis na ang isa sa kanila kaya tinaasan ko na sila ng kilay.
"Sigurado kayo sa sinasabi n'yo?" pagbabanta ko kaya lalo silang nagtulakang tatlo.
"Sorry po." isa isa nilang sabi kaya napailing ako.
"Hindi kayo dapat sa akin manghingi ng pasensya kundi sa kanya, at ipangako ninyong hindi n'yo na uulitin 'yung ginawa n'yo sa kanya." tinuro ko ang binully nila.
"Lea, sorry, promise hindi na mauulit."
"Sorry din, pinapangako ko hindi na mauulit."
"Ako rin, kaya sorry."
Bahagyang nawala ang kunot sa noo ko nang pagmasdan ko ang paghingi nila ng tawad.
"Sandali. Bago kayo umalis ito ang tandaan n'yo, aanhin 'nyo pa ang inyong kagandahan kung pangit naman ang inyong kalooban. Maging leksyon sa inyo 'yan, ha? Sige na."
Pagkasabi ko no'n nagtakbuhan na sila papalayo kaya inalalayan ko naman 'yung batang binully nila. Tumulong din si Ezikiel sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong namin sa kanya.
"Salamat po." nahihiya nitong sabi pero umiling lang ako.
Bigla ko tuloy naalala 'yung sarili ko sa kanya nang titigan ko siya.
Hindi naman kasi porket pangit ang isang tao o walang kakayahang lumaban kailangan lagi na nilang pinagti-trip-an.
Minabuti namin ni Ezikiel na ihatid na siya hanggang sa bahay nila.
Nang maihatid namin si Lea huminto ako sa paglalakad at umupo sa isang tabi.
"Pagod ka na?" tanong sa akin ni Ezikiel.
Umiling ako. "Hindi naman. Naawa lang ako don sa bata. Bakit ba kasi kailangang mambully ng mga tao? Dahil pangit at walang kakahayang lumaban ang iba? Kailangang pagtrip-an gano'n?"
Nakita kong napaisip sa sinabi ko si Ezikiel kaya't muli na akong tumayo. "Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko." tumango lang siya matapos kong sabihin 'yon.
*****
Zyren's Point of View
Nagmadali kaming pumunta sa teritoryo namin ng mga king nang may magsend sa amin at sa buong campus ng isang balita tungkol kina Ezikiel at Crystal.
Hindi namin alam kung sino ang nagpakalat no'n pero nakakaalarma.
Nagkalat kasi 'yung mga litrato nila habang nagdi-date sila. At sigurado kaming kapag nalaman 'to ni Ozu, gulo ang kahahantungan nila.
Sana hindi pa huli ang lahat.
"Ozu!" tawag namin sa kanya.
Pero mukhang huli na. Huli na yata kami dahil iba ang awra niya habang nakatitig sa hawak niyang cellphone.
Alam na yata niya kaya nagkatinginan kami ni Darren.
"Huwag mo munang bigyan ng malisya 'to. Baka may naninira lang sa inyo."
Sinusubukan ko siyang kumbinsihin pero tinitigan niya lang kami ng masama. Tapos bigla siyang nagtungo ng pinto kaya hinarangan namin siya.
Patay na. Nanlilisik ang mga mata niya. "Padaanin n'yo ako." madiin niyang bigkas.
"Ozu, hindi pa naman natin alam ang totoo."
Sinusubukan siyang pakalmahin ni Darren pero bigla niya kaming hinawi.
Tuluyan siyang nakaalis kaya kinabahan na kami.Nagkatinginan kami dahil alam namin kung anong puwedeng mangyari.
Magkakagulo sila.
"Habulin natin siya." turan ko.
"Ozu! Bumalik ka rito!"
Pinipilit namin siyang pigilan pero hindi namin kaya 'yon.
Votes and Comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Teen FictionBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...