Chapter 2
Lumapit siya sa akin at tinitigan niyang maigi ang mukha ko. Napalunok tuloy ako ng laway. "Palagay ko nga may pag-asa pa," Kusa nalang akong napanganga matapos niyang sabihin 'yon.
Bakit gano'n? Bakit parang kakaiba siya sa mga King?
Hindi man lang niya ako ginawaan ng kung anong kalokohan matapos niyang marinig 'yung mga sinabi ko patungkol sa mga kaibigan niya kanina.
Guwapo siya, macho, matangos ang ilong, maputi, chinito, mapula ang labi, all in all perfect. Siya si Ezikiel Tan, ang bestfriend ni Ozu Kang na kilala bilang Silent-type King dahil bihira lang siya makipag-usap sa kahit na sino.
"Isara mo ang bibig mo, baka may dumapong bangaw." matapos niyang sabihin 'yon kusa nalang din napatikom ang bibig ko kasabay ng paglihis ko ng tingin sa kanya.
"B-b-bakit parang iba ka sa mga King?" nautal ako bigla.
"Ha? Bakit? Ano ba'ng mayroon sa akin?"
Magsasalita na sana ulit ako nang biglang may tumawag sa kanya.
"Ezikiel?" Boses ni Ozu Kang kaya napalingon kami sa kanya.
Pero nang makita niya ako, biglang sumimangot 'yung mukha niya at tila na bad mood pa.
"Hoy! Ezikiel! Bakit kinakausap mo 'yang pangit na 'yan?!" Bigla ring napakunot 'yong noo ko dahil sa sinabi niya. Talagang pinagdiinan niya 'yong salitang pangit kaya inis na inis talaga ko sa pag-uugali niya.
Masyado siyang mayabang! Masyado siyang guwapo!
"Bakit? May masama ba?" Mahinahong tanong ni Ezikiel sa kanya kaya naasar siya. Oh? Ano ka ngayon ha? Sige ipagtanggol mo ako sa kanya, Ezikiel.
Binelatan ko siya kaya mas lalo pa siyang naasar.
"Hindi ibig sabihin na bestfriend kita, hindi mo na susundin ang batas ko. Hindi mo dapat kinakausap 'yang pangit na 'yan!"
Halos magliyab siya sa galit habang nakatitig sa akin. Nakakainis man 'yong sinabi niya, pero tanggap ko naman na talagang pangit ako. Matagal na.
"Okay, kung 'yan ang gusto mo." ani Ezikiel sabay alis niya ng walang lingon-lingon sa akin.
Natatanaw ko lang ang likuran niya ngayon pero nasaktan ako sa ginawa niya. Napangisi naman sa akin itong si Ozu Kang tapos umalis na rin siya.
Bigla akong napasandal sa pader. Nakapag-walling ako bigla.
"Akala ko ikaw ay akin~ totoo sa aking paningin~" Ang akala ko, kakaiba siya sa mga King. Nagkamali ako. "Ngunit nang ikaw ay yakapin, naglalaho sa dilim~"
*****
"Miss Dimakales! Dahil late ka sa klase ko, ikaw ang unang magkukuwento ng buhay mo." sabi nung teacher namin sa Pilipino nang makapasok ako sa loob ng classroom.
"A-a-ako po?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Bakit? May kaapelyido ka ba rito? Hindi ba't ikaw lang naman ang nag-iisang Dimakales sa classroom na ito? Isa pa, ikaw lang ang late sa klase ko! Alam niyo namang ayaw na ayaw ko sa mga late kaya bilisan mo na! Mag-umpisa kana!"
Makakatanggi pa ba ako? Teacher siya. Estudyante lang ako.
Napabuntong hininga muna ako bago mag-umpisang magsalita sa harapan ng mga kaklase ko.
Napatingin ako sa mga King.
Nakakainis lang dahil mga nakangisi sila. Tch! Isang playboy, isang chickmagnet at number one bully.
May araw din kayo sa akin!
"Ehem." tikhim ko bilang panimula.
"Hoy! Bago ka magsalita, tanong ko lang, bakit hindi ka maganda? Bakit ang pangit pangit mo, ha? Saan ka ba ipinaglihi?" pang-aasar ni Ozu Kang sa akin kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.
Tinitigan ko siya ng masama.
Napatikom ang mga daliri ko sa kamay. Ayokong ayoko talaga sa kanya. Ayan ang taong pinakamasama sa lahat ng masama!
"Quiet! Quiet!" sita ng teacher ko sa mga nagtawanan.
Naging maingay ang buong klase.
"Bakit hindi ako maganda? Kasi oo pangit ako! Mga magaganda at guwapo nga kayo pero ang sasama naman ng mga ugali niyo! Walang kasing sama sa lahat ng masama!" sigaw ko sa kanila.
Tumakbo ako papalabas matapos kong gawin 'yon.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Kung hindi mo magugustuhan ang akda ko, 'wag ka na lang magkomento. Irespeto mo ako para irespeto rin kita.
Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 1) [Published under PSICOM]
Genç KurguBook 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Miss Pangit', ang babaeng 'dimakaalis sa kapangitan at 'dimakaalis sa kahirapan. Kinasusuklaman niya si...