Chapter 29

109K 3.6K 468
                                    

Chapter 29

Nakatingin pa rin sa akin si Ozu hanggang ngayon matapos kong sabihin ang mga 'yon.

"Umh... pero at least nagkatotoo 'yong nakasulat sa diary mo dati. 'Di ba nangangarap ka lang dati na mahalikan ka niya? Ngayon nangyari na 'yon, makontento ka na roon."

Napangiti ako ni Ozu matapos niyang sabihin sa akin lahat ng 'yon.

"Tama ka! Kung hindi mo nahila si Moira no'n hindi ako magagawang mahalikan ni Ezikiel kaya maraming salamat... Ozu." Turan ko habang nakangiti.

Napaiwas siya ng tingin.

"Kung gano'n ako pa ang iniisip mong dahilan nang 'yon?"

Tumango ako habang nakangiti.

"Nga pala, may tatlong araw pa ako bago maggoodbye sa pangit kong mukhang 'to. Gusto mo ba ng remembrance?"

Pumayag siya sa anyaya ko.

Agad niyang kinuha iyong cellphone niya sabay nag-take kami ng picture dalawa.

"Okay, selfie tayo in one, two, three!"

*****

Makalipas ang tatlong araw gusto ko nang umatras.

"Melanie, halika na. Nasa baba na si Ozu." sabi ni Ate Mimi at nakaimpake na kami.

Talaga bang maggogoodbye na ako sa pangit kong mukha? Naiiyak na ako!

"Ang mission~" pagpapaalala nila Ate kaya wala akong magawa.

"Opo. Alam ko naman po 'yon." bulong ko pero sa totoo lang naiiyak na ako.

"Oh siya, tara na. Bumaba na tayo."

Pagkababa naming tatlo nakita ko ngang naandito na si Ozu. Nakasandal siya sa kotse at hinihintay kami.

"Ozu, sinigurado mo ba'ng hindi ka na sundan ng mga bodyguard ni Mama?" tanong ni Ate Mimi sa kanya sabay lingon sa kaliwa't kanan.

"Oo Ate, saka 'wag kayong mag-alala, If ever naman na tanungin niya ako sa biglaang pag-alis n'yo, ako ng bahala magpaliwanag sa kanya." aniya.

"Okay good. By the way, ingatan mo ang sarili mo, five months din ang itatagal namin sa Paris, okay?" tumango lang siya.

"Ozu, tumawag ka lang kapag may problema, ha?" pagpapaalala ng mga Ate.

"Oo Ate. 'Wag kayong mag-alala sa akin. Ang importante magawa natin 'yong plano."

"Yeah of course, tutulungan ka namin sa bagay na 'yan." Nagkangitian sila.

"Salamat. At saka—" Bigla siyang lumapit sa mga Ate.

May binulong siya. Ano kaya 'yon?

Tapos bigla silang nagtinginan sa akin kaya nagtaka ako. Ka-curious naman kung ano 'yon.

"Okay. Oh siya! Magpaalam na kayo sa isa't-isa. Five months din kayong hindi magkikita." sabi ni Ate Mini sa amin ni Ozu kaya naging awkward ang paligid.

Humarap sa akin si Ozu. "Umh... mag-iingat ka." matipid niyang sabi.

Tumango lang ako sa kanya.

Sa hindi ko alam ang sasabihin ko e kaya tumango nalang ako sabay lihis ng tingin.

"'Yon lang?" sabi naman ng mga Ate.

"How sweet." pang-aasar nila kaya mas lalo kong nilihis 'yong tingin ko sa kanila.

Talaga 'tong mga Ate oh! Pinamulahan tuloy ako.

"Tch, wala naman akong dapat sabihin sa kanya." pagsusuplado naman ni Ozu sabay lihis din niya ng tingin.

"Okay! Okay! Siya, kung gano'n, mauuna na kami." Nagbeso-beso sila.

"Mag-iingat kayo." Malumanay na sabi ni Ozu.

"Okay!" Nagyakapan sila.

Samantala ako pumasok na ako rito sa loob ng kotse. Eh, alangan naman kasing makipagbeso rin ako kay Ozu ibang usapan na 'yon.

Pumasok na rin sina Ate Mimi sa kotse matapos silang magyakapan.

Nasa likod ako mag-isa.

Goodbye Philippines! Goodbye sa pangit kong mukha! Goodbye world! Goodbye Bebang!

Umandar na bigla 'yong kotse nang lingunin ako ni Ate Mimi, "Melanie, pinabibigay nga pala sa 'yo 'to ni Ozu."

May binigay siya sa aking isang paper bag.

"Po? Para sa akin?" kinuha ko iyon matapos ay humarap na ulit si Ate Mimi kay Ate Mini.

Pero curious ako kasi pinabibigay daw sa akin 'to ni Ozu. Talaga ba?

Hindi na ako nagdalawang isip na hindi buksan.

"Wow!" biglang kumislap 'yong mga mata ko nang makita ko ang laman nito.

Isang mamahaling cellphone. Grabe! Bigay niya ba talaga ito sa akin? Parang mas mamahalin pa 'to sa ibinigay sa akin noon ni Ezikiel.

Nang bigla itong magvibrate kaya binuksan ko.

Grabe! May text message kaagad baka may sim card na 'to sa loob.

Kaya nang buksan ko na, bumungad lang naman sa akin ang nakasulat na para sa mission tapos nasundan naman ito ng emotic icon na hinahabol ng babae iyong lalaki at naghahabulan sila.

Feeling ko tuloy kaming dalawa 'to ni Ozu at hinahabol ko siya.

Napangiti tuloy ako.

Pagtingin ko naman sa wallpaper nitong cellphone, grabe, picture naming dalawa iyong nakalagay dito at ayon 'yong picture naming dalawa sa restaurant.

Mas napangiti tuloy ako kahit na pangit ako rito.

Pero ang mas napatawa ako nang Ozu Kang Pogi ang name niya rito sa cellphone.

Grabe talaga 'yon. Napailing nalang ako.

Ang lakas ba naman kasi ng kompiyansa niya sa sarili.

Nang mapatingin naman ako sa unahan ng kotse pinagmamasdan pala ako nina Ate Mimi at Mini.

Nagkangitian tuloy kaming tatlo.

"Alam mo ba kapag nakangiti ka? Masaya na rin kami ni Mimi dahil iniisip naming masaya rin si Ozu kapag gano'n."

Ngumiti lang ako kina Ate. Hindi na ako kumibo.

Tumingin ako sa binatana ng kotse habang patuloy sa pagngiti. Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone habang inaalala si Ozu.


Votes and Comments are highly appreciated.

Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon